Part 9

2.3K 98 4
                                    

IT'S BEEN FOUR HOURS since Ian stormed out of his own house. Hindi niya alam kung saan na siya nakarating, basta nagmaneho lang siya nang nagmaneho para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman. Ni hindi niya alintana ang bumper-to-bumper traffic ng EDSA kung saan siya nagsumiksik sa loob ng ilang oras. Sumakit na ang mga kamay niya sa pagpukpok sa manibela ng kanyang sasakyan sa tuwing may sisingit sa daanan niya o sa tuwing hindi siya makakasingit sa daanan ng iba. Kasabay ng bawat pukpok niya sa manibela ay ang pagkapuno rin ng loob ng kanyang sasakyan ng mga mura niya. Malalakas, malulutong na mura. 'Yung tipong kahit ang sarili niyang tenga ay nagpapagting sa bawat masasamang salitang nagpapakawala siya ng mga galit niya sa lintik na walang katapusang traffic, lintik na mga walang disiplinang drivers, lintik na walang silbing gobyerno, lintik na mga mall sales, at lintik na mga taong hindi namili ng mas maaga para hindi nakikipagsiksikan sa mga mall.

Nang makawala sa trapiko sa dulo ng EDSA, iginiya niya ang sasakyan sa kabilang lane pabalik naman sa pinanggalingan niya. At muling minura ang lahat ng may kasalanan kung bakit buhol-buhol pa rin ang trapiko sa pinakama-traffic na kalsada sa buong bansa.

But, Ian knew, there was something else that he was cursing at the back of his mind. His own pathetic life. He didn't feel any better. Sakit ng ulo, lalamunan, kamay lang ang natamo niya sa pinaggagagawa. Kaya ipinasya niyang umuwi na at punung-puno na ang kalooban niya ng lahat ng sama ng loob sa mundo na handa na niyang ibuhos sa mga may kasalanan kung bakit hindi na yata magiging mabuti pa ang pakiramdam niya sa lahat ng bagay mula ngayon.

He caught the sight of the burst of christmas lights coming from the windows of his house as he maneuvered his car on his garage. He clenched his fists tight until it hurt. He never hated the sight of those lights as much as he hated it now.

Agad umabot sa kanyang pandinig ang musikang Pamasko na nagmumula rin sa kanyang bahay, kaya mas lalong nadagdagan ang galit sa kanyang dibdib. Pabalagbag niyang isinara ang pinto ng kotse saka nagmartsa papasok sa pinto ng bahay, kung saan niya naabutan ang mag-asawang Selya at Kanor na nakatayo lang sa labas ng pinto. Saglit niyang nakalimutan ang anomang nararamdaman nang makita ang mga ito na halata ang matinding pag-aalala sa mga mukha.

"Ian, hijo! Mabuti naman at dumating ka na," salubong ni Aling Selya.

"Bakit ho kayo nandito...?" Napalitan ng munting kaba ang nararamdaman niyang galit nang dumako ang tingin niya sa nakabukas na pinto.

"Hay naku. 'Yang kaibigan mo, nababaliw na," may tono ng inis at asar sa boses ni Mang Kanor. "Ah, hindi na lang siya nababaliw lang. Talagang baliw na siya."

Mabilis na pumasok ng bahay si Ian. Agad siyang sinalubong ng masayang musika ng mga kantang pamasko, at ng imahe ni Alexa na nakaluhod sa mga throw pillow sa harapan ng mataas at kumukutikutitap na christmas tree. Nakikipagsabayan ang dalaga sa kanta habang kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay sa hangin. Sa paligid nito ay nagkalat ang ilang pinagbalatan ng tsitsirya, isang baso at pitsel.

The other 'woman' was nowhere in sight.

"Pasensiya ka na sa pang-iistorbo ng dalaga namin, ha?" wika ni Aling Selya na nasa tabi na ni Ian. "Kanina pa namin siya sinabihan na umuwi na at nakakahiya na ang pinaggagagawa niya rito sa bahay mo. Pero hindi raw siya tatayo riyan hangga't hindi ka umuuwi at nakakausap."

"Sinabi ko na kasi kay Selya na ipadampot na namin sa barangay para lang mapilitan na siyang umalis dito," wika ni Mang Kanor. "Pero hayan, dinalhan pa talaga mga requested food and drinks."

"E nagugutom na raw siya. Alam mo namang pagod iyan dahil katatapos lang ng christmas party sa school nila. Hindi pa nga halos iyan nakakapagpahinga mula sa pagpupuyat sa pagbabalot ng mga regalo para sa mga estudyante niya. Tapos hahayaan pa natin siyang magutom?"

CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed)Where stories live. Discover now