Chapter Fourteen.One - "Delta"

263 5 0
                                    

I’m His Bride

By IhEaRtZeRoThEhErO

 

Chapter Fourteen.One

 

“Delta”

SOBRANG sakit ng ulo niya nang magising siya nung umagang iyon. 'Marahil dahil sa hangover,' wika niya sa kanyang isip.

Inilibot niya ang mata sa paligid, at sa di malamang dahilan, sa loob ng labing siyam na taong pamamalagi sa mundo, ay ikinagulat niya ang paggising sa sariling kwarto.

Bakit?

Sa pagkakatanda niya kasi ay nasa isa siyang resort kagabe, pero ano ‘tong nandito siya sa kanyang kwarto.

Bumangon na lamang siya sa pagkakahiga at agad na nagtungo sa C.R.. Mamaya na niya iisipin kung ano ba talagang nangyari kagabe.

Isang pamilyar na mukha ang humarap sa kanya sa pagpasok niya sa C.R.. Kita niya ang nangingitim na ilalim ng mga mata nito. Malalim rin ito sanhi ng matinding hapo at pagpupuyat.

Hinawakan niya ang mukha at dinama ito sa kanyang mga palad. Malambot at malasutla ang balat nito. Isang kaaya-ayang tanawin sa harap ng salamin. Subalit halata sa mata niya ang kalungkutan.

'Kahit anong gawin ko, di niya pa rin ako mamahalin!' wika niya sa isip niya.

Matapos non ay pumunta na siya sa shower at nagsimula na siyang maligo.

***

“Anong kailangan mo?” tanong niya sa isang babaeng nakatayo sa harap niya habang nakaharap sa laptop.

Hindi kumibo ang babae, nanatili lang ito sa kinatatayuan niya. Medyo naaasar na siya rito, pero di naman siya pwedeng gumawa ng ingay sapagkat nasa loob siya ng library.

I'm His Bride (Completed)Where stories live. Discover now