Chapter Two - "She's My Bride?"

1.6K 17 1
                                    

I’m His Bride

by IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Two

“She’s My Bride?”

Nakasunod pa rin sa kaniya ang babaeng may kakatwang kulay ng buhok habang pauwi siya sa kanyang bahay.

Alam niyang may utang na loob siya rito pero tama na siguro ang paglibre niya ng isang buong box ng pizza kanina dito sa Watari’s Hut...Medyo natataka na tuloy siya sa ikinikilos ng babaeng ito, lalo na ngayong naalala niya ang nangyari kani-kanina lang...

*backward*

“I’m his bride!” wika nito habang nakakapit sa braso niya na tila sila ikakasal.

BRIDE?

Sa loob ng eighteen years niyang pamamalagi sa mundo, di niya kailanman naisip magpakasal sa isang BALIW, ni ang makasalamuha sila ay ayaw niya. Pero ano ‘tong sinasabi ng BABAENG BALIW na ‘to na siya ang bride niya? Napakabata pa niya para mag-asawa!

“Bride?” tanong ni Shirley. “Ba’t di ko alam yung Light?”

'Kung ako nga ngayon ko lang yan nalaman e.'

Mas humigpit ang kapit nito sa kanya.

Hindi naman siya makareact dahil siya ay shock din sa babaeng ito.

“Hindi mo yun alam dahil kagabi lang yung nangyari.” Wika ng babae, “kagabi lang niya ako naging bride.”

'Ano daw?'

Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa mata ni Shirley ng bigla siyang hilahin ng BABAENG BALIW sa kung saan.

“Nagugutom na ko.” wika nito ng makarating sila sa harap ng isang pizza restaurant.

Lumabas ang isang maputlang lalaki na may subo-subong lolipop sa bibig, nakasuot ito ng black apron na may nakaimprentang Watari’s Hut, indikasyon na dito ito nagtatrabaho.

“Magsasarado na kami, kung gusto niyong kumain, mabuting magtake-out na lang kayo.” wika ng lalaking naka-apron.

Hinila siyang muli ng babae na parang batang excited na excited bumili ng laruan.

Hindi naman sa nagpapahila siya sa babae, nahihila talaga siya nito. Malakas pa ata to sa kalabaw e.

Ito ba ang gutom?

Agad itong umorder sa isang babaeng tingin ng tingin sa kanya na nasa counter. Nakita niyang 'Kallen' ang pangalan nito.

Nang makuha na ng BALIW na babae ang order niya ay nagsimula na siyang maconcious sa kakatitig ng babaeng nasa counter sa kanya.

Siya naman ngayon ang humila sa babaeng baliw papunta sa kung saan. Bitbit-bitbit nito sa isang kamay ang binili nilang pizza.

Di niya naman pansin na ang hawak niya ay ang kamay nito kaya walang malisya niya itong hinila papunta sa kung saan-saan, hanggang sa makita sila ng dalawang batang lalaki na naglalaro sa kalye, na sa kanyang palagay ay pawang mga Sirena*. Mainam silang tinitigan ng dalawang bata hanggang sa magsalita ang dalawang ito, “Ay, answeet naman ni kuya, binilan ng pizza si ate.” wika ng isa with matching kilig gesture pa.

Napalingon si Light sa babae.

Ba’t niya ba to hila-hila sa kamay?

May pagtataka na gumuhit sa mukha nito, na tila nagtatanong kung bakit siya tinititigan nito.

Kahit siya, di niya alam ang sagot. Bakit nga ba siya namamanghang tumingin sa kulay honey/gold nitong contact lense at sa kulay lemon-green nitong dyed hair?

Binalewala na lamang niya ang mga katanungang iyon bagkus...

...ay naghanap siya na lugar na maaaring maupuan ‘pagkat nagsisimula na siyang makadama ng pagod.

Binitawan niya ang kamay nito at pumunta sa bench na nakita niyang bakante. Nasa isang park kasi sila ngayon kung saan madaming magsing-irog na nagdedate. Malapit na din kasi ang valentines.

Malapit na rin ang birthday niya...

Tahimik niya lang na pinapanuod ang paligid ng maramdaman niya ang pagkalam ng sikmura niya. Naalala niyang may pizza pala sa pagitan nila ng babae. Kinapa niya ang box at binuksan ito ng di man lang tumitingin dito, pero, kahit sang parte ng box ay wala siyang makapang manipis na tinapay na may iba’t-ibang toppings.

Ibinaling niya ang tingin sa box upang makitang wala na itong laman. Ang babae naman ay dinidilaan ang daliri niya na tila sinisimot ang mga natirang kesong nasa kamay nito. Napalunok na lang siya.

Tumayo na siya sa bench at nagwikang, “Dyan ka na.”

*Forward*

At ngayon, di na niya mapigilang tanungin ito.

“Sino ka ba talaga? Stalker ba kita?” wika niya rito paglingon na paglingon niya.

Alam niyang isa itong delikadong babae, mas delikado pa sa mga fangirls/stalkers niya. Mas delikado pa sa Geass na napanuod niya dati sa isang anime. Mas delikado pa sa pumapatay sa O N E -by- O N E ni IHZTH...

Alam niyang delikado ito, pagngiting-pagngiti pa lang. Alam niyang di niya mapipigilang mahulog dito katagalan...

Pero hinde...isa lang ang kayang mahalin ng puso niya.

“Kanina pa tayo magkasama pero ngayon mo pa lang yan naitanong? Hindi ba’t sinabi ko na sa iyong ako ang bride mo?!” wika nito.

Tiyak na niyang isa ito sa mga babaeng baliw sa kanya...

Tinalikuran niya na lamang ito at naglakad palayo rito.

Subalit...

“May kontrata tayo. Niligtas ko ang buhay mo mula sa pagkalunod mo sa lawa ko. Kaya’t kahit anong gusto ko ay dapat mong sundin, dahil kung hinde….”

Napabuntong-hininga siya…

“Kung hinde?” ulit niya.

Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likod.

“Lulunurin lang naman kita sa kubeta.” wika nito, sabay bitiw sa kanya, at takbo na tulad ng isang bata na nagpapahabol sa kanyang ama.

“Paunahan tayong makarating sa bahay mo, Light Yagami!” wika nito sabay takbo papunta sa direksyon ng bahay niya.

Teka, pano niyang nalaman ang pangalan niya? At ano ba talagang pangalan ng babaeng ito? Lawa NIYA? Bakit ano ba siya?

Ito ang mga katanungang nasa isip ni Light habang pinapanuod ang babae sa pagtakbo papunta sa bahay niya. Na masasagot sa susunod pang mga chapters...

***End Of Chapter Two***

IhEaRtZeRoThEhErO’s Note:

Please LIKE, Comment and read my other stories para mag-UD ako araw-araw. Do you want it?

Sa mga di pa nakakabasa sa Chapter One nito click  for your respective devices or network… FB links again J

For 0 - http://0.facebook.com/photo.php?fbid=404496706305144&set=a.403928133028668.101551.382991631788985&type=3&theater

For Mobile – http://m.facebook.com/photo.php?fbid=404496706305144&set=a.403928133028668.101551.382991631788985&type=3&theater

For PC- http://www.facebook.com/photo.php?fbid=404496706305144&set=a.403928133028668.101551.382991631788985&type=3&theater

I'm His Bride (Completed)Where stories live. Discover now