- 9 -

8.3K 160 2
                                    

            NAALIMPUNGATAN si Alayna. Narinig din niya ang pagtikhim ng katabi kaya agad niya iyong nilingon. Bumungad sa kanya ang pinaka-guwapo na atang nilalang na nakilala niya. Skye was looking straight in front kahit na halatang hindi naman na ito nagmamaneho. Tahimik na kasi ang sasakyan.

Sumulyap si Alayna sa labas ng bintana at nakita niya ang pamilyar na gate ng bahay nila. Doon niya naalalang sinundo nga pala siya ni Skye para iuwi sa kanila.

Agad siyang umayos ng upo at hinaplos ang buhok pati ang gilid ng labi. Hindi pa naman niya alam kung ano ang mga sleeping habits niya. Hindi naman siguro siya nagsalita noong natutulog siya?

Maya-maya ay bumaba si Skye ng sasakyan. Sinamantala niya iyon para sumilip sa vanity mirror ng sasakyan upang siguraduhing mukha pa rin siyang tao.

Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kotse sa gilid niya ay dali-dali niyang isinara ang vanity mirror. Bumaba lamang pala ito para pagbuksan siya ng pinto.

"'You feeling okay?"

"I...uh... yeah, thanks" bumaba na siya ng sasakyan. Mukhang nakabuti ang pagtulog niya sa sasakyan nito dahil nabawasan ang sakit ng ulo niya.

Alayna stilled when she felt his hand on the small of her back.

Tinignan niya ito ngunit mukhang hindi naman nito naramdaman ang kuryenteng naramdaman niya nang hawakan siya nito. Nanatiling blangko ang ekspresyon nito.

Ano ba ang iniisip niya? Ginawa lang nito iyon para alalayan siya dahil nga may sakit siya. Siya lang itong sobrang apektado.

Pagpasok nila sa gate ay siya namang paglabas ng Kuya Carl niya.

"Salamat sa pagsundo sa kapatid ko, Pare." Bungad sa kanila ng Kuya niya.

"Ikaw ang nagpapunta sa kanya sa opisina, Kuya?" Hula ni Alayna. Hindi pa kasi siya kumbinsido na magkukusa si Skye na puntahan siya dahil sa pagkakatanda niya, siya lang ang sumusunod-sunod rito.

"Of course. Mabuti akong kapatid eh!" proud na sabi naman ng kapatid

Pinandilatan lamang niya ito bago hinarap si Skye para magpasalamat.

"Thanks sa paghatid, Skye. Pasensya na rin, naistorbo ka ng Kuya ko."

Ngunit parang hindi naman siya narinig ni Skye dahil ang kapatid niya ang binalingan nito.

"You're sister has a fever." Seryosong sabi nito sa Kuya Carl niya. "Mas mabuti sigurong magpahinga na lang siya hanggang bukas."

"She has?" tanong ng Kuya niya saka inilapat ang palad nito sa noo niya. "Don't worry, I'll make sure na hindi siya papasok sa opisina bukas."

"What? No!" pinalis ni Alayna ang kamay ng Kuya niya mula sa noo. "I'm fine, guys, Come on!"

Ngunit parang wala siya roon dahil ni hindi man lang pinansin ng dalawang lalaki ang sinabi niya. Sa halip ay nagpaalam na lang ang Kuya niya kay Skye na tumango lang naman bago tumalikod at lumabas.

"You, Kiddo, need to rest." Sabi ng Kuya niya bago siya nito kinaladkad papasok ng kabahayan.

"Kuya, why did you let Skye fetch me?" reklamo niya rito. "Hindi ko tuloy natapos ang trabaho ko."

"Good for you." Nakangising sagot ng kapatid niya. Tinignan niya ito ng masama upang iparating na hindi siya natutuwa rito. "What? Just thank me, sis. Atleast nagka-moment kayo ng kaibigan kong 'yon." Tinapik-tapik nito ang balikat niya bago nauna nang umakyat ng hagdan.

Napaisip siya. Kung tutuusin ay tama ito. Nakasama niya si Skye at sa unang pagkakataon ay nasa kanya ang buong atensiyon nito. Napangiti siya.

"I'm such a good brother, don't you think?" hirit pa ng nakangising kapatid niya na nasa gitna na ng hagdan. Napailing na lamang siya bagaman nakangiti pa rin.

Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora