Another blow?

221 3 0
                                    

Leona

















"Condolence." Sabi ng mga taong pumunta sa burol ng anak kong si Xavier Emmanuel Villanueva. Oo, Villanueva. Hindi ko na kasi isinunod sa apilido ng hayop kong asawa ang pangalan ng anak ko. Masakit mang isipin na namatay siya ng hindi ko man lang sya nayakap, nahagkan at naalagaan. Masakit para sa isang ina na masilayan mo sa unang beses ang iyong anak na hindi na gumagalaw. Hindi mo nakita ang mga ngiti nito. Hindi mo sya nahawakan habang tumatawa ito na nakakalong sayo. Dahil nakita ko at napagmasdan ang anak ko habang binabawian ito ng buhay sa hospital. Habang lumalaban ito para makasama pa ako ng matagal. Habang ginagawa ng mga duktor ang lahat para madugtungan pa ang buhay ni Xiella.

Pero alam kong hanggang doon na lang ang kaya niya. She have fought enough. Kahit masakit sa akin na nakitang binawian ang kaisa isang tao na pinanghahawakan ko ngayon at pinanghuhugutan ko ng lakas at pag asa upang magpatuloy sa buhay, kailangan ko nang tanggapin iyon na hanggang doon na lang talaga sya. Kaya hindi ko mapigilang umiyak na naman. Mula ng ilagak ito dito sa chapel ay halos oras oras, minu minuto akong umiiyak. Kaya hindi magkamayaw sila Welly sa pagpapatahan sa akin. Hindi rin ako makakain ng maayos at halos wala pa akong maayos na tulog.

"Nona, umupo ka muna. Alam mo namang hindi ka pa fully recovered from the accident kaya dapat magpahinga ka muna baka maospital ka na naman." Pagpapaalala sa akin ni Romulo.

"How I wish that it is so easy to do that, Rom. Pero ang hirap. Ang hirap na makita ang anak mong nakalagak at nakapaloob sa ataul. I am so devastated Romulo. And I don't know where and how to start." Mahaba kong saad kay Romulo habang nakatingin pa rin sa labi ng anak ko.

Maya maya rin ay napilitan na rin akong umupo ng pinagalitan na ako ng mga tita ko sa side ni papa. Alam kong may hinahanap sila pero hindi na lang nila tinanong pa.

"Asan na yung magaling mong kapatid?" Tanong ni Tita Luciana. Nakababatang kapatid ni Papa.

"Oo nga hindi ko pa nakikita ang bastadang iyon." Segunda ni Tita Raquel Ang panganay nila papa at tita Luciana.

"Hindi ko po alam kong asan sya. Sana lang hindi na sya magpakita." Malamig kong tugon sa kanila. Halatang nabigla sila sa aking sinabi dahil kung dati lang ay halos awayin ko na sila dahil sa pangaalipusta nila sa kapatid ko tuwing nakatalikod o wala ito. Ayaw na kasi naming ibunyag ito na anak sya ni Mama sa ibang lalaki. Na bunga sya ng isang pagkakamali nila ng kaibigan ni Papa.

Nasa kalagitnaan pa kami ng pag uusap ng may ilapag na malaking bouquet sa gilid ng labi katabi ang iba pang bouquet ng iba pa naming kamag anak. Kaya agad kong nilapitan ang nagdala ng bouquet.

"Manong kanino galing ito?" Tanong ko sa nagdala nito.

"Ah.. Ma'am 'di ko rin po alam kung kanino galing bastat po pinabibigay po ito sa bagong lagak na labi dito sa chapel." Ang tanging natugon nito sa akin.

Tatanungin ko pa sana ito ng may narinig kaming bulyaw may likuran namin. At doon ko nakita na inaawat nina Royce, Ronald, at Romulo sina Xyrene at Welly. Hindi ko maaninag kung sino ang kaaway nila kaya lumapit kami nina Tita. Laking gulat ko nang makita ko ang mga taong huli kong nanaising makadalo sa burol ng anak ko. Kaya naman hindi ko napigilan ang galit at pagkamuhi nang makita ko sila dito. Kaya agad ko silang sinugod at walang habas na pinagsasampal ang mga ito.

"Mga hayop kayo. Ang kakapal ng mga mukha nyong ipakita ang mga pagmumukha nyo dito sa burol ng anak ko. Hindi pa ba kayo nabababuyan sa mga sarili nyo at may lakas pa kayo ng loob na magpakita sa akin?" Nanggagalaiti kong himutok habang pilit akong nilalayo ng mga kaibigan ko kina Chad at Sui. Oo sila ngang mga hayop ang nandito para "makiramay" kuno amin- sa akin.

A Wife's SufferingsWhere stories live. Discover now