Part 1

4.5K 141 20
                                    

"WHENEVER I SEE GIRLS AND BOYS, selling lanterns on the streets, I remember the Child, on a manger as He sleeps, Wherever there are people, giving gifts exchanging cards, I believe that Christmas, is truly in their hearts..." Bahagya pang tumatango-tango si Alexa habang sumasabay sa pagkanta ni Jose Marie Chan na kasalukuyang tumugtog sa kanilang radyo. Namamaluktot siyang naka-upo sa sofa habang nakatutok lang ang atensyon niya sa kumukutikutitap na christmas tree sa harapan niya. "Let's sing Merry Christmas, and a Happy Holiday, this season may we never forget, the love we have for Jesus, Let Him be the One to guide us, as another new year starts, and may the spirit of Christmas, be always in our hearts..."

Naluluha si Alexa. Naalala na naman kasi niya ang dating kasintahan. Mag-a-anim na buwan na silang hiwalay ni Anthony pero hanggang ngayon, tinatamaan pa rin siya ng pagka-emo kapag naalala ang naging paghihiwalay nila. Paano, Christmas season sila naging official na magkasintahan. And he was the very first guy she introduced to her family and friends. Dahil nga inakala niyang ito na ang magiging 'forever' niya.

To think na kung sila pa rin ni Anthony hanggang ngayon, one year anniversary na sana nila ngayong darating na Pasko. Pero imbes na saya, heto at lungkut-lungkutan ang drama niya sa harap ng kumukutikutitap na mga ilaw ng napakagandang Christmas tree na itinayo niya.

"In every prayer and every song, the community unites, celebrating the birth, of our Saviour Jesus Christ, let love light that startlight, on the first Christmas morn, lead us back to the manger, where Christ the child was born..." Mas lalo pang tumindi ang emosyon niya nang gumawa siya ng sariling music video sa isip ng mga masasayang nakaraan nila ng dating kasintahan. Lumakas at tumaas na rin ang tono ng pagkanta niya. Gusto na niyang ngumawa. "Let's sing Merry Christmas, and a Happy Holiday, this season may we never forget, the love we have for Jesus, Let Him be the One to guide us, as another new year starts, and may the spirit of Christmas, be always in our heaaaaarts—"

"Patawad!"

Nilingon ni Alexa ang istorbo sa 'music video' niya. Her childhood friend Ian Mendez was standing by the door. "Puwede ba, Ian? Huwag mo muna akong asarin ngayon dahil nasa kasagsagan ako ng pagdadalamhati ko?"

"Oh. Sorry." Wala ni katiting na simpatya sa mukha o sa tono ng boses nito. "Sige na, ituloy mo lang iyang pagda-drama mo sa mamahalin 'kong' sofa habang sinasapawan mo si Jose Marie Chan na kasalukuyang tumutugtog dyan sa mas mamahalin 'kong' stereo component."

"You're forgiven." Ibinalik na niya ang atensyon sa harap ng Christmas tree at muling binalikan ang pag-e-emote niya.

"Wow. Salamat, ha? Kung ganon, puwede na rin ba akong pumasok sa mamahalin 'kong' mansyon at makikain sa sarili 'kong' kusina? You don't mind, do you?"

"No. Go ahead. With one big joyful voice, proclaim the name...of the Loooorrd—aray!" Naalog yata ang utak niya nang tumama sa ulo niya ang isang maliit na unan. Nilingon niya kung saan iyon nanggaling at nakita niyang nakatayo sa pinto ng kusina ang walanghiyang kaibigan, bitbit ang isa pang throw pillow. At handa na uli umatake. "Kumakanta ako kay Lord, Ian! Mahiya ka kay Lord!"

"Sa akin, hindi ka mahihiya? Pumasok ka na nga dito nang walang paalam, ginamit ang mamahalin kong stereo, sinapawan mo pa sa pagkanta ang paborito kong singer."

"Lagi naman akong nandito sa bahay mo, ah."

"'Yun na nga, eh. Lagi kang nandito sa bahay ko kahit hindi naman kita pinapapunta."

"Kung hindi ako nagpupunta rito, matagal ka nang nanakawan dahil laging nakabukas ang pinto ng bahay mo."

"Ang dami mo pang satsat. Umuwi ka na at gusto ko nang magpahinga. Katatapos ko lang mamigay ng Christmas bonus sa mga empleyado ko at parang lalagnatin na ako."

CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed)Where stories live. Discover now