- 2 -

9.8K 183 0
                                    


SA favourite ni Alayna na fast food chain sila humantong pagkatapos niyang mapilit itong samahan siyang maglunch. Mahahalata sa mukha nito ang disgusto sa lugar. Nagpapang-abot na kasi ang dalawang kilay nito.

"What? Masarap naman dito ah saka paborito ko ang spaghetti nila." Saka niya ito nginitian ng pagkatamis-tamis hoping na mawala ang pagkakakunot ng noo nito. Hindi effective.

"Why don't we go to an Italian restaurant if you want spaghetti?" pagkatapos niyon ay tinalikuran na siya ni Skye at naglakad papunta sa pinto. Naagapan naman niya ang braso nito.

"Eh dito na lang please? Mas gusto ko ang lasa ng spaghetti nila dito. At saka ayoko na maghanap ng ibang restaurant. Masakit ang sugat ko eh" pagpapaawa niya.

"You're too annoying for an injured person don't you think?"

Nginitian lamang niya si Skye bago ito hinila sa isang bakanteng mesa na naroon.

"Wait here. Oorder lang ako." sabi niya at akmang pupunta na sa counter ng pigilan siya nito sa braso.

Tumayo ito at itinulak siyang paupo sa isa sa mga silya sa mesang iyon. Nakatingala na lang tuloy siya rito.

"Anong gusto mong kainin?"

"Ako na lang ang oorder. Alam ko namang hindi ka sanay---"

"Spaghetti lang ba?"

"Samahan mo na din ng burger and fries."

Pumunta na ito sa counter at pumila. Lihim namang napangiti si Alayna. Kahit talaga mukha itong ipinaglihi sa sama ng loob ay may itinatago pa rin itong kabaitan. Sino nga ba ang hindi mai-inlove dito?

"Hay mahal! Kahit saang anggulo talaga, ang perfect mo." She sighed at nakapangalumbaba pang pinagmasdan ang back view nito habang nakapila ito sa counter.

"Ang gwapo noh!" narinig niyang sabi ng isa sa mga babaeng customer sa fastfood na iyon.

"Oo nga! Artista kaya yan?"segunda pa ng isa.

"Tara, lapitan natin!"

Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang na sunod-sunod nang bumulagta ang mga babae sa kabilang mesa sa tinging ipinukol niya sa mga ito. Di yata at pinagnanasaan ng mga ito ang Skye niya.

Mukha namang di ramdam ng mga babaeng iyon ang mga tingin niya dahil patuloy na sinusundan ng tingin ng mga ito si Skye. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin niyang halos lahat ng kababaihan doon, may kasama man o wala, ay dito nakatingin. Bigla parang gusto niyang pagsisihang dito pa niya nahila si Skye.

Tumayo siya at nilapitan si Skye. Ito na ang hinihingan ng order ng cashier doon.

"Will it be for dine in sir?" tanong ng cashier na abot tainga ang ngiti. Kumikinang pa ang mga mata nito.

"Take out na lang, Miss." Siya na ang sumagot sa tanong ng cashier nang matigil na ang pagtingin nito ng malagkit kay Skye.

Tinignan lang siya ng cashier. Mukhang hindi ito sigurado kung susundin nito ang sinabi niya. Bumaling ulit ang cashier kay Skye saka ngumiti ulit.

"Sir?"

Aba't --- she ignored her! Handang handa na siyang katayin ang bruhang cashier ng hawakan ni Skye ang kamay niya.

"You heard her, Miss."

Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now