- 10 -

8.5K 157 1
                                    

MABIGAT pa rin ang pakiramdam ni Alayna nang magising siya kinabukasan. Tila binibiyak ang ulo niya ngunit pinilit niya ang sariling bumangon. Ililigo na lang niya ang init na nararamdaman. Gustuhin man kasi niyang magpahinga, hindi rin niya magagawa. Hindi mawala sa isip niya ang naiwang trabaho sa opisina. Ipinangako na lang niya sa sariling tatapusin agad ang trabaho pagkatapos ay magpapahinga ng husto.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya. Nagpulbos lang siya at naglagay ng lipgloss saka binitbit ang bag niya.

Natigil si Alayna sa kinatatayuan nang mapagbuksan ang pinakahuling tao na atang inaasahan niyang mabubungaran sa labas mismo ng pinto ng kuwarto niya.

Skye was wearing a pair of faded blue jeans and a simple black shirt. Napakasimple ng suot nito ngunit hindi pa rin niya mapigilang humanga. He was such a sight to behold.

"Good Morning." Bati sa kanya ni Skye. Hindi ito nakangiti sa kanya ngunit parang naglaho lahat ng sama ng pakiramdam niya nang makita niya ito.

"I...ah... Good Morning." Tumikhim si Alayna upang ibalik ang sarili sa realidad. "What are you doing here this early?"

"Where are you going?" tila hindi nito narinig ang tanong niya dahil sumige ito sa sariling tanong nito.

"To the office. Are you here for my brother?"

"Do you see me standing infront of his bedroom door?"

What does he mean by that? Posible kayang siya talaga ang ipinunta nito?

"Well, I need to get going now. I'm not sure kung andito pa siya but feel free to invade his room kung gusto mo siyang makita." At akmang lalagpasan na niya ang lalaki nang humarang ito sa daraanan niya. Sinubukan niyang umiba ng direksiyon ngunit humarang itong muli. "Ahm.... Skye, hinaharangan mo ang daan ko."

"I know." Balewalang sabi ni Skye.

Gusto na niyang magtaka sa kinikilos ng lalaki ngunit wala talaga siyang panahong isipin ito ngayon. Hinihintay na siya ng mga papeles sa opisina niya.

"As much as I want to be with you, I can't. May kailangan pa akong gawin eh. Bubulabugin na lang kita sa opisina mo kapag hindi na 'ko busy, okay?" and she tried passing through him again ngunit napatili na lamang siya nang umangat ang mga paa niya sa lupa. Skye was carrying her like a sack of rice!

Walang salitang ipinasok siya nito sa kuwarto at ibinagsak sa kama.

"Skye, I really have to----." Muling naitikom ni Alayna ang mga labi nang lumapat ang palad ni Skye sa noo niya. Ang lakas talaga ng epekto ng simpleng gesture nitong iyon sa kanya.

"You still have a fever, Alayna."

"I-Iinom na lang ako ng gamot. Mawawala na yan maya-maya..."

"You need to rest."

"I know. I'll do that later after finishing my work."

"There are loads of people in your company. They can do your work for now. Besides it wouldn't be a big deal for Tito Mario if you'd be off work for a day."

"Hindi pwede! Baka isipin ng mga katrabaho 'ko, hindi ko sineseryoso ang trabaho dahil anak ako ng big boss!" tinangka niyang bumangon ngunit hindi pa siya nakakatayo ng tuluyan ay naitulak na siya nitong pabalik sa kama. And he was suddenly on top of her!

Napakurap-kurap siya. Humahaplos ang mainit na hininga nito sa mukha niya tanda na iilang pulgada lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.

"H-hey!"

"You need to rest, Alayna." Skye said firmly. "And I'll make sure you will do just that."

Hindi nadigest ng nanlalabo niyang kamalayan ang sinabi nito dahil tanging ang mukha nitong napakalapit sa kanya lamang ang nakarehistro sa isip niya.

And those lips. Nakita niya nang bumuka iyon ngunit hindi sa sinabi nito natuon ang kanyang pansin kundi sa mga labi nito mismo. He has a perfect pair of lips. Napalunok siya.

And then his lips stopped moving. He was not speaking anymore. Unti-unting lumapit ang mga labi nito sa kanya. Was he going to kiss her?

Naipikit ni Alayna nang mariin ang mga mata. Oo nga matagal na niyang pinapangarap magkaroon ng ganitong eksena kasama nito. Ngunit bakit ngayon parang gustong lumabas ng puso niya sa kinalalagyan nito dahil sa matinding kaba.

Napadaing siya nang imbis na mainit na labi nito ang maramdaman niya ay ang pagpitik nito sa noo niya ang natikman niya. Naramdaman niya ang pagtayo nito pagkatapos.

"H-hey! What was that for?" reklamo niya. Nakaupo na siya habang himas ang noong pinitik nito.

"Nothing" balewalang sabi ni Skye. "You stay here while I get you something to eat." Sabi nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto niya.

Naguguluhan man ay napatitig na lamang siya sa pintong nilabasan nito pagkatapos ay napahawak sa dibdib. Nagwawala pa rin iyon sa kabila ng pagkawala ng taong dahilan ng pagwawala niyon. Tuluyan nang nawaglit sa isip ang trabaho. Iisang pangalan na lang ngayon ang nangingibabaw sa isip niya. SKYE.

Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now