Tumingin ako sa kaliwa ko at masaya akong nakikita siyang masaya.

“Oh Jhaztine, sa amin ka na muna tumuloy.” Sabi ni Papa. Sa Cebu talaga kasi naka-base ang relatives ni Jhaztine eh.

“Oo nga pala sa’min ka na mag-stay.” I smiled.

She shook her head. “Ah, may condo naman po kami, so do’n na lang po ako. And sinabihan din po ako ni Daddy na do’n ako magse-stay. Alam niyo na po, father instincts.”

My parents laughed. “Sabagay. Pero may makakasama ka ba do’n?” Mama asked.

“Ako lang po pero kaya ko naman po mag-isa.”

“That’s my girl.” Sabay akbay ko sa kaniya.

“Oh please,” she rolled her eyes.

Hinatid na muna namin siya sa condo nila at hinayaan ko na muna siya magpahinga. Sabi ko sa kaniya pupuntahan ko siya bukas para mag-inquire sa school. Napag-usapan namin na gusto namin mag-take ng summer program para naman may ginagawa kami sa buhay namin.

Pagkauwi namin ay hindi ko pa feel matulog dahil hindi rin naman ako inaantok. Nag-stay ako sa may poolside at nagbabad ng paa. Hindi naman ako nabigla nang tabihan niya ako, si Papa.

“Ikaw, bakit ka naglilihim sa’min, sa’kin?” he asked.

“Ha? Naglihim ba ‘ko?”

Binasa niya ako ng tubig. Wow thanks.

“Tatanungin ba naman kita kung hindi?”

“Eh wala naman ako nililihim eh.” Binasa ko rin siya.

“Gago, sinong niloloko mo? Ako o sarili mo?”

I don’t get him. “What? ‘Di kita ma-gets.”

“Ano ba kayo ni Jhaztine?”

The DestroyerWhere stories live. Discover now