SHHHHHHHT!

Halos mapatakbo ako papalapit sa kanya ng makitang halos ma out-of-balance siya sa paglalakad tungo sa akin.

“Exellor! EXELLOR!” pilit ko siyang ginigising ngunit tuluyan na ngang bumigay ang kanyang katawan sa akin ng makitang sumarado ang kaninang bukas na mga mata. Agad ko siyang binuhat– bridal style, at hinayaan na mamanstahan ang uniporme ko ng mga sarili niyang dugo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Gusto kong umiyak na magalit. Ang kaninang nararamdaman ay napalitan ng galit. Galit sa kung sino mang may gawa nito sa kanya. Halos iba-iba ng kaisipan ang pumasok sa utak ko sa mga posibleng nangyari sa kanya, and damn half of those are fcking scary!

Tatakbo na sana ako palabas para magmotor at dalin siya sa ospital ng pigilan ako ni Don Kael na halos nanlaki ang mata sa mga nakikita, at kumaripas ng takbo tungo sa akin. Nanginginig ang mga kamay niya at parang hindi mahawakan si Exellor sa takot, kahit na ilang distansya lang ang kamay niya sa kanya.

“Dalin mo siya sa mansyon! Bilisan mo!” utos niya sa akin. Dali-dali na akong tumakbo papasok ng mansyon kahit maligaw pa kung saan ko siya ilalagay.

Wala man lang mapa yung mansion sa laki dahil sa totoo lang prangkang prangka na ako dahil hindi ko ALAM SAAN KO SIYA ILALAGAY!!

fck to the higher decibel.

“Sa taas! Doon sa pinakadulong kwarto!” utos muli ni Don Kael, at tarantang parang umikot at may hinahanap yata. Ako na ang nagmadaling umakyat para pumunta doon sa sinasabi niyang kwarto. Pinasok ko iyon at kahit papano ay namangha sa lawak noon at sa sobrang linis. Agad ko siyang hiniga sa kama, at saktong nakarinig ako ng malalakas na yapak ng paa paakyat. Di kalaunan ay nasa likuran ko na nga si Don Kael, may dala-dalang pinggan na may mainit na tubig at bimpo.

Inilapag niya iyon sa isang upuan, at humarap sa akin. “Linisan mo na siya. Kukunin ko lang yung first aid sa baba.”

Dali-dali naman siyang umalis ng kwarto, at kasabay noon ang pagkarinig ko ng marahang pag-ubo ni Exellor. Tinabihan ko agad siya't pinunasan ng basang bimpo ang mukha. Mas naging maaliwalas muli ang mukha niya, at kumislap ang kanyang mga mata ng eksaktong magtama iyon sa akin.

“O-Okay ka lang?” agad kong tanong. “Y-Yung ulo mo? Y-Yung mukha mo dumudugo rin? Anong ginawa nila sa'yo?! Sinong gumawa niyan sa'yo?”

She just stared at me.

Kahit kailan snob pa rin siya.

Kaya naman tinuloy ko na lang ang pagpupunas ng kanyang mukha at braso. Ang dami ko pang pinagsasabi-sabi dahil talagang iba ang nerbiyos na nararamdaman ko. Parang atekihin ako ng di oras.

Damn, I feel like I'm some sort of a mother!

“Tingnan mo pati noo mo dumudugo pa...” sabi ko pa, nang makitang may maliit siyang sugat sa kanyang noo. Hindi iyon masadyong makita dahil natatakpan iyon ng beanie niya. Patuloy ko lang na nililinisan ang kanyang braso't kamay, ng bigla siyang magsalita.

“Take it off.”

“Ha?”

“Take... my beanie off...” she told me.

Natigil ang mundo ko roon. Isa iyon sa mga katanungan ko sa isip kung bakit hilig niya ang pagsusuot ng beanie. Ngayon na utasan niya na ako mismo ang magtanggal non, ay alam ko na. Alam ko na suot niya ang beanie na iyon dahil may tinatago siya. Nakatunganga lang ako roon, at talagang hindi makapaniwala. Nanatili pa rin hawak ko sa bimpo pero para akong lutang dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman.

My heart's doing it again... sht.

Parang may dumaloy na mabilis na kuryente sa'king kamay, ng hawakan niya iyon at dahan-dahang itinapat sa taas ng ulo niya. Nanatili ang tingin niya sa kamay ko, hinihintay na tanggalin ko ang beanie.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now