Chapter Twelve - "BONFIRE"

375 6 0
                                    

I’m His Bride

By IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Twelve

“BONFIRE”

“Oy Sadako, bakit ka nagtakip ng kumot sa mukha? Sayang naman ‘yung dinala kong mga bikinis” ani Misa with puppy eyes kay Sadako.

May naisip ang baliw na si C.C.. “‘Yaan mo na siya, para naman makakita ng ibang view si L.”

Napabuntong-hininga ang babaeng nakatalukbong na nasa pinakadulong kama. 'Paanong kung...' wika nito sa kanyang isip.

Nanatili lamang na tahimik si Misa at sinubaybayan lang ang dalawa.

“Masama nga ang pakiramdam ko,” wika ni Sadako.

***

Naglalakad-lakad si Light nang mapansin niya ang isang babaeng nakadapa sa isang tuwalya. Pinapahiran ng sunscreen ng isang lalaking mukhang maniac ang likod nito.

'...At nakuha pa ng WITCH na ‘yon na magpapahid ng sunscreen?' wika ni Light sa kanyang isip.

Dali-dali siyang naglakad palapit sa babaeng nakadapa sa tuwalyang nakapatong sa buhangin. Lime-green ang kulay ng buhok nito at maputla ang balat. Napag-alaman niyang tanggal na ang pagkakabuhol ng top ng two-piece nito.

Agad na nag-init ang ulo niya.

“At sino ka naman sa tingin mo para hawakan ang bride ko?” tanong ni Light sa lalaking mukhang maniac na nagpapahid ng sunscreen sa babae.

Iniangat ng lalaki ang ulo niya binigyan ng masamang tingin si Light. Matapos noon ay tinanong nito ang babae... “Kilala mo ba ang batang ‘to honey?”

'HONEY? Kapal din ng isang ‘to ah!' wikang muli ni Light sa kanyang isip.

Tumingala ang babae’t halos bagsakan ng langit at lupa si Light. Nagmali pala siya, di pala si C.C. ang malanding babaeng mukhang hito na nagpapalagay ng sunscreen sa lalaki in public with matching almost-removing-the-bikini-top-drama.

*SKIPs*

Dali-daling naglakad palayo sa dalawa si Light nang may biglang humawak sa braso niya.

He felt creeps all over his body. It must not be that weird “eeewness” woman or man he had seen a few seconds ago. It must not BE!

“Anong nangyayari sayo?” tanong ng isang pamilyar na boses.

'The WORST but the BEST...'

Halos yakapin niya ang pinakamamahal niyang bride nang matiyak niyang ito nga ang humawak sa braso niya. May isang problema lang, ‘halos’ lang kasi, di niya magawa dahil natanaw niya ang isang babaeng blonde na nakasunod dito - si Misa.

Kulang na lamang ay magnosebleed siya sa nakikita. Si Misa kasi nakatwo-piece, si C.C. din ganon...

Napatalikod si Light sa dalawa, subalit...

...ikinapit ng witch ang kanyang braso kay Light na tila sila ikakasal at hinila ito.

“Ibili mo ko ng ice cream, baby!” pagpaparinig ni C.C. kay Misa.

“Anong BABY? Bitawan mo nga ako!” wika ni Light habang pilit na tinatanggal ang kamay ni C.C..

“Sira ka ba, pagkakataon mo na ‘tong pagselosin ang mahal mong si Misa!” bulong ni C.C. kay Light.

“At ano namang tingin mo sa atin, nasa sitcom? Akala mo naman nag-wo-work ‘yun sa reality?” ani Light.

“Ba’t di mo subukan? Malay mo...Nag-work ‘yun sa pinapanuod kong palabas dati noh?!” wika ni C.C..

I'm His Bride (Completed)Where stories live. Discover now