Turning tables

167 3 0
                                    

Leona

"Mom, you're so busy. I miss our bonding times already." May himig ng pagtatampo na sambit ng anak ko. Oo, naging sobrang busy ko na talaga. Senior marketing agent sa umaga, interior designer sa hapon, model naman sa gabi. Ang dami ng ganap sa buhay ko sa nagdaang tatlong araw. Mabuti nga't nandito pa si Romulo para mabantayan ang anak ko.

"Oo nga Nona, paglabas mo nang bahay para kang diosa, pag uwi mo para kang nasabugan ng bomba. Hindi masamang magsikap pero hinay hinay naman. Baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mong yan." Mahabang pagpapa alala sa akin ni Romulo. Nahabag ako sa pagmumukha ng dalawa kaya nilapitan ko muna sila at niyakap isa isa.

"Baby, don't be sad please. Promise I'll make it up to you next time. Mom's just really busy this days but I'll make sure that we'll spend some quality time together before Papa Romy go back to the Philippines, okay?" Tugon ko sa anak ko habang niyayakap ito. Agad naman itong natuwa at mabilis na pumunta sa kwarto nito para maligo at mag prepare dahil may pasok na ito.

"Rom, kailan ang uwi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Siguro by next week. May kailangan pa kasi akong aasikasuhing kaso. Bakit? Gusto mo na ba akong umalis?" Nagtatampo tampuhang saad nito sa akin. Sira talaga itong tukmol na ito.

"Oo kasi dagdag gastos ka na dito tapos hindi ka pa nagbabayad ng renta mo dito sa bahay." Pang aalaska ko dito. Nalukot naman ang mukha nito kaya hindi ko na maiwasan pang mapatawa dahil sa kanyang pagmumukha.

"Hahahahahahahaha... Ito naman hindi mabiro. Of course you can stay here as long as you want. Alam mo namang kayo nalang ang pamilya ko." Sabi ko sa kanya.

"I know. Sige na baka malate ka na. Hatid na kita." Alok nito sa akin. Hindi na rin ako tumanggi kasi baka sumpungin na naman ito.

=============================================

Chad

Nandito ako malapit sa office na pinagtatrabahuan ni Leona. Kanina pa ako naghihintay sa kanya dahil sinadya kong agahan para makasalubong ko kaagad sya. Matyaga akong naghintay sa kanya kaya ganung saya ko nang makita ko ang sasakyan niyang papasok sa parking lot ng building. Pero agad din itong nawala ng makita kong lumabas galing sa driver's seat ang kaibigan nitong si Romulo at pumunta sa kabilang banda nito upang pagbuksan ang asawa ko. Kaya agad akong napalabas ng kotse at nilapitan silang dalawa.

"Thanks Roms, nag abala ka pa. Anong sasakyan mo pabalik?" Narinig kong tanong ni Leona.

"So sya pala ang pinang palit mo sa akin." Ang pang aagaw ko ng atensyon sa kanilang dalawa. Nakita kong nangunot ang noo nilang dalawa at tila nagulat pa nang makita nila ako.

"Seriously? Pati ba naman dito? Wala ka ba talagang alam gawin kundi mang bwesit ha, Chad?" Ang matabang nitong tugon.

"I'm here to talk to you. Please hear me out. My life has been so mesirable since you left. I just want to fix our marriage, wife." Pagsusumamo ko dito.

"Fix? Oh, God Chad. I'm done with your silly talks and empty promises. Matagal nang sira at tapos ang relasyon natin mula nung pinatulan mo ang kapatid ko. Kaya huwag mo nang buhayin pa ang matagal nang patay." Buwelta nito.

"Can't you give me one last chance? Ganun na lang yun? Kaya nga ako nandito para ayusin pa ang atin dahil alam ko kaya ko pang ayusin to." Lumapit ako sa kanya at lumuhod tsaka kinuha ang kamay nito at hinalik halikan. Nagulat siya nung una pero nang makabawi ay agad niyang hinigit ang kamay niya at may dumapong kamay sa isang pisngi ko.

"HINDI PA BA MALINAW SAYO NA WALA NA TAYO. TA.POS.NA.TA.YO. Hiwalay na. Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?"

"Yes. Alam ko tapos na yun. Pero I am here asking you to forget all those shitty things happened in the past and begin another chapter with me. Please Leona." Pagsusumamo ko.

"Pre, ayaw na nga niya huwag mo nang pilitin."

"Oh shut the f*ck up, f*ck*r! Hindi ikaw ang kinaka usap ko." Turan ni Chad kay Romulo at agarang iwinaksi ito sa aking harapan kaya nag ka initan na ang dalawa na nauwi sa suntukan.
=
Leona

"TAMA NA, ANO BA!!" Pag aawat ko sa dalawa. Dahil hindi ko sila makontrol ay nagpatulong na ako sa mga guards na awatin ang dalawang ito. Nung nahiwalay sila ay nakita kong putok ang mga labi nila at nagka pasa pasa ang mga mukha nila.

"Guards give them guns!" Utos ko sa mga guards na nandito. "Ma-ma'am?" Naguguluhang tugon ng mga guwardya, pero binigyan nila ng tig iisang baril sina Chad at Romulo.

"Oh ayan ang mga baril. Magpatayan kayo!" Bulyaw ko sa dalawa at agad na nagtungo sa elevator para makapunta sa office ko.
=============================================

Romulo

Ang gag* talaga nitong si Chad. Mabuti nga at naawat pa kami ng mga guards at ni Nona dahil kung hindi basag na talaga ang mukha nito sa akin.

Dahil sa eskandalong nangyari ay minabuti ko na lang na umuwi at magpahinga. Pagkarating ko sa bahay ni Leona ay agad akong binomba ng tanong ng anak nito.

"Papa Rom, what happened to your face? You look awful!" Maarteng sabi ni Rafael.

"Hahahaha... Raffy, I look awful? Sige ka baka wala ka nang matatanggap na gift sa akin." Pananakot ko dito.

"Of course I'm just kidding. You know naman na mahal kita Papa diba? Handsome Papa Rom." Sagot nito sabay lambitin sa akin at pinugpog ako ng halik. Kahit medyo masakit yung mukha ko dahil sa mga natamo kong pasa sa suntukan namin ni Chad ay tila nawala ito dahil sa halik ni Raffy.

"Of course my baby, ang lakas mo sa akin eh!" Napangiti na lang ako dahil sa batang ito. Hindi ko sya anak pero minahal ko sya na parang akin.

Maswerte ako dahil nandyan ang batang ito para mahalin ako kahit hindi ako ang totoo niyang tatay. Marahil ay alam na siguro niya na hindi kami magkadugo pero alam ko sa puso ko parang anak ko na sya. At para sa akin iyon ang mas mahalaga.
Nakipag kulitan pa ako kay Raffy ng biglang tumunog ang cellphone kaya lumayo muna ako sa bata para masagot ko ang tumatawag sa akin.

"Hello?" Tanong ko nang biglang may tumawag sa akin.

"Roms sorry..."

"Ano ba, huwag kang mag sorry okay lang ako. Ikaw? Hindi ka ba niya ginugulo?" Tanong ko sa tumatawag sa kin. Si Leona kahit kailan ay praning.

"Yeah, hindi na. Pina banned ko na sya sa buong building. Pinaki usapan ko ang security na huwag na syang papasukin sa building kasi hindi naman sya investor in the first place." Sagot nito sa akin.

"Mabuti naman kung ganun."

Hindi rin humaba pa ang aming pag uusap kasi busy sya kaya pinatay ko na ang tawag. If there's something cliché about the happening in Leona's life is that, bumaliktad na ang mundo. Kung noon siya ang nagmakaawa at humabol, ngayon ay si Chad naman.
.
.
.
.
.
.
.
.
A drastic and sudden change of fate.







To be continued....






Happy new year po.
2018💋

A Wife's SufferingsWhere stories live. Discover now