Part 7

2.3K 117 9
                                    

"MA'M, ANG DADAYA PO NILA!"

"Anong madaya? Magaling lang kami kaya kayo natalo!"

"Madaya kayo! Ma'm, o!"

Napapangiwi na lang si Alexa sa sunod-sunod na reklamo ng mga estudyante niya. Mula pa sa unang palaro nila sa classroom Christmas party na ginaganap ngayon.

"Okay. Quiet na. Panalo na sina Luis." Nagsigawan ang limang estudyanteng lalaki habang kanya-kanya naman ng pagmamaktol ang mga babaeng miyembro ng natalong grupo. "Tama na iyan. Ganyan talaga ang buhay. May panalo at may natatalo."

"Talo kayo! Talo kayo!" pambubuska pa ng mga nanalo.

"Pangit naman kayo!"

Pinigilan ni Alexa na matawa nang tuluyang tanggapin ng mga talunan ang kanilang pagkatalo. Ibinigay niya ang mga premyo.

"O, hindi na kayo kasali sa mga susunod na laro, ha?"

"Ma'm, bakit po?!"

"Pagbiyan nyo naman ang ibang gustong manalo." Doon lang nakuntento ang grupo nina Luis. 'Buti na lang talaga at na-perfect na niya ang psychology ng mga makukulit na batang tulad ng mga estudyante niya sa loob ng maraming taon niyang pagtuturo.

"Okay! Next game! Paper dance! Choose your partner!"

Iilan lamang ang nagprisintang maglaro, bitbit ang mga lumang Manila paper na ginamit niya sa mga visual aids niya. Mukhang nagkakahiyaan pa ang mga estudyante niya. "Ingrid, Sofia, Jennifer. Join the game." Itinuro niya ang iba pang mga estudyante na hindi masyadong nagpa-participate. "Sige, kapag hindi kayo nagsikilos diyan, hindi ko ibibigay ang report cards nyo. Ibibigay ko rin sa iba ang mga regalo ko sa inyo."

Hilahan dito, hilahan doon pa ang nangyari bago nakumpleto ang mga participants sa Paper Dance game nila. At siyempre, hindi rin maiwasan ang tuksuhan.

"Kayo na lang ni Sofia ang mag-partner, Miggy. Kras mo naman siya, diba?"

"Hindi ko siya kras! Sapukin kita dyan, eh!"

"Uuuy! Namumula sya!"

"Joselito, si Gemma may kras sayo."

"Section five si Gemma, diba?"

"Oo nga. Sinasabi ko lang na may kras sya sayo."

"Huwag kang didikit sa akin, Mark."

"Ingrid, kapag hindi ako dumikit sayo, matatalo tayo!"

Malakas na napabuntuhininga na lang si Alexa habang inaayos ang volume ng stereo na gamit nila sa kanilang classroom ngayon. "Okay! Ready!"

"Excuse me..."

Daig pa ni Alexa ang nakakita ng multo nang makilala ang guwapong mukhang nakasilip na ngayon sa pinto ng kanilang silid aralan. Lalo na nang tuluyan itong lumantad sa kanyang harapan. Nagwawala na naman ang pobre niyang puso at kakaibang kasiyahan ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

"Ian? Anong ginagawa mo rito?"

"May naiwan akong papeles kanina sa bahay na binalikan ko nang makita ko ang nanay mo na naghihintay sa pagdating ng jeep ng tatay mo sa labas ng subdivision." Itinaas nito ang dalawang regalo. "Hindi mo raw yata napansin ang mga ito nang magligpit ka bago umalis kanina. Ako na ang naghatid dito tutal on the way naman ito sa workplace ko. Dumiretso na nga pala ang nanay mo sa palengke nang ibigay niya sa akin ang mga iyan."

Tinanggap niya ang mga regalo. "Naku, salamat! Naabala na nga kita kagabi, naabala na naman kita ngayon."

"Okay lang. Glad I could help."

CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed)Where stories live. Discover now