- 11 -

8.3K 151 4
                                    

"ALAYNA, stop staring and go to sleep!" sita ni Skye sa kanya nang hindi man lang siya nililingon. Malamang ay nararamdaman nitong kanina pa niya ito tinititigan habang busy naman ito sa librong binabasa nito na malamang ay nadampot nito sa study room nila.

"Hindi nga ako inaantok." Nakalabing sagot ni Alayna. Isa pa, nag-eenjoy siyang panoorin lang ito. Tanggap na rin niyang hindi na siya makakapasok sa trabaho. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang magiging bantay niya, bakit pa nga ba siya magrereklamo?

Tinawagan na rin ni Alayna ang kapatid niya para ipagpaalam ang pagliban niya sa opisina nila. Hindi na rin siya nagtaka nang sabihin nitong kanina pa siya nito naipagpaalam. Pati ang pagsulpot ni Skye sa bahay nila ay kagagawan din umano nito.

"Mom and Dad are still on a business trip. Hindi naman ako gan'on kasama para ipaubaya ang little sis ko sa mga katulong. You owe me a lot sis!" mayabang na sabi pa nito.

Napailing na lamang si Alayna nang marinig iyon ngunit hindi na nagkomento pa. Inaamin naman niyang natutuwa siyang inaasikaso siya ni Skye ngayon dahil sa kalokohan ng kapatid niya.

"You have to sleep. May sakit ka."

"I can't okay? Isa pa, okay naman na ang pakiramdam ko eh." Totoo iyon. pagkatapos kasi siya nitong dalhan ng pagkain at painumin ng gamot ay unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.

Sa wakas naman ay tinignan siya ni Skye. Ibinaba nito ang librong hawak pagkatapos ay lumapit sa kanya. Dapat ay nasasanay na siya sa paghawak-hawak nito sa noo niya ngunit nang gawin nito iyong muli ay matindi pa rin ang epekto niyon.

"Bumaba na ang lagnat mo."

"I told you."

"You still need to take medicine para mawala na 'yan ng tuluyan." Umayos ito ng tayo sa harap niya. "What do you want to eat?"

"Will you cook for me? Medyo nagsasawa na kasi ako sa mga luto ni Manang." Palihim na nag-sorry si Alayna sa isip. Sinusubukan lang naman niya kung makakalusot dito ang mga hirit niya. Ni hindi nga niya alam kung kaya ba nitong magluto.

"What do you want to eat then?"

"You'll cook for me?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"Nag-eexpire din ang offer ko."

"I want Sinigang!" agad na sagot niya. Mahirap na, baka magbagong bigla ang isip nito, mapurnada pa ang magiging unang pagtikim niya sa luto nito.

"Okay." Sabi ni Skye saka tumalikod. "You stay here" sabi nito bago pa man siya tuluyang makabangon at sundan ito.

At dahil ayaw naman niyang magbago ang isip nito ay hindi na lang siya nagpilit. Iintayin na lamang niya itong makabalik dala ang pagkain niya.

Ngunit iilang minuto pa lamang itong nakakalabas ng kuwarto ay nakaramdam na siya ng pagkabagot. Nagpasya na lamang siyang manood ng movie. Naghalungkat siya sa CD rack niya hanggang sa makita niya ang favorite Korean film niya. "A Moment to Remember" ang title niyon at kahit ilang beses na niya iyong napanood ay hindi pa rin iyon pumapalyang paiyakin siya kaya naman gustong gusto niya iyon. Isinalang niya iyon sa DVD player saka sumalampak sa sahig at sumandal sa gilid ng kama, her usual position everytime she watches a film.

Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon