"Ewan ko... Basta ang natatandaan ko nanaginip lang akong nagde-date daw kami ni Yoongi sa Hongdae tas nagulat na lang ako ng bigla akong napunta sa tuktok ng isang building don at bigla akong nahulog.. And then nagising ako na nasa baba na ako ng double deck." Pagpapaliwanag ni Jerra.

Halos pinipigilan kong tumawa sa harapan ni Jerra ngayon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa. Gulo-gulo kasi ang buhok niya at mukhang bangag. Para siyang batang inabandona sa Quiapo. Haha!

Tinulungan ko na lang siyang tumayo at inalalayan ko papunta sa ma lamesa. Sakto namang handa na ang lahat ng pagkain na niluluto ni Steph kaya naman napagpasyahan kong kumain na muna samantalang si Jerra ay bumalik muna ng kwarto at nagsuklay bago sumalo sa amin para mag-almusal.

"Ano ba 'yan. Di ko tuloy natapos yung k-drama na pinapanood ko. Nakakainis, nasa climax pa naman na." Reklamo ko.

"Anong k-drama?" Tanong ni Jerra.

"Black." Maikli kong sagot.

"Boring naman niyan eh." Lait naman niya at dahil doon ay tinarayan ko na lang siya.

Siya nga 'tong dahilan kung ba't na-interrupt yung panonood ko. Nakakagigil. Grrr!

"Angel Ann Ferrer Permithivo.. Alam ko ang mga tingin na 'yan. Nababasa ko sa mga mata mong bina-backstab mo ko." Bwelta niya sa'kin.

"Nice guess, madam auring." Asar ko naman sa kanya pabalik.

"Tsk! Ang aga-aga niyong nag-ookrayan diyan. Bilisan niyo na ngang magsikain. Anong oras na oh, baka ma-late pa tayo sa first class natin." Paalala ni Steph.

"Opo, mama." Asar naman sa kanya ni Jerra at sinuklian lang siya ni Steph ng YOU-DON'T-DARE-TEASE-ME look.

Natawa na lang ako sa kanila ng dahil doon.

Matapos noon ay  binilisan na namin ang kain at inilagay lahat ng plato sa lababo. Pinauna na akong maligo nina Steph at Jerra. Habang nasa banyo ako, nagpupunas si Jerra ng lamesa habang si Steph naman ang naghuhugas ng plato.

Tamang-tama lang nang pagkatapos kong maligo ay tapos na rin sila. Kaya naman sumunod na sa aking pumasok sa banyo si Jerra.

Paspasan lang ang ligo namin. Di kalaunan ng matapos si Jerra sumunod agad si Steph. Nagbihis na kaagad kami ng school uniform namen, kinuha ang I.D at bag.

At nang mabitbit na ang lahat ng kailangan lumabas na kami. Si Steph narin ang naglock ng dorm. Dahil nga rin wala na kaming ganong oras ay sa hallway na kami nagsusuklay ni Jerra sa sobrang pagmamadali.

"Bilisan niyo guys! 30 minutes na lang before magstart, history class natin." Sambit ni Steph habang naglalakad-takbo papunta sa room namin.

"Oo na wait lang! Ang ganit ng buhok ko oh! Palibhasa maikli lang buhok mo." Reklamo ni Jerra habang kanina pa inis na inis kakasuklay sa buhol-buhol niyang buhok.

"Uy ayan na yung room oh! Bilis bago pa tayo maunahan ni Sr. Chris!" Sabi ko naman.

Pagpasok namin sa room marami na ang estudyanteng naroroon pero bakante pa rin ang teacher's table. Umupo kami kung saan kami umupo kahapon and as usual tabi-tabi parin kami.

Tumingin ako sa orasan na nasa phone ko at nakita kong may 15 minutes pa bago dumating si sir. Kay naman inopen ko na lang ang facebook ko at nagscroll sa wall.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now