Chapter 52: Flashback

Comincia dall'inizio
                                    

 

Kapatid?

 

“Ma, may kapatid ka po?” tanong ko sa kanya. Never kasing nabanggit ni Mama na may kapatid siya at sa pagkakaalam ko ay nag-iisa lang itong anak.

 

“Oo may kapatid ako. Sorry kung di ko siya naikwento sayo” lumapit na ako dun kay Tito Ernesto daw at nagmano sa kanya.

 

“Ang laki mo na Euphy ah. Dalagang-dalaga ka na. Huli kitang nakita noong baby ka pa lang” bigla ring naging kumportable ang loob ko sa kanya.

 

“Sorry din po kasi di ko alam na kapatid kayo ni Mama” sabi ko sa kanya.

 

“Ayo slang. Sikreto lang kasi na magkapatid kami. Ako, yung nanay mo at yung tatay mo lang ang nakakaalam. Half siblings lang kami, yung lolo mo kasi babaero” tumigil na sa pagsasalita si Tito nang nagsalita naman si Mama.

 

“Anak, alam mo kasi anak lang naman ako sa labas ng lolo mo kaya kailangang itago yung tunay kong pagkatao para hindi masira ang reputasyon ng lolo mo pero kahit ganun hindi masakit ang loob namin sa isa’t isa ng Tito Ernesto mo kasi magkapatid pa rin kami. Tingnan mo oh, close na close kami” sinabi niya yun ng walang pag-aalinlangan. Nakangiti pa nga siya nung sinabi niya yun eh.

 

Ibig sabihin anak sa labas ang nanay ko? Ang alam ko kasi lumaki si Mama na walang tatay pero hindi ko naman alam na ganun pala yung sitwasyon.

 

Lumipas ang ilang linggo at dun namalagi saamin si Tito Ernesto. Actually, ang bait bait niya. Sabi kasi ni Mama mayaman siya pero ang bilis niyang makaadjust sa buhay probinsiya. Siya na rin minsan ang gumagawa sa mga gawaing bahay. Tinatanong ko nga siya kung anong ginagawa niya sa probinsiya at ang palagi niyang sagot ay gusto niya munang magpahinga dahil nakakapagod daw ang buhay niya sa lungsod. Humingi rin siya ng paumanhin sa amin dahil hindi raw siya nakapunta sa libing ni Papa dahil nasa US daw siya nung mga panahong iyon.

 

I also celebrated mg 16th birthday kasama siya. Si Mama kasi ay may trabaho at hindi raw siya pwedeng magleave kaya naman ay pinasyal ako ni Tito Ernesto sa mall at binilhan ng mga damit.

 

Mula nung araw na tumapak si Tito sa buhay ko ay tinuring ko na siyang parang tunay kong ama. Ang bait-bait niya. Sobra.

 

Nakilala niya na rin ang Tito kong pari at si Joseph. Naging magkaclose nga sila ka agad eh.

 

One time, habang nasa bahay kami ay bigla na lang may sinabi sakin si Tito.

 

“Alam mo Euphy, sana may anak rin akong babaeng tulad mo. May anak rin kasi ako kaso isa lang. Si Henry” nagulat ako sa sinabi niya.

 

“May anak po kayo?” tumango ito.

 

“Meron. Lalaki at mas matanda siya sa iyo ng mahigit isang taon at may asawa rin ako” 

Marrying My Boss [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora