Altruism

208 4 2
                                    

Xyrene

Nandito kami ngayon sa private room ni Leona. Dalawang araw na rin kasi ang nakalipas simula nung ilipat sya sa prvate room dito. Halos hindi ako mapakali ng tumawag si Welly sa akin na nagkamalay na daw si Leona. Kaya agad akong nagtungo sa kwarto nito.

-Flashback....
(5 days ago)

"Welly." Agad ko itong niyakap nang makarating ako sa waiting room na karugtong halos ng room ni Leona. Para kasing nabunutan kami ng tinik na matapos ang halos siyam na buwan ay nagkamalay na rin ito at wala na sa bingit ng kamatayan.

"Excuse me Dra. May and Ms. Sebastian, the patient is now stable. Ililipat na namin sya siguro after 3 days after ng iba pang observations sa kanya. But for now okay na naman ang vital signs ng pasyente kaya wala kayong dapat pang ikakabahala pa." Mahabang paliwanag ng duktor.

"Thank you doc." Tugon ko dito hindi pa kasi halos maka salita si Welly sa sobrang tuwa at iyak nito. Kahit ako napapa iyak na rin dahil sa sobrang tuwa ko at dala na rin ng pakikisimpatya sa naging kalagayan ni Leona. Alam ko kahit hindi kami masyadong nakaka bonding sa isa't isa ay nandyan pa rin sya palagi sa aking tabi handang umalalay at sumuporta. Likas kasi itong mabait at mapagbigay. Napaka swerte ko at nakilala ko ang isang Leona Villanueva minsan sa aking buhay.

"Wels, punta muna tayo sa nurse station at magtanong if may vacant pa bang private room na pakalilipatan kay Leona. Para mapareserve na natin ito." Sabi ko dito.

"Okay sige. Pero sandali lang at hihintayin muna natin si Romulo at yung tukmol niyang kaibigan." May pagka irita nitong sabi.

Hay naku hanggang ngayon ay bitter pa rin sya kay Royce. Napaka selosa kasi neto may nakita lang na tinitingnan ibang babae yung tao naiibyerna na agad. Halatang bitter pa rin sya sa past nila nung tao.

"Bitter mood UNLEASH." Ang nakakaloko kong sabi sa kanya. Agad namang naasar ito kaya tinigil ko rin agad baka masaktan pa ako. Ayokong maconfine sa hospital na pinagtatrabahuan ko no ng wala sa oras.

"Guys, hows Nona?" Agad na tanong ng kararating lang na si Romulo. Nasa likod lang nito si Ex ni miss Ampalaya.

"She's fine now as what the doctor told us earlier." Palin na tugon nito sa mga kararating lang.

"Ahhh... Roms, Royce, kayo muna ang magbabantay kay Leona hah? Pupunta lang kami sa nurse station saglit." Paalam ko sa kanila at agad na hinatak si Welly palabas ng room.

-End of flashback....

"Paging Dra. May, please proceed at the emergency room, immediately." Ang narinig kong tawag sa akin ng intercom.

"Ahh... Guys mauna na ako, pupunta pa ako ng E.R, eh." Sabi ko sa kanila at agarang nagmadaling pumunta ng Emergency room.

Romulo

Natutuwa ako na nalulungkot sa kalagayan ni Nona. Natutuwa dahil nagkamalay na ito at halos wala ng mga apparatus na nakakabit sa kanyang katawan para lang ito mabuhay. At nalulungkot dahil sa nakalipas na dalawang araw ay hindi pa ito muling nagsasalita. Nagkaroon daw ito ng post traumatic stress disorder kaya halos ilag ito sa amin. Minsan nga ay kailangan pa itong turukan ng tranquilizer para kumalma ito at nakatulog. Awang awa na ako dito dahil nakikita kong nahihirapan na din ito.

"N-no.... Hh-wag.... Maawa ka.... Pp-please not my child.... Huwag ang anak ko.... NOOOOOO!!!!!" Ang pagsisigaw nito dahil sa binabangungot ito. Agad naman akong lumapit at niyakap si Leona.

"Royce tawagin mo ang duktor ni Leona. Dali!" Ang paki usap ko dito.

"Shhhh... Nona, everything is fine... Nothing to worry about.... Okay ang anak mo.... Nandun lang sya sa nursery...." Pagpapakalmako dito dahil nagwawala na naman ito. Hindi ko na pinayagan muna na pumunta si Welly dahil baka umiyak lang yun ng umiyak kung makikita niya na ganito si Leona.

"Nona, please calm down. Your baby is okay..." Patulo kong pag aalo dito. Kahit kasi anong gawin ko ditong pagpapakalma ay patuloy pa rin ito sa pagwawala.

"Ah... Ahhhhhh...." Nahihirapan niyang daing at agad niyang nasapo ang ulo niya. Hindi ko alam pero agad akong kinabahan ng makita kong dumudugo ang sugat nito sa ulo.

"Leona. Help!! Tulong! Nurse!! God Leona, please stop this your wounds are bleeding. Lalong makakasama ito para sayo." Ang nagpapanic kong sabi habang unti unti nang tumatakas ang mga luha sa mga mata ko. Kahit anong pilit kong pagpapakatatag ay tila nanghihina na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Excuse me Sir." Ang pagpapatabi sa akin ng nurse.

"Okay. Miss Leona, calm down now, hindi ka namin sasaktan." Ang pagpapa amo ng duktor sa kanya. Ng hindi na masyado itong nagwawala ay agad namang lumapit ang mga nurse para alalayan ito pabalik sa kanyang hinihigaan.

"Doc... A-ang a-anak ko p-po..." Pautal utal na sabi nito habang umiiyak. Agad akong tumalikod ng kumawala ang mga luha galing sa aking mata. Hindi ko kasi kayang makita na nahihirapan ang babaeng mahal ko habang wala akong magawa para rito.

"Okay we'll see your baby but for now Ms. Villanueva magpahinga ka muna para maregain mo ang lakas mo. After that I will let you see your baby." Ang paliwanag ng duktor nito sa kanya.

"No doc, DOK!! Listen to me.... Listen to me.... I-I n-need to s-see my child. Baka kai-kailangan nya a-ako. Please." Pagmamakaawa nito na may halong pagwawala. Halos mapunit na ang coat ng duktor dahil sa pagkapit nito sa kanya. Kaya naman lumapit na ako upang maalalayan si Leona.

"Nona, NONA!!! YOU LISTEN TO ME!" Bulyaw ko dito. Agad namang natauhan at natakot ito sa akin, kaya naman sinikap ko na pakalmahin ang sarili ko bago magsalita ulit.

"We're going to see your baby maybe tomorrow pero ngayon magpahinga ka muna. Please! Please Nona." Pagsusumamo ko dito.

"No.... No... Please.... Ngayon na lang... I can't take it anymore... I can't bare another day just to see my child.... Gusto ko nang maakap at ma...maha....wakan...at....at....
maka....kat...tabi...." Ang hindi na matapos na hinaing nit matapos maturukan ng tranquilizer.

"I know, pero baka lalo ka pang manlumo kapag nakita mong marami pang nakakabit na mga apparatus sa anak mo dahil sa nangyari sa inyo." Bulong ko dito habang hinihimas ang ulo nito.

"Brad, sorry kung makaka istorbo ako pero I think kailangan mong malaman kung sino ang tungkol sa bagay na ito." Royce.

"Ang alin?" Tanong ko dito.

"Mukhang may lead na tayo kung sino ang may pakana sa nangyari sa mag ina." Wika nito tapos ipinakita sa akin ang isang larawan. Sa simula ay hindi ko naaninag per nang kalaunan ay parang nakakita ako ng multo dahil sa aking pamumutla. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang cellphone sa kamay ni Royce.

"Saan mo ito na-nakuha?" Ang garagal kong tugon sa kanya. Nanunuyo ang lalamunan ko. Parang hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko-sa nakikita ko.

"I know that you feel anxious right now and so am I. Nabigla rin ako nung nalaman ko ito, pinatrack down ko kasi ang lahat ng plate number na may pagkakapareha nung nasa video at yun na nga isa dito ang nakarehistro sa isang nagngangalang Alan Santiago..."

"Tapos pinasundan ko ito sa mga tauhan ko tapos nalaman kong magkakilala pala sila. Actually..." Nag aalangang pagpapatuloy nito. Kaya agad ko itong tinanong.

"Tapos?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"They are having an affair with each other." Alangan niyang tugon sa akin.

"Fck!"


















To be continued....

Xyrene May is the one in the multimedia.

A Wife's SufferingsWhere stories live. Discover now