Still Playing ♡ Chapter 6 & 7

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Bumaba si mang Amboy para buksan ang gate. Hindi ko na siya hinintay na maipasok sa garahe ang sasakyan. Bumaba na rin ako.

"Thank you, mang Boy!" Ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti lang din siya at tinanguan ako. Dumiretso na ako papasok ng bahay. Nakita ko agad si ate Hannah na nasa sala na nagbabasa ng libro.

"Hi, ate!" bati ko para makuha ang atensiyon niya.

Hindi naman ako nabigo at nilingon niya ako. Nagliwanag pa ang mukha niya pagkakita sa akin. "Hi, baby sis!"

Patakbo akong lumapit sa kanya at napatili naman siya nang pabagsak akong umupo sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Then I kissed her cheek. We both giggled. Para kaming mga bata at hindi ko na naman mapigilang isipin na sana ay dati pa kami ganito.

"Have you eaten dinner?" tanong ko habang yakap pa rin siya.

"Hindi pa. I'm really waiting for you," nakangiti niyang sagot. "Mom said you're coming home."

Humiwalay ako sa kanya. "It's a bit late. Sana hindi mo na ako hinintay. Baka nalipasan ka na ng gutom, ate," may pag-aalala kong sabi.

Mahirap na... baka iba rin ang epekto ng gutom sa kanya, parang ako. Naku...

"I don't want to eat alone. Even the maids don't want to eat with me," dahilan niya na may kasama pang pagsimangot.

Nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya. Was it like that when she was living away from us? Me too don't want to eat alone. My parents know that kaya palagi akong iniiwan sa kabilang bahay kapag wala sila.

But I'm slowly getting used to being alone. It's a little lonely but I found comfort in it.

"Then, let's go eat!" masigla kong sabi at tumayo na ako. "Baka may nagwawala na d'yan sa tiyan mo," pabiro ko pang dagdag.

Ngumiti naman siya ulit at tumayo na rin. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay muntik na siyang matumba kung hind ko siya nahawakan sa braso.

"Are you okay, ate?" nag-aalala kong tanong.

"Yeah... sorry, just a numb leg." Alanganing ngumiti pa siya.

"Are you sure?" paninigurado ko.

"Yep! Promise."

Kahit nag-aalala pa rin ay tumango na lang ako. Nagpunta kami ng dining at naabutan namin si manang Fe doon. Ipaghahain sana niya kami ng pagkain pero sinabi kong ako na lang dahil kailangan na nilang umuwi ni mang Boy.

Dapat lang pala talaga akong umuwi ngayon dahil wala ngang kasama si ate. Nasa probinsyan kasi ngayon si Andeng para magbakasyon ng isang linggo.

Ako na ang naghanda ng kakainin namin. Kailangan ko lang naman initin ang mga naka-ready na pagkain. Hindi naman iyon mahirap kaya pinaupo ko na lang si ate.

Habang kumakain na kami ay napansin kong parang walang gana kumain si ate. Akala ko ba gusto niya ng kasabay para ganahan siyang kumain? Bukod sa mabagal siyang kumain, parang nahihirapan din siyang lumunok.

"Ate, ayaw mo ba ng pagkain?" tanong ko.

"Ha? Hindi naman..." sagot niya. "It's fine." Pinilit niya pang ngumiti.

Pero ano namang magagawa ko kung ayaw niya ng pagkain at nagtatanong-tanong pa ako? Hindi rin naman ako marunong magluto. Napupurga na nga ako sa de lata at instant food sa unit ko at nagsasawa na rin ako sa mga pagkain sa fast food.

At dahil nga wala naman akong magagawa kahit ayaw ni Ate sa pagkain, ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Siguro nalipasan na siya ng gutom. Dapat talaga, hindi na niya ako hinintay.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon