Chapter Thirteen - "Fire and Kisses"

324 4 0
                                    

I’m His Bride

By IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Thirteen

“Fire and Kisses”

NILINGON niya ang nakatayong lalaki sa likod niya at nagwika, “Ba’t nandito ka?”

Puno ng pighati ang mga mata ng lalaking may itim na buhok at lilang mga mata. Tila ito nawalan ng lahat. Tila isang pulubi sa harap ng karangyaang tinatamasa.

“Nangako akong tutulungan kitang makabalik sa iyong mundo,” dagdag pa ni Lelouch vi Britannia, “at tutupdin ko ‘yon,” wika nito sabay hawi ng kaunting buhok na bahagyang pumuwing sa kanyang mata, pagkat humangin ng malakas.

“Di mo na ‘yon kailangan pang gawin, dahil nakita ko na siya,” wika ni C.C.. Muli itong humarap sa dagat at pinagmasdan ang namumulang paligid.

“Ano bang mali sa akin?” tanong ni Lelouch, bakas ang matinding pagkabigo sa mukha nito.

“Ako ang may mali, Lelouch,” dagdag pa ni C.C. “AKO mismo ang problema!”

“Anong ibig mong sabihin?” ani Lelouch...

Tumayo si C.C. at humarap kay Lelouch...

“Hindi mo na kailangang malaman pa,” sagot ni C.C., umakma itong aalis na subalit nahawakan ito ni Lelouch sa kamay, na tila naghatid ng kakaibang kuryente sa kanilang dalawa.

“Kailangan kong malaman dahil involve ako!” ani Lelouch.

“Wala ka namang magagawa kahit pa malaman mo...” depensa ni C.C..

“Hindi mo naman alam ang kakayahan ko Cera!” dagdag pa ni Lelouch, “malaki na ang nagbago sa akin simula ng iwan mo kami!” wika ni Lelouch.

“Kung ganon,” dagdag pa ni C.C., “mababago mo ba ang nararamdaman ko sa ‘yo? Kaya mo bang pigiling mahulog ako ng husto sa iyo?” tanong ni C.C..

Matapos non ay nangibabaw ang nakakabinging katahimikan sa paligid.

***

Puno pa rin ng kaba ang dibdib ni Misa. Ngayon kasi, sinusundan na talaga sila ng mga mukhang mga sabog na mga lasing. Rinig na rinig niya ang .mahinang hagikhikan nito sa kanilang likuran. Gusto niya ng tumakbo subalit nagdadalawang-isip siya, baka kasi mas lalong ikapahamak nila iyon.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Sadako, tanda ng matinding pagkatakot niya para rito. Sa nakikita niya kasi ay masyadong lady-like ito at mahina. Isang tipo, na di kakayaning harapin ang mga tulad nito. Kung sana kasi, nakinig na lamang siya rito kanina. Kung sana, hindi siya naging masyadong mapilit.

Isang malamig na hangin ang umihip sa kanyang pisngi. Dahilan upang lumala pa ang matinding takot na kanyang dinarama, takot na kanina pa niyang kasama.

Nilampasan sila ng isa sa mga lalaki at hinarangan sila sa daan. Napabuntong-hininga si Misa, hinigpitan niyang muli ang hawak sa kamay ni Sadako, na nananatili pa ring walang reaksyon ngayon.

“Baka naman gusto niyong makipaglaro muna sa amin, mga sexy ladies?!” dagdag pa nito, “tinitiyak kong mag-e-enjoy kayo,” wika nito.

“Pasensya na, pero nagmamadali kami ngayon e, maybe next time na lang,” ani Misa.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Tiyak na niya ang kapahamakan nila ng kasama ngayong na-stuck sila rito. Subalit sa isang parte ng puso niya ay umaasa pa rin siyang makakaligtas pa rin sila ng kasama.

“Napakaarte naman ng isang ‘yan, bibigay din ‘yan mamaya,” wika ng isa sa mga lalake.

Naglakad ang lalaking iyon papunta sa kanila. Bawat hakbang nito ay parang napapatiran ng hininga si Misa. Alam niyang wala na siyang magagawa.

I'm His Bride (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें