Brand new: The Face Off

184 8 2
                                    

Leona

Nakita ko syang nakatingin sa akin pero hindi na ako magpapaapekto pa sa kanya. I'm over him already. Kaya habang naglalakad ako sa runway ay mas ginalingan ko pa. I want everyone feel my dominating aura. Gusto kong maramdaman pa nila ang presensya ko lalo na ni Chad. Nang matapos ako ay dali dali na naman akong tumakbo papasok sa dressing room at agarang nagpalit ng damit.

Now I'm heating up. For I am just wearing a red lingerie that reveals my sexy curves and porcelain skin. Now this more like it. Red lingerie plus a killer red stiletto and a lollipop.

After a few more minutes my time has finally come. I walk out of the runway potraying a seductive goddess wearing this small piece of clothing that only covers my private parts which makes every men in the room gasps and took a deep breath upon seeing me doing my walk. Tiningnan ko sya at kinindatan kaya napangiti ako ng lihim na napalunok, sya bigla ng laway dahil sa aking tinuran.

Haha. This is more like it. Pagkadating ko sa dulo ay nagbigay ako ng isang mapang akit na ngiti sabay bigay flying kiss at kindat sa mga manonood. Matapos ang mainit na tagpong iyon ay tumalikod na ako at naglakad ulit.

Three down, last one to go. Pagpasok ko agad ay kinamayan ako ng designer ng suot ko ang complimented me by my performance.

"You are such a goddess down there. I'm so happy that you wore one of my designs." Sabi nito kaya napangiti ako at nagpasalamat sa binigay nito na compliment sa akin.

"It's also a pleasure to be working by such an amazing designer like you." Sabi ko sabay punta na sa dressing room. May isa pa kasing susuotin for tonight. Kahit medyo hilo na ako sa pagod at antok ay wala parin akong magagawa dahil its my job and ginusto ko ito.

"Okay ladies last blow for tonight let's rock this okay?" Tanong ng floor organizer sa amin.

"YES!!" Sabay na sagot namin.

Isa isa nang tumungtong sa stage ang mga models sout ang mga naggagandahang mga red carpet gowns na design ng ibat ibang mga tanyag na designers dito sa Europe. Naging mas exited ako ngayon now that I'm wearing a long red carpet gown. Its shiny fabric makes it look like it has diamonds on it.

Tumongtong ako sa stage feeling like I am the only woman on the world. Feeling like this is my last cut walk to do. Pinapakita ko sa kanila that I own the stage. That this is my moment at dapat nila akong tingnan ng mabuti. Dapat makita
nilang ako ang reyna ng gabing ito. Na nabago ako ng panahon- dahil sinaktan ako at natutong bumangon.

I stop at the end of the runway for a while, tinitingnan ko sila ng isa isa. I want them to feel my presence. Gusto kong maramdaman niya ang presensya ng taong ginawa niyang tanga at itinapon na parang basahan. I turned and walk again with poise and elegance. As much as I could hold myself not to laugh dahil sa reaksyon niya kanina nang makita ako ay kasabay din nito ang pagbabadya ng mga luha kong bumagsak. Hindi dahil nasasaktan pa ako o dahil mahal ko pa sya kundi dahil sa galit at pagkamuhi sa kanya at sa kapatid ko.

The night was successfully ended. Kahit na gusto ko nang umuwi ay hindi ko magawa dahil may mga important guests na kumakaisap sa akin. At mga perspective clients na maaring kumuha sa akin as a model or a designer. Sayang din yun dagdag kita rin iyon.

Chad

I was invited by a client to watched a fashion show here in Scotland to discuss our deal. Hindi ko alam kung bakit dito pa na maingay at maraming tao pwede namang sa isang restaurant kami magkita. Pero wala akong magawa kasi it's the client's choice.

Nakarating ako sa event na nagsisimula na ito. Agad ko namang hinanap si Mr. Roeland, may ari ng Roeland Inc. isa sa mga sikat na Wine and beverage company sa mundo. Gusto ko kasing mag invest sila sa company namin para mas lumawak pa ang aming beverage company at maging official distributor nila ng alak nila sa Pinas. Agad ko naman siyang nakita sa isang sulok na may kasama ring mga business men. Agad ko naman siyang pinuntahan at kinausap.

"I'm sorry if I disturb your discussion gentlemen but may I speak to Mr. Roeland for a while?" Agad kong sabi sa kanila pagkarating ko sa kanilang pwesto. Lumingon naman agad sila sa akin at bakas ang kanilang pagkagulat nang makita nila ako dito.

"Oh, you must be the son of Leonardo Hudson? Good to see you again." Sabi ng isa sa kanila. How come did he know the name of my father?

"I've known him for he is one of my partners in the business in the past." Sabi nito.

"Pleasure to meet you Mr.?"

"Shaw. Emmanuel Shaw." Pagpapakilala nito sa akin.

"It's also a pleasure to meet one of my father's business partners." Agad kong tugon dito. "May I talk to you for a while Sir?" Baling ko kay Mr. Roeland.

"Oh, the night is still young, young man. You should enjoy some of your time while you are still here in Scotland. The reason why I invited you here is not for the business but for you to have a good time. But don't worry tomorrow at 9:00 in my office." Natutuwang paliwanag nito sa akin.

Naiinis na ako sa taong ito. Sinasayang niya ang oras ko. Kung hindi lang ako ang may kailangan sa kanya ay hindi ako magaaksaya ng oras na makipag usap dito. Pero dahil sa kailangan ko sya at ng kompanya ko ay gagawin ko ang lahat para maisakatuparan ko ang mga plano kong palawigin pa ang aking negosyo. Kaya titiisin ko itong huklubang ito.

"Well if that's what you want sir." Agad kong sagot tapos binigyan ko siya ng isang ngiting pilit. Nagpaalam na rin ako sa kanila.

Aalis nalang siguro ako total napurnada naman ang tunay kong pakay sa event na ito. Papunta na ako ng parking lot ng may makabangga ako.

"Holy shit? Are you blind?" Bulyaw ko sa taong nakabungguan ko.

"Well it's not my problem if you're a dumb idiot for walking in the middle of the street while you are spacing out, you jerk." Ganting bulyaw rin nito sa akin.

Agad ko naman siyang tinapunan ng masamang tingin pero nagulat ako kung sino ang nakabanggaan ko. Parang nakakita ako ng multo ng nakaraan at tila pinagpalawisan ako kahit na malamig na ang temperatura ng paligid dahil gabi na rin.

"Le-Leona?" Nauutal kong tawag sa kanya.

Leona's pov...

"Le-Leona?" Nauutal niyang pagtawag niya sa pangalan ko. Para siyang natatae na kinakabahan. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Kung minamalas ka nga naman. Well, what an unfortunate day to see you here, Mr. Hudson?" Pang eensulto ko rito. Agad naman siyang natauhan at tila nainis sa aking tinuran.

"It's that how you greet your husband that you haven't saw for a very long time now huh? Leona?" Pang uuyam nitong sagot sa akin. Sarap ihampas ng mukha nito sa kalsada para matauhan.

"Well correction, EX husband perhaps. Hindi mo pa rin ba natatanggap ang letter na pinadala ko addressing the legality of our separation? O baka naman nagsawa ka na? Ilang babae ba ang gusto mong kantiin?" Balik ko sa kanya.

"Well kung gusto mo ng bagong kopya ng papeles na iyon, you can call me some other time. Here's my calling card." Pag aabot ko sa calling card ko sa kanya. Tapos tumalikod na para maglakad na papunta sa sasakyan ko.

"Ganyan na lang ba yun Leona? Itatapon mo na lang ba ang ang relasyon natin ng ganito lang?" Tanong niya sa akin. Nagpantig ang tenga ko sa narinig kong sinabi niya. Kaya agad akong humarap sa kanya at daglian ko syang binigyan ng malutong na sampal.

"AKO BA? AKO BA ANG NAGLOKO AT NANGALIWA? SAGUTIN MO KO. HINDI AKO ANG SUMIRA NG RELASYON NATIN CHAD IKAW YUN. KAYA HUWAG MONG ISUMBAT SA AKIN KUNG BAKIT KO TINAPON ANG MATAGAL NANG PATAPONG RELASYON NATIN DAHIL SA PRIDE MONG HINDI KO MASIKMURA." Sigaw ko sa kanya. Agad kong tinakbo ang sasakyan kong hindi kalayuan at pinaharurot ko ito nang mabilis para makalayo ako agad sa kanya.

Ang kapal. Ang kapal kapal ng mukha niya para isumbat sa akin ang pagpapawalang bisa ko ng kasal namin kung siya naman ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa aming dalawa.















Hindi ako nagsisising inilayo ko pa ang anak ko sayo.
At hindi ko bibigyan ng kahit isang pagkakataon na magkrus ang mga landas niyo.













To be continued.....

A Wife's SufferingsWhere stories live. Discover now