Part 2

2.9K 112 20
                                    

"OKAY, CLASS. LISTEN." Dinampot ni Alexa ang halos kalahating dipang manipis na patpat at ipinukpok iyon sa blackboard upang kunin ang atensyon ng mga grade one students niya sa Kapitan Moy Elementary School. "Basahin natin ang mga nakasulat sa blackboard." Nag-unahan at nagpalakasan sa pagbasa ang mga magagaling niyang estudyante. Wala tuloy narinig si Alexa kundi ingay. Muli niyang pinukpok ang blackboard upang patigilin ang mga ito. "Ulitin natin ang pagbasa. Sabay-sabay, okay?"

"Yes, Ma'm!"

"Okay, sumunod sa akin. Mga Dapat Tandaan Para sa Christmas Party..." Hinayaan na ni Alexa na basahin ng mga estudyante ang sumunod na mga salita nang sa wakas ay nagkaisa na rin mga dila ng mga ito.

She couldn't help but smile secretly as she listened to the cute little devils she called students. Parang kailan lang ay kanya-kanya pa ang kakaibang topak ng mga ito na talaga nga namang muntik nang makapagpasabog ng katinuan niya. Palibhasa ay mga bagong salta sa regular school bilang mga grade one students, kaya halos inabot siya ng isang buwan bago nakuha ang kiliti ng mga bata. Unti-unti ay nasanay ang mga ito sa pagmumukha ng isa't isa, unti-unti ay nakahanap ng mga bagong kaibigan at kakilala, hanggang sa tuluyang nag-settle down ang nerves ng mga bulinggit. Dalawang buwan lang ang lumipas, wala na ang bakas ng mga iyak at tantrums ng mga estudyante niya. They were finally happy with each other. Alexa was particularly happy. Masaya siya na makuha ang tiwala ng mga bata, pero mas masaya na sa wakas ay nakapagsimula na silang makapag-aral nang husto.

At ngayon nga, anim na buwan ang nakalipas, heto na sila ng mga itinuring niyang mga anak. She just loves these little gremlins, and specially happy that they were now able to read and comprehend what they're reading. Mga ganitong pagkakataon ang naa-appreciate talaga ni Alexa ang maging isang public school teacher. 'Yung makita na sa wakas ay may naiambag na siya sa lipunan. Naturuan na niyang magbasa ang mga hindi pa masyadong makabasa at makasulat ang mga wala pa masyadong alam sa pagsusulat, at nadagdagan naman ang kaalaman ng mga batang may mga magulang na kalahi ni Albert Einstein.

"Ma'm! Kami po may malaking giant christmas tree na sa bahay!" pagbibida ng pabibo niyang estudyante.

"Ah, talaga? Ang galing naman, Kyle. Maganda ba ang christmas tree nyo?"

"Oo, Ma'm!"

"'Opo', Kyle. Laging gumamit ng 'po' at 'opo' kapag nakikipag-usap sa matatanda."

"Ay. Sorry po, Ma'm." Nagtakip pa ng bibig ang bata. Saka inulit ang sinabi. "May malaki po kaming christmas tree po, Ma'm."

"Kami rin po, Ma'm! Ganito po kalaki, Ma'm, po!" pagbibida rin ng kaklase nito na tumayo pa para i-demonstrate kung gaano kalaki ang dini-describe nitong christmas tree.

Na obvious namang hindi totoo. Dahil wala namang Christmas tree na bilog. But Alexa likes these kinds of free talk with her students. Na-a-amaze siya sa napakakulay na imagination ng mga ito.

"O, sino pa ang may malaking christmas tree sa inyo?" tanong niya sa mga ito. Agad nagkanya-kanya ng kwento ang mga bata. "Quiet, kids. Isa-isa lang sabi ko kapag nagsasalita, hindi ba? Hindi ko kayo maiintindihan kung sabay-sabay kayo magsasalita. Tatawagin ko kayo isa-isa. Okay. Isabella, gaano kalaki ang christmas tree nyo?"

"Kasing laki po ni Mickey Mouse, Mam!"

"O? Gaano ba kataas si Mickey Mouse?"

"Ganito po, Ma'm!" The three-feet little girl raised up her hand above her head. Tumingkayad pa ito. "Ganito po kalaki, Ma'm, po ang christmas tree namin sa bahay ni Lola Tita ko po, Ma'm!"

"Malaki pa sa iyo ang christmas tree nyo. Ang galing naman." Alexa had a hunch that Mickey Mouse christmas tree was just as tall as the tv the kid had on their house, where she must have watched Mickey Mouse. "O, ikaw, Ernesto. Gaano kalaki ang christmas tree nyo?"

CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed)Where stories live. Discover now