Chapter Nine - "A Dance with Him" (Part Two)

411 6 0
                                    

I‘m His Bride

By IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Nine

“A Dance with Him”

(Part Two)

KANINA pa siyang nakatitig sa dalawang taong sumasayaw ng waltz sa dancefloor, kanina pang pinagmamasdan ang bawat galaw nito. Kanina pang pinag-aaralan kung ano ba talagang namagitan sa dalawang ito.

Isa lang naman niyang teorya ang pagkakaroon ng ugnayan ng dalawa. Isang teorya na di niya alalaing tama pala. Isang teorya na nabuo sa isip niya nang maglapat ang kanilang mga labi sa unang pagkakataon nang kwestyunin niya ito kung sino ba talaga ito. Tanda pa niya ang mga nakita noong mga imahe nang ipikit niya ang kanyang mga mata, mga karanasang di niya pag-aari, mga karanasang itinatago ni C.C., at isa na roon si Lelouch.

Tanda pa niyang nakita niya sa alaala ni C.C. ang isang pagkakataong kumakain sina Lelouch at Misa sa restaurant, nakita niya si C.C. na malungkot na nakatingin sa labas ng restaurant, na tila nandon talaga siya.

Di man halata ay naaawa siya rito. Batid niya ang sakit na nadarama nito mula sa pagmamahal sa isang taong di naman parehas ang nadarama para sa kanya. Alam niya kung gaano kasakit ang magmahal ng isang taong di ka naman gusto, lalo na ‘yung taong abot-kamay mo na sana, ayaw lang sayo. Para ‘yung jackpot ka na sana sa lotto, fake nga lang ang ticket mo.

Nang mga oras na ‘yon, gusto niyang tumawa ng malakas. Gusto niya na ngang gumulong-gulong sa kakatawa. Bakit naman kasi hinde? Natatawa kasi siya sa sarili niya at sa mga taong katulad din niya. Bakit kasi di na lang nila bitiwan ‘yung ticket na ‘yon gayong alam naman nilang di nila makukuha yung prize, yung prize na mamahalin din sila ng gusto nila. Para lang silang tangang naghihintay sa wala. Naghihintay na mauso pa ‘yung elephant nilang pantalon gayong matagal na ‘yong laos.

Gusto niyang tulungang mapalapit muli si C.C. sa taong tunay niyang minamahal. Gusto niyang maging masaya na talaga si C.C. Pero bakit ang pag-iisip non ay...

“Light?” narinig niyang tawag ni C.C. sa kanya. Sumasayaw pa rin ito kasama si Lelouch.

Subalit inalis niya ang tingin niya rito, at nagfocus na lamang sa pakikipag-usap tungkol sa politics kay Milly, dahilan upang di niya makita ang biglang pagguhit ng lungkot sa magandang mukha nito.

'Di mo na kailangang gawin ‘to, Light.' Wika ni C.C. sa kanyang isip, habang matamang tinititigan si Light sa malayo.

“Cera, ba’t mo kami iniwan ni Nunally?” wika ni Lelouch. Muli siyang nagbalik sa realidad at napatingin sa kulay lilang mga mata ni Lelouch.

Inilapat niya ang hintuturo niya sa labi nito upang pigilin ang mga sunod pa nitong sasabihin, “pwede bang sulitin na lang natin ang mga oras na to?” tanong ni C.C. habang nakatitig pa rin sa lila nitong mga mata.

Ngumiti si Lelouch. “Di ko akalaing kaya mong maging ganyan kaseryoso...” puna ni Lelouch, di nawawala ang ngiti sa mukha nito.

“Nagbabago ang tao, Lelouch...” wika ni C.C..

“Bakit tao ka ba?” tanong ni Lelouch.

Ginantihan lang siya ni C.C. ng isang ngiti.

***

Mahimbing ng natutulog si L nang magring ang cellphone niya. Idinilat niya ang mga mata upang basahin ang nareceive na mensahe subalit mas natanaw niya pa sa mga letrang nakasulat sa telepono ang babaeng natutulog sa sofa niya - si Sadako.

Umupo siya mula sa pagkakahiga at hinawi ang buhok nitong bahayang tumatabon sa mukha nito.

Pansin niyang medyo umiinit na nga ang panahon, summer is really in the air! Beach na!

I'm His Bride (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora