Chapter Ten - "Beach"

372 6 0
                                    

I’m His Bride

By IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Ten

“Beach”

NAKATINGIN lang si C.C. sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang bawat bahay na nadaraanan ng kanilang bus. Merong ilan na sobrang bongga ang pagkakagawa na mukha ng palasyo. Meron namang ilan na giray-giray at halos kaunti na lang ay masisira na dahil sa lala ng kalawang. Subalit prominente ang mga simpleng bahay na bungalo style lang.

Napangiti siya at napatingin kay Light. Nakahilig ang ulo nito sa balikat niya at payapang natutulog. Parang isang anghel na natutulog.

'Anghel nga kaya?' tanong niya sa sarili niya.

Niyakap niya ng mahigpit ang mukhang ewan na stuffed toy na binili nila ni Light, at muling napatingin dito, na tulad pa rin kanina, ay mahimbing pa ring natutulog.

“Anghel nga siguro...” wika ni C.C..

Dahil medyo napalakas ata ang wika niya ay nagising ang natutulog na si Light at agad na iniayos ang upo. Bahagya itong namula nang marealized na nakaunan pala siya sa balikat ni C.C..

Napangiti naman ang witch.

“Ilang taon ka na ba Light?” tanong ni C.C. rito.

“I am turning nineteen.” Wika ni Light, habang nakasalung-baba at nakatingin sa bintana ng opposite nilang upuan.

“Kaya pala.” Wika naman ni C.C., poker-faced na ang mukha nito, meaning emotionless.

“Anong kaya pala?” tanong ni Light dito.

“Kaya ka pala ganyan.” Wika ni C.C..

“Bakit, ano ba ko? Gwapo? Alam ko na yon...” wika naman ni Light.

“Tanga, maniac.” Wika ni C.C.. Nakatingin lang ‘to sa labas ng bintana na tila malalim na nag-iisip.

“AKO, MANIAC?! Excuse me...” wika naman ni Light na muling namumula.

“Laway mo, tumatalsik!” dagdag pa ni C.C., “Madami na akong nakahalubilong tao, at maniwala ka sa akin, kahit di mo pa aminin, yung mga nasa age range mo ang may pinaka-active na hormones.” Wika ni C.C..

“Pano mo naman nalaman ‘yan?” tanong ni Light.

“Dati kaming nagkaroon ng kontrata ni Jose Rizal...” wika ni C.C..

“Really? Eh ba’t wala ka sa history ng mga girlfriends niya?” tanong ni Light.

“Kasi tinago niya ko.” Wika ni C.C., sabay tingin kay Light.

“Edi di ka na virgin?” tanong ni Light.

Sinapak ni C.C. si Light na naging dahilan upang malaglag ito sa kinauupuan.

“Ano namang tingin mo sa akin, CHEAP?” tanong ni C.C. “At sinabi ko bang naging kame? I was more like of her advisor.”

Napatayo si Light sa sahig at hinimas ang pisnging nagkapasa.

“Grabe ka, malakas ka pa ata kay Pacman sumuntok.” Wika ni Light.

“Dapat lang ‘yan sayo, maniac.” wika ni C.C..

“Ilang taon ka na ba, C.C.?” tanong ni Light, pagkaupo sa tabi nito.

“Matanda pa ako sa lolo mo. Mas higit ring matanda kay Rizal.” Wika niya, “sabihin na lang nating I am a century old, witch.”

“Eh, ba’t di ka tumatanda?” tanong ni Light. Alam niyang mahiwaga ang babaing ito subalit di pa rin niya mapigilang magtanong. Science can explain all, pero pano na si C.C.?

I'm His Bride (Completed)Where stories live. Discover now