Chapter Sixteen - "Worth"

280 5 0
                                    

I’m His Bride

By IheartZeRoThEhErO

Chapter Sixteen

“Worth”

BAKIT ba nagiging mahalaga ang isang bagay? Dahil ba sa monetary value nito? O dahil ba sa sentimental value nito?

Bakit ba mahalaga ang buhay? Dahil ba sa hindi na ito mapapalitan? O dahil sa isa itong biyaya mula sa manlilikha?

Para kaya kay Light, ano kaya?

“Hindi ako nakanganga dahil nagugutom ako,” wika ni Light kay C.C. sabay lakad palayo rito.

'Hindi ko maintindihan pero parang may isang parte ng pagkatao ko na nawawala, at nakukumpleto dahil sa kanya,' wika ni Light sa kanyang isip.

“Talaga lang ah,” wika ni C.C. sabay lakad palayo kay Light.

Hindi maintindihan ni Light ang kanyang sarili habang pinapanuod si C.C.. Bakit pakiramdam niya, habang naglalakad palayo si C.C. sa kanya ay ‘di na ito muling babalik. Bakit pakiramdam niya na sa bawat hakbang nito, isang parte ng pagkatao niya ang inilalayo nito sa kanya? Bakit kapag iniisip niyang sa susunod o makalawa ay magigising siyang wala ito sa tabi niya, ay parang gugustuhin na lang niyang h’wag nang bumangon pa. Bakit parang ang mabuhay na wala ito sa tabi niya ay ‘di niya maituturing na buhay.

'C.C. sino ka ba talaga?'

Lumingon si C.C. habang naglalakad papunta sa bahay niya. Ang mga mata nito, bakit parang kahit na nakangiti ito, lungkot pa rin ang nangingibabaw na emosyon dito?

“Ako ang bride mo,” wika nito na tila naririnig ang iniisip niya.

***

Naduduling na si Light sa kakatitig sa kisame. Kanina pang lumilipad ang isip niya. Kanina pang lumilipad papunta sa isang babaeng di niya alam kung nasa’n.

“C.C. sa’n ka ba pumunta? Ba’t antagal mo?”

Nagpaalam kasi kanina si C.C. na aalis siya papunta sa kung saan. Though wala naman daw siyang pakialam dito, tulad ng lagi niyang ini-insist, sinabihan niya pa rin ‘tong “ingat ka!”.

“C.C. bakit di kita maalala, di ko alam kung bakit ka nakatira sa bahay ko, kung sino ka talaga at kung pa’no kita naging bride?” muli niyang wika sa sarili niya.

***

“Bakit ka narito?” tanong ni C.C. sa isang lalaking may lilang mga mata.

“Hindi ko rin alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko,” sagot naman ni Lelouch.

“Gusto kong ituloy ang ating kontrata,” wika ni C.C..

“Bakit?” dagdag pa ni Lelouch, “di niya na ba kayang tapusin?” tanong ni Lelouch sabay upo sa bench na inuupuan din ni C.C.. Nandito sila ngayon sa playground kung saan sila unang nagkakilala.

“Ayoko lang na mas mainvolve pa siya sa buhay ko.”

Bumahid ang sakit sa mukha ni Lelouch, di man sabihin ni C.C., alam na niya kung bakit ayaw na nitong mainvolve pa kay Light.

“Anong gusto mong gawin ko?”

“Nais kong itarak mo ang excalibur sa puso ko.”

“Saan ko naman iyon mahahanap?”

“Hindi ko rin alam, subalit natitiyak kong nasa pangangalaga ito ng isang taong malapit sa iyo.”

Muling nangibabaw ang katahimikan.

“Paano kung sa halip na maibalik kita sa iyong mundo’y mapatay kita?”

“Batid kong walang ibang laman ang iyong damdamin bukod sa akin.”

“Maaaring tama ka.”

***

Naglalakad pauwi si C.C. ng may makasalubong siyang isang grupo ng mga kalalakihan na mukhang mga lango sa alak at droga.

Nakadama siya ng takot mula sa mga ito. Batid kasi niyang di na siya kasinlakas dati.  Everytime kasi na ginagamit niya ang kanyang kakayahan ay nababawasan ang kanyang lakas. Though kaya pa rin naman niyang protektahan ang sarili.

***

“Ba’t antagal niya?” tanong ni Light sa kanyang sarili.

Nakatingala pa rin siya sa kisame at lumilipad ang isip papunta sa isang babaeng di niya alam kung nasaan.

Sa di malamang dahilan ay bigla na lamang kinabahan si Light. Babalewalain na lamang sana niya ang kanyang nadama nang bigla na lamang mahagip ng kanyang paningin ang mukhang ewang Cheese-kun stuffed toy ni C.C..

“Si C.C.?” usal niya.

***

“Miss mukhang mag-isa ka ngayon ah,” wika ng isa sa mga lalake.

Tiningnan lamang ni C.C. ang lalake sa mga mata.

“Aba’t kami pa ang tinatakot mo ng tingin mo ah, tingnan nga nating tapang mo!” wika ng isa pang lalakeng spiky ang buhok.

Lumapit ito sa kanya.

Subalit bigla itong nakatanggap ng sapak sa isang lalaking may brown na buhok.

Nanlaki ang mga mapupungay na mata ni C.C..

“A-anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa lalake.

“Lumayo ka nga muna ng konte C.C., ako ng bahala rito,” sagot ng lalake.

Nakipagsapakan ang lalake sa mga laseng.

Sapak dito, tadyak doon. Tulak dito, headbat doon.

Lamang na lamang na ang lalake subalit, biglang naglabas ng kutsilyo ang isa sa kanyang mga kalaban. Sumaksak ito...

Pula. Purong pula na lamang ang makikita.

Dugo. Dumadanak ang dugo sa paligid.

At iyon ay galing kay...

“Light!” sigaw ni C.C..

Biglang namutla ang nakasaksak kay Light. Natakot ang mga kasama nito dahil sa nangyari. Nagsitakbuhan ito palayo kina C.C..

Naiwan ang isa. Nananatili pa rin ito sa kanyang lugar. “Light buhay ka pa ba?” tanong ni C.C. habang nangingilid ang luha sa mga mata nito.

“Light, sabihin mo sa ‘king ayos ka lang!”

***End of Chapter Sixteen***

I'm His Bride (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora