Kaya itinabi ko ang bimpo, at gamit ang dalawang kamay, ay tinaggal ang suot niyang beanie.

Isang mahabang marka ng sugat ang naroon sa kanyang ulo.

Magmula sa tuktok ng ulo, ay pahalang ang direksyon ng peklat na iyon hanggang sa noo niya, malapit sa kanan. Mukha itong kagagaling lamang, at hindi basta basta maitatago, hangga't hindi magsusuot ng sumbrero... o beanie.

Napatitig ako sa beanie, na hawak-hawak ng aking mga kamay. Pansin ko roon na may maliit na mga puting letrang nakaburda roon.

Dreams

Napangiti ako. I remembered something.

“Exellor... isn't exactly a Greek word.”

“What does your name means anyway?”

“Exellor came from exellos, which means delirious.”

“...and Oneiro?”

“...oneiro means dream.”

Bakit naman kaya ganoon ang pangalan sa kanya? Delirious dream?

“Musta siya?” rinig kong tanong bigla ni Don Kael na dumating na pala. Dala-dala na niya ang mga first-aid kit at mga iba pang gamit para panggamot sa sugat niya. Kita ko ang pagtingin niya doon sa beanie na hawak ko at parang natigil siya.

“T-Tinanggal mo?”

“H-Hindi po. S-Sabi po niya.”

Naglabas si Don Kael ng isang malaking ngiti bago ako palayasin sa inuupuan ko para siya na ang maggamot. Mas maigi lang niyang pinunasan ang mga sugat ni Exellor lalo na sa kanyang binti.

“Ang laki-laki pala ng tiwala sa'yo ni Exellor.” bigla niyang nasambit sa gitna ng panonood ko sa pagpunas niya ng bimpo sa kanyang kamay.

“Bakit niyo naman po nasabi?”

“Siguro naman, alam mo na hindi mapagsabi si Exellor, hindi ba? Kaya nga nagtataka ako kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagkaroon ng kasama e hindi naman iyon palakaibigan. Mayroon man siya, pero mas hilig niya ang mapagisa doon. At iyang suot niyang iyan ay malimit lang niyang tanggalin. Kung nandito man siya, o sa bahay nila. Nakita ko na ang sugat, pero hindi ko parin alam kung paano nangyari iyan sa kanyang ulo. Isa iyan sa mga sikreto ni Exellor na hindi niya binabanggit sa iba, sa akin at sa'yo lang niya ito nasabi.”

Halos mapaos ang boses ko sa mga nalaman, pero nagawa ko pa rin magtanong, “B-Buti naman po at pinagkakatiwalaan niya kayo...”

Tumingin ang matanda sa akin. “Isa lang ang kailangan mong malaman sa ngayon, at iyon ay, malaki ang nagawa ng batang iyan sa akin. Higit pa siguro sa buhay ko. Kahit na hindi ko pa rin alam ang buo niyang sarili ay tanggap ko siya, dahil kahit papaano, hindi niya ako pinaniniwala sa kasinungalingan. Hiling ko lang sana, na kaibiganin mo pa siya ng mas higit sa kaya ko, Funtelo.”

“O-Opo, Don Kael.”

“Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?”

Napaisip naman ako bigla. “Siguro po ay hindi na muna. Gusto ko muna siyang mabantayan rito.”

Tinitigan ako ng matanda bago magsalita muli. “Osige. Basta magpaalam ka't bumaba ka na muna dahil hihilamusan na muna itong si Exellor bago pa lapatan ng mga bandage ang kanyang mga sugat.”

Hold up, hihilamusan?

“Hihilamusan? Kayo PO? E-Eh H-Huwag na po Don Kael! Siguro naman ho wala kayong balak na molestiyahin siya?!”

“...hahahaHAHAHAHAHAHAHA!!!”

Sobra ang halakhak ng matanda sa natanong ko. Halos parang hindi siya makahinga sa sobrang tawa!

Beanie GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora