Chapter Twenty - "The Witch and The Prince"

1.2K 8 3
                                    

I’m His Bride

By IheartZeRoThEhErO

 Chapter Twenty

“The Witch and The Prince”

“C.C.? Cera? Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ng nobelista.

“Ang ibig kong sabihin ay ang kulay abong mangkukulam sa iyong nobela,” ani Light.

Hindi maikakaila ang magkahalong pagkabigla at pagkatuwa sa tinuran ng binata.

“Hindi ko akalaing nagbabasa pala ng mga gano'ng nobela ang mga tulad mo,” dagdag pa nito, “Anong nais mong malaman patungkol sa mangkukulam?”

“Anong nangyari sa kanya?”

“Maaaring namatay, maaaring nawala... Depende sa nagbabasa.”

“Kung nawala siya, saan naman siya maaaring napunta?”

“...Sa ating mundo.”

Hindi maintindihan ng binata ang sarili. Nais niyang magsalita subalit di niya alam kung anong sasabihin.

Kamakailan lamang, nang minsan siyang mapadaan sa bookstore ay napukaw ng isang bagong labas na nobela ang kanyang atensyon. Ito ay ang “The Witch and The Prince” na isinulat ng nobelistang si Zero o si Lelouch Lamperouge na siya ring nobyo ni Misa... subalit matapos mawala ni C.C., nagbago ang lahat. Walang nakakaalala kay C.C. bukod sa kanya, si Misa ay girlfriend niya at di nito kilala si Lelouch Lamperouge. Tila ba nabago ang lahat, tila ba nangyari ang lahat ng dapat mangyari, o ang lahat ba ng patungkol kay si C.C. ay isa lang delusion? Isang panaginip? Isang trick na ginawa ng sarili niyang isip? Minsan na rin niyang naikunsidera ang huli subalit nang mabasa niya ang “The Witch and The Prince” ay napaisip siya.

Ang nobela ay patungkol sa isang mangkukulam na umibig sa isang prinsipeng malapit nang ikasal. Subalit ilang linggo bago ang kasal ay nawala ang prinsipe. Siya kasi'y binalak na paslangin ng kanyang punong heneral. Siya'y dinukot at piniringan upang di niya malaman kung sino ang kumuha sa kanya. Pinahirapan ang prinsipe hanggang sa siya'y akalain ng mga itong patay na.

Ang katawan ng prinsipe ay pinaanod sa ilog kung saan nananahan ang mangkukulam. Iniligtas niya ang prinsipe at dinala sa isang tagong kumalig. Doo'y ginamot niya ito. Doon di'y nalaman niyang nawalan ng alaala ang prinsipe.

Sa bawat araw ay di maiwasan ang pagsidhi ng isang kakaibang damdamin sa dalawa. Hindi man lang nila namalayan na sila'y umiibig na pala sa isa't isa.

Ang kanilang pag-ibig ay madali ring natapos sapagkat ang prinsesang iniwan ng prinsipe'y kaagad ding binawi ang dapat na sa kanya. Hinanap ng nagtatangis na prinsesa ang kanyang prinsipeng nawala. Natunton niya ito sa tagong kamalig ng mangkukulam.

Matapos magpasalamat sa mangkukulam ay dinala ng prinsesa ang kanyang prinsipe sa kanilang palasyo at sila'y nagpakasal.

Nagwakas ang nobela sa paglalakbay ng mangkukulam patungo sa palasyo upang makita ang kanyang minamahal.

Hindi maiwasan ng binatang si Light na maiugnay ang mangkukulam sa kanyang nawawalang witch na si C.C... Alam niyang isa itong kahibangan, subalit nararamdaman niyang ang dalawa ay iisa.

Isang bagay pa ang bumabagabag sa kanya - ang kanyang mga panaginip. Hindi maintindihan kung paanong napapanaginipan niya ang buhay ng prinsipe... na tila ba siya ang prinsipeng ito. Paanong napapanaginipan niya ang buhay ng prinsipe kahit na noon pang di niya pa nababasa ang nobela?

* * *

Matamang tinitigan ng binata  ang nobelista. Ang mga mata nitong lila ay may kakaibang kislap. Tila ito may nalalamang, lingid sa kanya.

“Lelouch Lamperouge... Ano ka nga bang talaga?” tanong ng binata.

“Ako ay isa lamang nobelista, na ginagawang nobela ang mga panaginip niya.”

-E N D-

A/N:

Yan lang ang ending niya, no more EPILOGUE. That is just how I wanted to end this story, gaya nga ng sinabi ng nobelista, depende na sa mambabasa ang ending. :)

Alam kong ako na ang pinakatamad at pinakamasamang writer sa buong mundo pero sana, nagustuhan niyo itong maikli kong nobela. Kung magkakaroon pa ba siya ng sequel? Pag-iisipan ko pa.

I'm His Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon