Facing end?

261 4 0
                                    

Third Person...

Habang papasok si Leona sa mall, ay may nakalimutan sya kaya nagmadali syang bumalik sa parking lot. Pero bago pa lamang sya makalapit sa sasakyan niya ay bigla na lang syang sinagasaan ng isang itim na sasakyan kaya sya tumilapon at nabagok ang ulo sa isang concrete barrier.

Agad namang nawalan ng malay si Leona habang ang sumagasa sa kanya ay agad namang humarurot ng takbo.

Samantala, dahil sa pag aalala ni Romulo sa kaibigan ay agad siyang pumunta sa parking lot dahil sabi nito na babalik lang siya sa sasakyan niya dahil nakalimutan niyang dalhin ang portfolio nito. Gusto na kasi ni Leona na bumalik na sa PAO. Masaya naman si Romulo sa desisyon ng kaibigan.

Agad na binalot ng matinding takot si Romulo nang makita ang kaibigan nyang nakahandusay at walang malay habang dumudugo ang ulo at may mga sugat sa ibat ibang parte ng katawan na halatang na hit and run. Dali dali syang tumawag ng ambulansya habang ingat nyang dinaluhan ang kaibigan.

Bigla niyang tinawagan ang kaibigan niyang manager ng mall at ipinacheck sa kanila ang CCTV ng parking lot ngayong araw at ibigay ito sa kanya. Madali namang nakarating ang ambulansyang ipinatawag niya.

"Please Nana hold on. Hold on my Nana..." Mahinang sabi niya kay Leona. Kinakabahan ito nang makarating sila ng ospital at agad itong ideneretso ng Emergency Room.

Hindi mapakali si Romulo habang hinihintay ang paglabas ng duktor.

"Rommy, anong nangyari sa kaibigan namin? Alam na ba kung isno ang nakasagasa sa kanya? Ani nang sabi ng doktor? Okay lang ba ang bata sa loob ng tiyan niya? Ano ba tal-....." Hindi na natapos ang pagpuputakti ng tanong ng kadarating lang na sina Welly at Ronald sa kawawang Romulo. Kaya naman agad na pinutol na ni Romulo ito.

"Hindi ko pa alam ang kalagayn nilang mag ina dahil hanggang ngayon ay nasa E.R. pa ang duktor na nagcheck sa kanya. And I still don't have the idea kung sino ang may pakana ng pagka sagasa ni Leona, but don't worry I've been notified the staff of the mall na ibigay sa akin immediately ang copy ng CCTV footage sa parking space within that span of time." Mahabang paliwanag nito sa dalawa.

Agad namang binalot ng matinding kaba nang ilabas si Leona at mabilisang ipinunta sa I.C.U. kasunod ang mga nurse at ang doctor nito.

"Doc kamusta na po ang kalagayan ng kaibigan namin?" Agarang tanong nila nito.

"Kayo pala ang kaibigan ng pasyente. Well to tell you honestly, the patient suffered a head trauma due to a hard impact nung tumama ang ulo nito sa barrier plus the fact akso na nasagasaan ito. Pero ang mas ikinakatakot ko ang kalagayan ng baby nito sa tiyan niya. Malaki na kasi ang bata kaya hindi na natin ito pwede iundergo ng surrogacy o ilipat ang baby sa isang host, dahil nasa second semister na ito sa kanyang pagdadalng tao nito." Mahabang paliwanag ng duktor. Nanlumo ang tatlo sa narinig at mas nakakapang lumo pa nitong balita sa kanila.

"And lastly, mas mahihirapan tayo once the patient didn't stabilize her condition in the next 24 hours ay maaaring ma comatose ang kaibigan nyo. It would be very hard for us and too risky for the baby. Makakasurvive ang baby pero maaaring maapektuhan ang utak ng bata which led him to autism or Down syndrome." Dagdag p nito.

"Oh my God." Napahagulgol na lang si Welly.

"Ano po an-.." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ronald ng biglang tinawag sa intercom ang doctor upang papuntahin sa Intensive care unit.

"Paging Doc. Labio, please proceed to the intensive care unit, immediately." Ang narinig nila. "If you excuse me, kailangan ko pang puntahan ang kaibigan niyo." Nagmamadaling tugon ng duktor sabay takbo.

"Fuck." Napamura sila habang sinusundan ang duktor patungo sa kanilang kaibigan.

=================================================

Welly

Kinakausap ako ni Doc. Labio ngayon dahil sa kalagayan ng baby ni Leona. Magdadalawang linggo na rin kasi simula ng masagasaan ito.

"Doc, wala na po bang ibang paraan para makuha ang baby inside here?" Tanong ko dito.

"I'm sorry, pero wala pa tayong magagawa sa ngayon hangga't hindi pa tumutung tong ang bata ng pitong buwan sa loob nito." Sabi ng duktor.

Masaklap ngayon kami dahil under coma si Leona. Mas nakababahala pa dito ang kondisyon nito. Dumagdag pa ang himdi pa rin natutukoy ang salarin kung bakit nasagasaan ang kaibigan ko.

Nagpaalam na sa akin ang duktor dahil iba pa itong pasyenteng pupuntahan. Naglakad na ako papuntang ICU ng may nahagip ako sa aking paningin. Sh*t. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Chad yun at ang kapatid ni Leona na si Sue. Anong ginagawa nila dito? Nandito ba sila para icheck kung patay na ba si Leona? Pero lumiko sila at hindi papunta ito sa ICU.

Papunta sila sa OB gynecology section ng hospital. Mga walang hiya. Nagbunga na ang mga kahayupan nila sa kaibigan ko. Sinundan ko sila ng palihim at nakita kong papasok sila kay Dra. Xyrene May. Mga bobo. Classmate namin yan nung highschool. Kung siniswerte ka nga naman pwede akong pumasok ng walang inaabala.

"Ren long time no s-..." Naputol ang pananalita ko nang makita ko sila. Haha. Epic. Kung sana pwede akong makakuha ng picture sa kanila kanina ko pa ginawa.

"Wels nandito ka pala ngayon ba yung sched mong magpacheck up?" Tanong ni Xyrene. Haha. Sinasakyan na ako nito. "Well, by the way, maghintay ka muna dahil uunahin ko muna sila Architect and Mrs. Hudson. Ha?" Dugtong nito. Eww... Nakakasuka. Talagang kinarer niya ang maging asawa kuno ni Chad.

"Take your time." Sagot ko. Pero ang mukha ng dalawa parang natatae. "Anyway, alam mo ba na yung asawa ni Leona ay may kinahuhumalingang iba. Akala mo kung sinong poncio pilato kung maka asta na hindi niya daw sasaktan si Leona yun pala hahanap ng ibang putahe."

"Kawawa naman si Eona, kamusta na kaya yun. Alam mo ang bait bait pa naman nun. I still remember, hindi sana ako gagraduate ng highschool kung hindi niya ako tinulungang makahanap ng scholarship. Kaya maswerte ka Sue dahil mahal ka ng asawa mo!" Sabi ni Xyrene.

"Ahh.... Hehehe o-oo Na-naman..." Utal na tugon nito.

"Really? Good for you. Sana hindi yan maagaw ha?" Mapang asar kong tugon kay Sue.

"Well, Dra. May. Since tapos na naman po ang check up ni Sue. Pwedena ba kaming mauna?" Tanong ng aso, este ni Chad. "Yes, paalala ko lang na please huwag niyang makalimutan ang mga bilin ko sa kanya, especially the vitamins na dapat niyang ma intake." Tugon ng duktor.

Lumabas na agad sila, at ako naman ay nagpacheck if healthy ba ako. At kung pwede ba akong magbuntis.

=================================================

Someone's POV

"Heto na ang bayad sa pagkasagasa niyo sa kanya." Sabay abot ko sa kanya ng pera na nagkakahalagang 1 million pesos. "Makaka asa ba akong walang makaka alam nito?"
Tanong ko sa kanya.

"Opo boss, ariglado." Sagot nito. Now that's more like it. Akin ka lang dapat. Akin ka lang. Magkakamatayan tayo kung may kukuha pa sayo sakin.






















To be continued......

Lily Collins as Sue.

A Wife's SufferingsWhere stories live. Discover now