Chapter Nineteen - "Not Like The Other Girls"

340 3 0
                                    

I’m His Bride

By IheartZeRoThEhErO

Chapter Nineteen

“Not Like The Other Girls”

Hinalikan niya ito at...

'She’s fading away,

away from this world.

Drifting like a feather,

she’s not like the other girls.'

Hinabol siya ng ilang nurse at doktor upang pigilin subalit di na siya nakita pa ng mga ito.

* * *

Pakiramdam niya siya lang ang tao sa mundo habang pinapanuod ang mga ilaw ng mga buildings sa taas ng gusali. Pakiramdam niya siya lang naman talagang mag-isa, not until makilala niya ‘yung baliw na witch na ‘yon.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nilasap ang malamig na hangin ng enero. Ninamnam ang musikang kasalukuyang pinakikinggan...

'Should have seen it would be this way,

should have known from the start what she’s up to...'

Isang taon na...

...simula ng makilala niya si C.C. o Cera para sa ilan. Isang taon na simula ng magulo ang buhay niya. Isang taon na simula ng nagmahal siya. Isang taon na pero sariwa pa rin ang lahat sa kanyang alaala - ang unang salitang sinabi niya, ang unang paglalakad nila na magkasama, ang unang ngiti at pagtataray nito sa kanya, ang una nitong tadyak sa kanya - ang lahat. Sariwa pa rin ang lahat, pati ang sakit na dulot nito sa kanya. Ang sakit kapag naiisip niyang di na niya ito makakasama.

* * *

Kadiliman...purong kadiliman ang nakikita niya. Kumilos siya, subalit wala siyang madama. Wala siyang maramdamang kamay. Tila siya walang katawan.

Tunog...nakakarinig siya ng mga tunog. Mga tunog na di pamilyar sa kanya.

Nakarinig siya ng mga boses. Malalakas at malalim ang pinagmumulan nito. Ang mga salitang winiwika ng mga boses, bagama’t banyaga sa kanya, ay naiintindihan niya.

Nabatid niyang delikado na ang sitwasyon ng matapos ang usapan. Tinitiyak ng isa kung patay na ba ang ipinaliligpit nito.

Ilang sandali pa’y isa na namang tinig ang kanyang narinig. Umaawit ito ng isa na namang banyagang awitin. Ang tinig nito ay tila isang hele na nakapagpapakalma sa kanya.

Maya-maya’y nakadama siya ng init. Nadama niya ang kanyang likod na nakalapat sa isang malambot na bagay. Ang kanyang mga kamay na naigagalaw niya na. At isang pamilyar na amoy ng pancake...

Idinilat niya ang mga mata.

“Panaginip lang pala.”

Ilang minuto niya ring tinitigan ang kisame. Tila di niya pa lubusang naiintindihan kung bakit siya narito. Bakit siya nandito sa kwartong ‘to? Bakit siya nasa guest room?

Bakit siya nandito sa kwarto ni C.C.?

Tumayo siya’t tinungo ang kusina.

“Misa?”

Napalingon sa kanya ang kaibigan.

“Ah... Light, nalasing ka kagabi sa party ni L-” Napakasimple nito sa suot nitong t-shirt at shorts, parang di na siya nasanay sa ganitong get-up nito. Bahagya siyang nasisilaw sa liwanag sa labas ng bintana. Nakatalikod kasi ang pigura ng kaibigan dito, dahilang upang maakit ang mata niyang tumitig sa liwanag.

“Nauntog ba ko kagabi? Asan si C.C.?” Sunud-sunod niyang tanong dito.

“C.C.?” Bumahid sa mukha ng dilag ang pagtataka. Tila ba di nito kilala ang... Teka ano nga bang pakilala niya sa Witch na adik sa pizza?

“Si C.C.! ‘Yung nakatira dito?! Kasama ko,” paliwanag ng binata.

“She’s my... my bride.”

The sudden changed in the color of her face didn’t escaped his eyes.

“Are you telling me that you’re seeing another girl?”

There was a tear in her eye.

“Wait... bakit... bakit ka umiiyak?” he asked.

“Because I'm your girlfriend! Are you out of your mind? I just left you for three weeks and then...” she burst into tears.

Hindi maintindihan ng binata ang pinagsasabi ng best friend niya? How come she became his girlfriend when he does not even remember courting her?

“What? Is this a prank?” tanong muli ni Light na medyo natatawa.

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Light mula rito.

“I can’t believe your doing this to me!”

Then she left.

'Paano kong naging girlfriend si Misa?' tanong ng binata sa kanyang isip.

* * *

“Lelouch Lamperouge...” wika ni Light habang nakaupo sa sofa ng sala ng bahay ng mga Lamperouge. Nakatitig siya sa mga mata ng lalaking matagal na niyang kinaiinisan.

“Isang high school student? Anong kailangan sa akin ng isang high school student?” wika naman ni Lelouch.

“Si C.C.... I mean Cera.”

***End of Chapter Nineteen***

I'm His Bride (Completed)Where stories live. Discover now