Still Playing ♡ Chapter 6 & 7

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos naming kumain ay ako na lang ulit ang nagligpit. Puwede na yata akong maging yaya. Ubod ng gandang yaya. Si ate naman ay nagpunta ulit sa sala. May pinapanood siyang series na maraming guwapo at abs. Ang adik niya lang din sa abs. pero mabuti nang sa abs ng artista siya maadik kaysa sa abs ni Mark.

Este... sa abs ng kung sino pa man!

Nang matapos ako sa pagliligpit, gumawa ako ng vegetable salad. Nakakagutom pala ulit ang maghugas ng pinggan! Kumuha pa ako ng fresh milk sa ref bago ako lumabas ng kusina dala rin ang vegetable salad na ginawa ko.

"Do you want vegetable salad, ate?" alok ko sa kanya pagkalapag ko ng mga dala ko sa center table. Since kaunti lang ang kinain niya, baka gusto niya pa ng something else at ito lang ang kaya kong ialok.

Uupo na sana ako sa tabi niya nang biglang may nagsalita.

"Hindi siya puwede ng raw food at gatas."

I don't have to look to know who spoke pero parang awtomatikong lumingon ang ulo ko sa kanya. He's sitting on the open window while reading a book. Iyong librong binabasa kanina ni ate.

Nice. They're reading the same book. That's sweet.

Hah! Mamatay ka sa selos ngayon, Lianne!

"Your sister is sick. You should know ate least kung anong mga bawal at puwede sa kanya. Hindi puwede sa kanya ang raw food at lalo na ang gatas, unless it is pasteurized." I can't deny the anger in his voice. Kung dahil ba iyon sa pakikipaghiwalay ko sa kanya o sa sitwasyon ngayon ay hindi ko alam.

"Mark..." mahinang saway ni ate sa kanya.

"S-sorry..." napakagat-labi ako sa pagkapahiya. Because he's right. I don't even know kung ano ang mga bawal o puwede sa kapatid kong may sakit.

"Pareho pa namang matigas ang ulo niyong magkapatid," sermon niya pa. "Kung ano ang bawal, iyon ang gusto."

"Mark, please, don't be so mean," pakiusap na ni ate.

Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasa niyang libro. Salubong ang mga kilay niya at hindi rin nakaligtas sa akin ang pasa sa gilid ng labi niya. Nakipag-away ba siya?

He looked at me coldly. Napaiwas ako kaagad ng tingin dahil hindi ko kayang tanggapin ang pagiging malamig niya.

Ugh! This is what you get from letting him go, Lianne. You hurt him, he hurts you back. Now, take that!

I was going to excuse myself to avoid the clash when someone else spoke again before I do.

"Why don't you do the job for that girl? Tutal ikaw naman ang nakakaalam sa bawal at puwede sa kanya."

Napalingon kami sa pinto kung saan nanggaling ang boses and we saw Renz. Nakatingin siya kay Matk habang salubong din ang mga kilay. Nang lingunin ko ulit si Mark ay matalim ang tingin niya kay Renz.

Ano na naman bang problema ng magkapatid na ito?

"And watch out, baka malason pa 'yan ng best friend ko kapag tinopak siya," dagdag pa ni Renz at lumakad palapit sa akin.

"Renz!" nabigla kong saway sa kanya.

Ano bang sinasabi niya? Kung may problema silang magkapatid, bakit kailangan niyang idamay kami ni ate. Nag-aalalang napatingin ako kay ate pero nginitian niya lang ako, like telling me that it's okay.

But it is not okay!

"What? Just saying... nag-aalala lang din naman ako kay Hannah." At ngumisi siya ng nakakaloko at huminto siya sa tabi ko.

Lintek! Ngali-ngali ko siyang hampasin ng kung anumang bagay na mahawakan ko. Okay na sana na ipinagtanggol niya ako kay Mark pero bakit kailangan niya pang dugtungan ng ganoon? Hindi niya ba nakikitang nandito si ate at naririnig siya?

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now