-Soundtrack 18-

1K 29 3
                                    

-Summer-

Para na namang pinukpok ang ulo niya ng hollow blocks dahil sa hangover.

Inikot niya ang paningin. Ang sosyal ng paligid niya.

Inaalala niya ang nangyari and now she instantly knows that they check in on H.A. Hotel.

Lasing na lasing na si Izekaia kagabi mahina talaga ang tolerance nito sa alak. Siya na babae siya ang tumawag ng taxi at bumaba sila agad sa isang hotel na pang mayaman nang madaanan nila ito. Di niya pwedeng itulog si Attorney sa may surot na hotel baka kasuhan siya ng kapabayaan.

Oh sige na nga aamin na din siya nag take advantage na rin siya dahil mayaman ito alam niya na mabayaran nito ang bills nila isa ang H.A. Hotel sa prestigious hotel ng bansa. Gusto din niya ma try.

Dahil wala siyang kapera pera hinalungkat niya ang wallet ni Kai para sa pamasahe ng taksi makapal nga iyon dahil sa pera at cards.

Dalawang room ang kinuha niya at tig isa sila siempre iyong pinakamahal ang kinuha niya bahala na si Kai sa lahat.

Dahil baka magulantang si Kai dahil isang libo na lamang ang naiwan sa wallet nito dahil cash ang ipinambayad niya ay naisipan niyang puntahan at magpaliwanag dito.

Kumatok muna siya bago niya pinihit ang pinto.

"Kai..." tawag niya sa lalaki gising na din ito at hinihilot ang sentido.

"You're still here?" nakakunot ang noo nitong sabi.

"Di ko gusto yang tono mo at pagkunot nang noo...nandito ako dahil kumuha ako ng isa pang suite at ikaw lahat ang nagbayad!" pinalakihan niya ito ng mata at namaywang pa sa harap nito.

" Did you even look yourself in the mirror before coming here or worst did you even brush your teeth?" di talaga maipinta ang mukha nitong tiningnan siya.

Oo na dumeretso lang siya! Pake nito!

"Arte parang walang mabaho sa kanya tae mo mabango?" pa angil niyang tanong sa lalaki.

"Summer go fix first yourself before anything else" mababang tono nitong sabi sa kanya.

"Ang mga mayayaman nga naman bad breath at muta lang parang ikamatay na nila" sabi niya na sadyang ipinarinig kay Kai.

Bago lumabas at nag toothbrush at naghilamos lang siya at agad din na bumalik sa kwarto ni Kai.

Hinintay pa niya ang lalaki ng halos isa't kalahating oras bago lumabas ng bathroom.

Nakaligo na ito at naka tuwalya lang sa babang bahagi.

Umawang ang labi niya. Kai's body is lean and well defined walang tapon sa lalaking ito eh.

"Wow..." di niya napigilang bulalas.

Parang wala lang sa sarili nito na nandito siya at humahanga. Nagpatuloy ito sa pagpunas sa basa nitong buhok.

"You are here again?" tanong ng lalaki.

"Kailangan ko kasi ng abs" wala sa sarili niyang sabi.

Tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa kanya.

"Come here touch it baby..." mapang akit nitong sabi sa kanya.

Wala siyang sinayang na sandali at agad siyang tumayo para sana hawakan agad ito mahirap na magbago pa ang isip nito.

Peru bago pa niya ito mahawakan ay pinitik nito ang noo niya.

"Aray..." ang talim ng tingin niya sa lalaki.

"Di mo talaga tanggihan no?" sabi nito na nagpa irap sa kanya.

"grasya na tanggihan pa! tsaka wala akong pamasahe pahiram" inilahad niya ang kamay sa lalaki.

Di niya maiwasang tingnan ang nasa harapan nito sa pagitan ng mga hita.

"Eyes up baby..." Kai said in deep voice.

Itinaas niya ang tingin na may ngiting aso sa labi.

"Patay... nabuhay...." nakangisi niyang sabi.

She can clearly see that Kai's breathing become uneven.

"Summer let me remind you Lalaki ako at Babae ka nasa isang malamig tayo na kwarto at..." his voice is deep humakbang ito ng isang beses dahilan naman ng pag atras niya ng isang beses ang lakas ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya gusto niyang tumalikod at tumakbo. Naloko na!

"...may isang malaking kama na..."

"Akin na ang pera dali...!!" sansala niya sa iba nitong sasabihin. Pakiramdam niya ang init init ng mukha niya.

"Why Summer are you afraid of me now?" mas lumapit pa ito sa kanya at napapatras naman siya.

"Ang pera Kai..akin na..." halos di na lumabas iyon sa bibig niya.

Sobrang lapit na nila sa isa't isa at ang mata niya ay nakatitig na lang sa dibdib nito. Ayaw na niyang tingnan ang pagmumukha nito.

Bigla siya nitong tinalikuran at nakita pa niya ang sexy nitong pang upo habang naglalakad.

Parang kumakaway sa akin ang dalawang umbok na pisngi ng puwet niya. Parang nag hello sa akin!

Nang humarap ito sa kanya ay nakalahad na sa kamay nito ang isang libo.

"I bet you used my cash to pay here. Kasya lang ba ito sa pamasahe mo? I have here a calling card tawagan mo ako pag may kailangan ka." seryoso na naman ang mukha nito.

Tumango lang siya at nagpasalamat.

Agad siyang umalis sa suite nito.

Baka magahasa pa niya ang lalaki mahirap na.

Sakay siya sa elevator pababa ng huminto ito at may pumasok.

Agad siyang nanliit sa ganda meron ang babae na ito. She is a definition of beauty that can make you feel insecure.

Di man lang siya tinapunan ng tingin para bang kung titingin ito sa kanya magka sore eyes ito.

Huminto na naman ang elevator at nang bumukas ay napasinghap siya sa gwapong nakatayo at pumasok.

Napalingon nga sa kanya ang magandang babae at napatingin sa kanya ang gwapong lalaki.

Peru one second lag iyon.

At ewan ba niya ano ang trip ng dalawa dahil napagitnaan siya ng dalawa.

"Group study huh?" rinig niyang bulong ng lalaki.

"What a busy night I felt my body is aching" sabi naman ng babae na hinihilot hilot ng balikat.

"Fuck..." bulong ng lalaki para tuloy siyang nanood ng bola ng table tennis palipat lipat.

Ilang segundong walang nagsalita sa dalawa peru nagulat na lamang siya ng biglang hinarap ng lalaki ang babae.

"Fuck! What did you say again Vienna?!" lumabas na halos ang ugat nito sa leeg at hinawakan ang braso ng babae.

"Fuck! Storm masakit ang pagkahawak mo" matalim itong tiningnan ng babae na pangalan ay Vienna habang iniwaksi ang pagkahawak ng lalaking Storm ata ang pangalan. Umatras siya baka pag magkatayarian matalsikan siya ng dugo.

"You better have a valid explanation with this Vienna Louville!" galit na galit na ang lalaki.

Habang nakataas lang ang kilay ng babae habang tiningnan ang mga kuko.

"Oh I need another manicure..." patay malisya nitong sabi habang di pinansin ang parang bulkan na sasabog ang lalaking si Storm.

"Sountrack of my Summer"Where stories live. Discover now