Part 8

2.1K 99 4
                                    

MATAGAL NA NAKATAYO LANG SI Alexa sa tapat ng mababang bakod ng bahay ni Ian. Puwede siyang pumasok pero pakiramdam niya, matapos makita ang reaksyon ni Ian kanina pag-alis nito sa eskuwelahan nila, parang hindi na niya maatim na makialam sa pribadong bahay ng binata. At kahit nariyan si Ian, siguradong hindi rin siya nito kakausapin. Kunsabagay, ano nga ba ang pag-uusapan nila? Frankly, walang ideya si Alexa kung ano ang dapat niyang sabihin kay Ian. Basta lang gusto niya itong makausap at saka na siya mag-iisip ng mapag-uusapan kapag nagkaharap na sila.

"Buhay pa kaya ang mga inilagay kong christmas decorations sa bahay niya? Baka binaklas na niya ang mga iyon..." Sinipa niya ang kahoy na gate na agad bumukas. "Well, we could start talking about this."

Dumiretso siya sa pinto na gaya ng madalas niyang ginagawa ay basta na lang niya binuksan. It was locked. Sa unang pagkakataon mula nang maging magkaibigan sila ni Ian, ngayon lang siya naka-experience na naka-lock ang pinto ng bahay nito. At mas lalong sumama ang pakiramdam niya. Parang sinasabi kasi ng nakakandadong pinto na iyon na hindi na siya welcome sa buhay at bahay ni Ian.

"Dahil lang sa posibleng nahalata na niya ang totoong nararamdaman ko sa kanya? Ni hindi pa nga niya naririnig ang sasabihin ko." She kicked the door. Hard. It was still closed. "Nakakainis ka, Ian Mendez."

Binalak niyang sa bintana dumaan para puwersahang makapasok sa bahay na naging extension na ng bahay nila para sa kanya. Oo, susundin niya ang advice ng walang muwang niyang estudyante. Hindi siya susuko hangga't hindi pa siya nagsisimula sa pakikibaka niya sa puso ni Ian. He must have felt something for her too, and that's what she was going to cling on to.

"Alexa? Is that really you now, hija?"

Nilingon ni Alexa ang tumawag sa pangalan niya at nakita niya ang isang napaka-sopistikadang babae na nakatayo sa likuran niya. The woman had her hair neatly tied up in a bun, was wearing a very expensive-looking light blue dress, and big sunglasses that almost covered half her small face.

"Sino ho sila..."

The woman took off her sunglasses and smiled at Alexa. Agad na nakilala ng dalaga ang ngiting iyon. Ang ngiti ni Ian. At ang magandang mukha ng babae na hawig na hawig ni Ian, kung naging babae lang ang kaibigan.

"Tita Madonna?"

"I thought hindi mo na talaga ako makikilala. How are you, hija? Ang laki mo na—"

"Anong ginagawa mo rito?" Halatang natigilan ang babae sa tono ng boses ni Alexa. "Sorry ho, ha? Pero alam nyo naman siguro ang dahilan kung bakit ganito ang pagsalubong ko sa inyo."

Lumamlam ang mukha ng babae, halata ang kalungkutan sa kabila ng ngiti nito. "I know. Naiintindihan kita."

"Kung si Ian ho ang ipinunta ninyo rito, wala siya rito ngayon. Nasa opisina pa ho siya. Baka next year na iyon uuwi."

"Gaya ka pa rin ng dati, Alexa. Still the funny girl I always knew," nakangiti nitong wika nang lumapit sa isang bonsai na naka-paso sa tabi ng pinto. Iniangat nito ang halaman at may kung anong kinuha sa ilalim niyon. Isang susi. "Sa loob ko na lang siya hihintayin."

Tita Madonna opened the door and looked at the spacious living room for a moment. Sumunod na si Alexa at nakita niyang nilapitan nito ang mataas na Christmas tree.

"Buhay pa pala 'to..."

"Ako na lang ho ang nagse-set up niyan tuwing Pasko para kay Ian. Busy na kasi siya masyado sa negosyo niya kaya wala na siyang panahong maglagay ng mga dekorasyon." Tumabi siya kay Tita Madonna sa pagmamasid sa Christmas tree. "Ayaw na ayaw ni Ian na makita ito pero ni minsan ay hindi naman niya inalis. Kaya alam ko na kahit paano, gusto rin niyang makita ang mga ito."

CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed)Where stories live. Discover now