Awakening?

220 3 0
                                    

Ronald

"Doc ano na po ang update sa anak ng kaibigan, ko?" Tanong ko sa kay Doc. Labio. Hindi na kasi ito nakalagay sa incubator, pero nandoon ito sa nursery na kung saan halos kada oras ay chinicheck ito ng duktor.

"The baby is fine. Pasalamat tayo at hindi nadamage ang utak ng bata, yun kasi ang isa sa magiging kumplikasyon na aming nakikita na magiging kahahantungan ng naging kalagayan nilang mag ina." Paliwanag niya.

"Salamat naman kung ganoon. Pero doc, isa sa magiging kumplikasyon? So may iba pa?" Agaran kungil tanong dito. Kinakabahan ako sa maaaring sagot nito sa akin.

"Yes Mr. Patriarca. In fact, the baby is at risk of having cardiovascular diseases, mental disabilities, or physical disabilities." Sagot nito.

"Huwag naman po sana."

"Well let's pray for the least and prepare for the worst. And will you excuse me, pupuntahan ko pa ang ibang pasyente ko." Pagpapaalam nito sa akin.

Tumango na lang ako dahil hindi ko kayang sumagot pa dito. Akala ko magiging okay na ang anak nito pero hindi pa pala. Isa pa ang kinapoproblemahan namin si Leona. Minsan kasi inaatake ito ng seizures dahil daw sa pagkakabagok ng ulo nito noong ito ay naaksidente.

"Backs, uwi ka na muna, ako na muna ang magbabantay kay Leona." Sabi ni Welly sa akin. Kani kanina lang ito nakarating dito at sabi niya umuwi daw muna ako dahil kahapon pa raw ako nandito. Oo  kahapon pa. Paano ba naman kasi si Kuya hindi na ako nabalikan dahil busy daw ito sa client nito. Si Welly naman hindi maiwan ang shop nito, si Xy naman, hanggang check lang dito. Kaya naman ako lang ang naiwan dito.

"Okay sige. Kasi nanlalagkit na rin ako. Pero wala ka bang ihahabilin sa akin? O ipapakuha, dahil baka diretso na ako sa shop. Ako na muna ang bahala sa shop." Sagot ko sa alok nito. Okay na rin yun at least makaka rest ako.

"Wala na sige chupi na. Ang baho mo na." Pagpapalayas nito sa akin.

"Che! Mas mabaho bunganga mo teh. Amoy bagoong. Try mo muna kayang mag toothbrush." Pang aasar ko dito sabay labas sa waiting area ng ICU. Hindi kami kasi nakakapasok agad ng room ni Leona anytime. Mas mahigpit ang dalaw nito kumpara sa normal na room dito sa hospital.
(AN.... Ang waiting area ay yung parang lugar po sya na doon naghihintay ang mga kamag anak ng pasyenteng nasa Intensive care unit ng hospital. Parang room sya.. Basta one time lang ako nakapasok nung na hospital dati Lolo ko. Doon kami kasi nag stay nung dumalaw kami. Hehehe... Hindi ko na masyadong naalala. Tsaka madalas kasi ako tambay sa mga ospital kaya alam ko. Pero yun yung kadalasan kong nakikita sa ospital na pinagtatambayan ko ewan ko lang sa iba. Hahaha. Back to the story. Panira pa ako😋😋😋😂😂😂😄😄😄)

Wellly

Ahhhhh... Nakakainis talaga iyon. Naku! Lumalaki na tung butas ng ilong ko dahil sa kanya. Pero heto ako ngyaon pumasok sa room ni Leona, kinakausap ko naman sya. Alam ko namang hindi nya naririnig ito pero heto inaupdate ko oa rin ito sa mga bagay bagay. Gusto ko kasi kahit papaano ay mabuhayan ako ng loob na kahit naka coma sya ay iniisip ko paring natutulog lang sya at nakikinig sa mga pinagsasabi ko.

"Backs. Pasensya na pala kung ngayon lang ako nakadalaw ulit. Busy pa kasi ako. Alam mo na, busy sa shop tsaka sa paghahanap ng matinong gwapo na hot, na mabait, na matangkad, na masipag, na matalino, at mapagmahal na lalaki. Hehe! Ang harot ko na naman backs. Pero ito serious na ha! Sorry rin backs kung hindi ko nasabi na Xavier Emmanuel pala ang ipinangalan ko sa anak mong babae. Hehe. Pang lalaki no? Pero naaalala ko pa kasi yung sinabi nung Highschool pa tayo. Nung time na out of the blue nagtanong ako ng mga random na bagay hanggang sa umabot sa ano ang ipapangalan sa mga magiging anak natin?

Flashback......
Highschool days.....

Wala ngayon si baklang Ronald dahil absent. May dinadamdam daw. Nagmomoment sa hospital kasi wala syang magawa. Joke! Kasi may sakit sya. Nagka allergic reaction sya nung kumain sya ng ice cream na may peanut. Ang siba kasing kumain kaya ayun.

Anyways, andito ako ngayon sa leisure area ng school. Mas pinili kong dito na lang pumunta kaysa sa library dahil higit na mas maganda at mas presko dito kaysa doon. Though aircon naman sa lib. pero at least dito hindi ako magmumukhang bookworm. Atsaka hinihintay ko rin kasi yung bruhilda kong best friend. Pabebe kasi yun sa lahat ng bagay, palibhasa maganda sya.

"Backs, sorry kung late na naman ako. Galing pa kasi ako sa library. Humiram pa ako ng book para gawing reference sa research paper na gagawin ko sa subject ni Ma'am Policarpio." Mahaba nuya litanya.

"Hay nako backs, next month pa ang submission nun, ano ka ba. Hindi halata na excited ka noh?" Buwelta ko rito.

Hindi na naman ito sumagot dahil busy na ito sa pag babasa ng libro na hiniram nito. Well ako naman nagbabasa din ako ng libro for the report ko sa english mamaya. Terror kasi yung teacher namin, plus daig pa ang intsik na nalugi kung magbigay ng grades. Masipag naman akong mag aral pero hindi talaga ako nakakakuha ng higit 89 na grade. Buti pa itong babaeng nasa harapan ko. Natutulog lang sa klase namin pero, huwag kayo, pinakamababa niyang scores sa quizzes at exams ay 2mistakes lang naman. Edi sya na, diba?

Habang abala kaming dalawa sa aming mga pinaggagawa ay out of the blue ko syang tinanong ng isang random na bagay.

"Backs?" Pagpukaw ko sa atensyon nito.

"Hmmm...???" Sagot nito pero hindi pa rin ako nito tinatapunan ng tingin.

"What if after nating gumraduate ng college at may roon na tayong sari sariling buhay. Magiging magkaibigan pa kaya tayong tatlo nina Ronald?" Tanong ko dito. Napatigil naman agad ito sa kanyang ginagawa. At sumeryoso ang mukha nito na parang pinag iisipan talaga ang isasagot nito sa akin.

"Oo naman. Kahit pa siguro makakilala tayo ng ibang tao na magiging parte ng ating buhay pero nasisiguro kong tayo pa ring tatlo ang magsasama." Masigal at puno ng sinsiridad niyang sagot sa akin. Agad naman akong napa ngiti sa sagot nito.

"Backs, kapag nagka anak ka na, ano ang ipapangalan mo dito?"

Nabigla sya sa naging sunod kong tanong kaya tumaas ang kilay nito sa akin.

"Oh. 'Wag mo kong daanin sa mga ganyan. Alam mong qouta na ako diyan tsaka hindi na yan gagana sa akin." Agaran kong sagot dito.

Wala siyang nagwa kundi ang bumuntong hininga at sumagot na lang.

"Ang weird naman kasi ng tanong mo. Pero sige pagbibigyan kita. If babae, gusto ko Xavier Emmanuel. Para masunod ang pangalan nito sa mga magulang ko. Kung lalaki naman, gusto ko
Leon Ishmael. Para kahawig ng pangalan ko." Maligalig niyang sagot.

"Ang gaganda ng mga pangalan ah. Kahit panlalaki yung napili mong ipangalan sa magiging little princess mo ang cute pa ring pakinggan dahil may deep na mensahe nito." Sagot dito. Alam ko kasing mahal na mahal niya sina Tito Xavier at Tita Esmie.

Tumagal pa kami doon hanggang naubos ang break time namin at nagtungo na sa AVR.

-End of flashback....

"Hay, kaya yan ang ipinangalan ko sa anak mo. At kung nag aalala ka sa apilidong dala ng bata, huwag kang mag alala dahil nagawan namin ng paraan na isunod ito sa pangalan mo para walang ma trace ang hayop mong asawa." Mahaba kong paliwanag dito.

Abala ako sa pagcheck ng mga emails ko hanggang tila nakita kong gumagalaw ang daliri ni Leona. Kaya agad akong napatingin sa dako nito at tila nanigas sa aking nasaksihan.

"Backs,??" Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama sa aking nakikita.






















Gising na sya...




















Kaya dali dali akong lumabas at tinawag ang mga nurse at duktor...
















To be continued.......

Si Romulo po ang nasa multimedia.

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][[][][][][[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

Tremendous note....

Sorry po kung matagal na naman bago na sundan. Promise mas bibilisan ko. Hirap din po kasi akong humanap ng inspirasyon dahil nga nga po ako sa aspetong pag ibig na yan...
Hahaha!!! Bitter much? Joke lang po yun.

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nitong estoryang ito.
❤️❤️❤️Love yah all!!

A Wife's SufferingsWhere stories live. Discover now