"Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah? Totoo ba?" Paninigurado nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi. Bakit naman ako pupunta dito para sakanya? Nandito lang ako para sa documents ko. Kukunin ko bukas then sa Sunday, babalik na ako sa US." Pagpapaliwanag ko. Tumango-tango nalang sila.

"W-wala ka na ba talagang f-feelings para Kay Kean?" Biglang tanong naman ni Ate. Ano toh? Real talk?

"E-ewan." Sagot ko nalang. Totoo naman eh. Hindi ko alam. "Malay ko. Hindi ko Alam."

"Sus, sabihin mo nang oo." Sabi ni Kuya. "Nahihiya ka lang magsabi eh."

"Drop this topic. Past is past pwede?" Sabi ko kaya napa-'whoa' lang silang dalawa.

"Okay, if you say so." Sabi ni Kuya.

***

"Kailan mo kukunin ang documents mo?" Tanong ni Kuya. Si Ate, natutulog na sa room nya at ako naman, nandito sa room ko. Hmm, na-miss ko ang amoy na toh!

"Siguro, tomorrow nalang Kuya. Itetext ko din si Audrey na umuwi na ako dito para masamahan nya ako bukas." Sabi ko ng nakangiti. Tumango nalang sya.

"Okay then. Magpahinga kana. Goodnight lil sis." Sabi nya sabay gulo ng buhok ko bago sya umalis. Humiga naman ako sa kama ko at inabot ko ang phone ko sa side table.

Hinanap ko sa contacts si Audrey at nag-text ako sakanya.

To Audrey : Hi Girl! Can you please go to our house? I have a surprise for you. Haha! Makikita mo bukas. At 8:30 am.

Sent! 📤

***

Kinabukasan.

Maaga ako nagising para makapag-ayos para Kay Audrey. Haha! I want to see her face na.

After 1537463 years. Natapos na rin ako. Nagluto muna ako ng almusal tsaka umupo muna ako sa sala. Maya-maya naman, mag nag doorbell na. Ay! Baka si Audrey na yan!

Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali.

Natigilan sya saglit.

"Sydney?" Paninigurado nya. Hinawakan nya pa ang mukha ko. Laptrip naman talaga oh. "Giiirrrll!! Ikaw nga!!" Sigaw nya sabay yakap sakin.

"Anyare? Bakit ka nandito?" Tanong nya at hinila ko muna sya sa loob. Baka magising ang mga kapit bahay sa lakas ng sigaw nya.

"I was here because, kukunin ko ang mga documents ko sa school. Pwede mo ba akong samahan?" Tanong ko at tumango sya. "Good. Halika muna kumain ka muna. Shh wag kang maingay tulog pa sina Ate." Tumango nalang sya.

After namin kumain, nagpaalam ako Kay Kuya ma aalis na kami ni Audrey. Ayokong istorbuhin si Ate kasi nagrerecover pa sya kaya Kay Kuya nalang ako nagpaalam.

"On the way to school!" Masiglang sabi ni Audrey at pinaandar na nya ang kotse nya.

***

"Long time no see Ms. Flores." Nakangiting sabi ng Dean. Long time no see ba yon? Mga 3 to 5 days pa lang naman ako dun ah?

"Hehe." I awkwardly laugh. "Pwede ko po bang makuha ang mga documents ko dito? For enrollment po for another school." I said smiling. Kita ko naman sa mga mata nya ang sadness. Siguro, dahil hindi na ako magaaral dito.

"Okay. I'm sad because you're not more studying here." Sabi ng Dean. Sabi na nga ba eh.

"Don't worry po. After 2 years ng pagaaral nya don, she's going back here. Tapos, 2 years more at makakagraduate na kami dito! Buti na nga lang po may college dito eh." Sabi ni Audrey. Huwaw.

"Okay sige." Masayang binigay ng Dean sakin young mga documents na kailangan ko.

"Thanks po. See you next time." I said and left. Umalis agad kami ni Audrey doon. Umupo muna kami sa may canteen. Nagutom toh, eh kakakain lang sa bahay namin. Tss.

Saktong nakabukas ang TV ng canteen at sadya talagang na-tyempuhan ko ang film nila Kean. Fudge naman talaga oh!

"Audrey, let's go. Sa mall nalang tayo kumain." I said pero nakaupo pa din sya sa upuan nya. "Audrey." Tawag ko. Nakatingin lang sya sa likod ko.

"Kean?" Sambit nya. Napatingin ako sa likod ko at tama nga sya. Nandun si Kean habang nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin.

"Let's just go Audrey." Sabi ko at hinatak ko sya papalabas. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito sa school? Diba sem break nila for Christmas?

"Sydney, bakit hindi mo sya kausapin?" Napatingin ako Kay Audrey nang magsalita sya.

"Kausapin? I don't talk to strangers." Sabi ko. Labag man sa isip ko na sabihin yon pero wala akong choice. Gusto Kong isipin nila na hindi na ako magpapaloko sakanila. Tss. Kung mababaw ako, edi mababaw. Ayoko lang sa mga taong nagsisinungaling.

"Strangers? Stranger na ba ako para sayo?" Natigilan ako pati si Audrey sa paglalakad nang marinig ko ang boses na yon sa likuran ko.

"Girl, talk to him. I'll be waiting at the car park. Sorry!" She said then run away. I'm so dead. Bakit hindi ko magalaw ang paa ko?

Lumipat sa harap ko si Kean. Deretso lang syang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi mo man lang sinabi sakin na umuwi kana pala." Sabi nya ng nakangiti pero alam kong sad smile yon.

"Babalik din ako sa US don't worry." I said the turned my back on him.

"Sydney, let's talk." Sabi nya at hinawakan nya ang braso ko pero tinanggal ko agad yon.

"I'm not talking to liers Like you Kean. So please? Will you let me go?" Sabi ko. Umiling sya at hinatak ako sa kung saan.

Nahihibang na ba sya? Saan nya ako dadalhin?



I'm InLove with a Superstar Where stories live. Discover now