Part 3

2.5K 109 4
                                    

"ANG SARAP NITO. Si Mang Kanor ang nagluto nito?"

"Ako ang nagluto niyan, tanggapin mo man o hindi. Walang anoman." Nakahalukipkip lang si Alexa habang pinagmamasdan si Ian na magana ang pagkain. Bukod sa kaguwapuhan at kakisigan nitong nakaka-adik tingnan, hindi rin nakawala sa paningin niya ang kanina pa niya napapansin na kakaibang pagod ng kaibigan.

"Natutulog ka pa ba, Ian? You look terrible."

"Ganito talaga ang mga trabaho sa buong mundo kapag parating na ang Christmas season."

"Oo nga. Pero wala naman akong nababalitaan na nagpapakamatay sa trabaho tuwing Kapaskuhan."

"They don't have the demand of the job that I have. Pahingi ng tubig."

Nagsalin ng inumin si Alexa para rito. "Mabuti na lang at kahit paano e nakakauwi ka pa rin naman ng maaga. Unless nag-uuwi ka rin ng trabaho kaya hidni ka rin nakakapagpahinga kahit maaga kang nakakauwi."

"Bingo."

Napailing na lang si Alexa. Noon pa man ay kilala na niyang masipag si Ian. Mula sa pag-aaral hanggang sa mag-umpisa itong magtayo ng advertising business mula sa nakuha nitong mana sa mga lolo at lola nito. Daig pa nito ang may taning na ang buhay na nagmamadali sa pag-aayos ng lahat sa mundo bago ito kunin ni Lord kung makapagtrabaho. Hindi naman niya ito masisisi sa ginagawa nito.

Ian came from a broken family. Naghiwalay ang mga magulang nito noong halos mag-a-anim na taon pa lang at iniwan sa mga lolo at lola nito na siyang nag-alaga rito. Nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya ang mga magulang ni Ian at ang tanging kuneksyon na mayroon ang lalaki sa mga iyon ay ang buwanang pagpapadala ng pera ng mga ito. Parehong mayaman ang mga magulang ni Ian kaya ni misan ay hindi nito naging problema ang pera. Kahit ang mga grandparents nito sa ina at ama ay may kaya rin sa buhay na nagbibigay din kay Ian buwan-buwan. He had enough money. No, make that 'he had too much money' that he didn't even know what to do with it when they were young. Hindi naman kasi mahilig sa gimik si Ian dahil puro ito aral noon kaya siguro naipon nang husto ang pera nito sa bangko. When his grandparents died due to a traffic accident when he was in his second year in college, lahat ng kayamanang naiwan ng mga lolo at lola nitong nag-alaga rito ay si Ian ang nagmana lahat. Kaya bago pa man ito makatapos sa pag-aaral ay milyonaryo na itong maituturing. Nang sa wakas ay makapagpasya ito kung ano ang gusto nitong mangyari sa buhay, ginamit na nito ang perang naipon sa bangko at nagtayo ng sariling negosyo. Ten years later, today, Alexa was sure that Ian was even more wealthier, with his advertising agency doing better than most of its competitors.

"Pero bakit single ka pa rin hanggang ngayon...?" wala sa loob na naitanong ng dalaga.

Na nakarating sa pandinig ni Ian. "Bakit biglang bigla kang nagka-interes sa lovelife ko? Don't tell me nagkaka-gusto ka na sa akin."

Inirapan lang niya ito. "Excuse me. Kung may gusto ako sa iyo, dapat sini-seduce na kita ngayon imbes na nagpapaalipin sa iyo."

"Hindi pa ba pangse-seduce ito?" He motioned for the plate of food in front of him. Then burped loudly. "Thank you."

"Kadiri."

"Its a sign of appreciation for the good food I just had."

"Kadiri! At kung gusto mong ipakita ang appreciation mo sa pagkain na iyan, sabihin mo sa akin kung bakit nga wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon? Bading ka ba?"

Ian leaned back against his seat in the laziest, most sexiest manner Alexa had ever seen any man ever could.

Damn.

"Dahil ikaw ang gusto ko noon pa man."

Muntik nang masamid si Alexa kahit wala naman siyang kinakain. "A-ano?!"

CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed)Where stories live. Discover now