- 21-

8.7K 187 2
                                    

            HINDI mapalis ang ngiti ni Alayna habang nakikisabay sa pag-awit ng bandang nagpeperform ngayon sa stage ng party na iyon. It was an international band at nagawa itong ma-recruit ni Crissandra dahil ang boss nito ay ang drummer ng instrumental band na iyon. Ang lalaking iyon din ang naaalala niyang humalik sa kaibigan niya sa parking lot ng mall.

"Ang gwapo naman pala ng boss mo. Pinagbigyan ka pa nga ng humirit ka ng performance dito sa party ni Skye. Bakit halos isumpa mo na ang lalaking 'yan?" tanong niya sa kaibigan na nasa tabi lamang niya.

Nilingon naman siya nito at sumimangot.

"Kaya lang yan pumayag mag-perform dito sa party ng irog mo dahil malaki ang ibabayad sa kanila. As if naman papayag 'yan kung aayain ko lang eh mas mahalaga kaya para sa kanya ang pera kesa sakin."

"Baka naman nagtatrabaho lang ng mabuti para sa future ninyo." Nakangising biro niya rito na lalong nagpakunot sa noo nito.

"Tigilan mo ko, Alayna Marie." Luminga-linga ito sa paligid. "'Yong irog mo ang asikasuhin mo. Hindi ko pa nakikita ang isang 'yon. Siya 'tong pinaghandaan ng party tapos siya ang nawawala."

"Male-late daw siya pero pupunta 'yon." Confident na sagot niya. Tumawag na kasi siya rito kanina para alamin kung nasa party na ito at iyon ang isinagot nito.

Ang party na iyon ay inihanda ng mga magulang ni Skye para rito. Ayon sa Mommy nito, iyon raw ay Welcome party slash congratulatory party para sa successful venture nito abroad. Sila pa nga ni Crissandra ang hiningian nito ng tulong para i-organize ang party na iyon na tinanggap naman niya agad. It makes her feel great doing things for Skye.

As for Skye, noong isang araw pa ito dumating mula sa business trip na iyon dala ang mabuting balita. Nadagdagan na naman ang yaman ng mga ito for sure.

At kaya hindi mapalis-palis ang ngiti niya ay dahil na rin siya ang unang unang tinawagan nito nang dumating ito sa Pilipinas. Hindi pa sila nagkikita nito sa personal ngunit lagi naman itong tumatawag nitong nakaraang dalawang araw upang kamustahin siya. Hindi na rin siya pumunta pa sa mga ito kahit pinapapunta siya ni Samantha dahil alam niyang pagod ang binata. Ipinangako na lamang niya sa sariling magpapaganda ng husto sa party na iyon para rito.

Suddenly, the song shifted to a sweet one. Tumingin sila sa stage. Wala na roon ang banda. Tapos na ang unang performance ng mga ito kaya nag-iba na rin ang tugtog.

Kasunod niyon ay ang pagsulpot ng isang gwapong matangkad na lalaki sa tabi ni Crissandra. It was Rylen, the band's drummer.

"Let's dance." Sabi nito sa kaibigan niya bago bumaling sa kanya at tumango. Hindi na siya nakapag-react pa nang mabilis pa sa alas-kuwatrong nahila nito ang kaibigan papunta sa dance floor na ngayon ay may mga tao na ring nagsisipagsayawan.

Napabuntong-hininga siya. Akalain ba naman niyang maiiwan siya mag-isa ng ganun-ganun na lang. Asan na ba kasi ang ka-date niya dapat sa party na 'yon.

"Hi, Alayna right?" nagulat pa siya sa pagsulpot ng kung sino sa harapan niya. He was a goodlooking guy ngunit hindi niya ito type. Iyon pa lang pagsulpot sa harap niya ay nagpapatunay na ng pagkapresko nito.

"Ah... yeah, hi." Alanganing bati rin niya rito. Atleast she could be polite towards the guy.

"You want to dance?" walang ka-abog-abog na sabi nito.

"Sorry, but I don't know you." Alanganing sagot niya rito.

"I'm Harold." Nakangising sabi nito. "Now you know me, pwede ka na bang maisayaw?"

She was seriously annoyed now. Masyado itong presko at akmang sasagutin na niya ito nang maramdaman niya ang paglapat ng braso sa balikat niya. That warmth was familiar.

"Sorry Harold, this girl is mine."

And so is that voice.

"Skye, I thought you were with---"

"You thought wrong." Seryosong sabi ng lalaking nasa tabi niya bago lumipat ang kamay nito sa kamay niya at hinila siya papunta sa gitna ng dance floor.

Tumigil lamang ito nang makarating sila sa gitna. Hinarap siya nito.

"You're here!" nakangiting sabi niya rito.

"Of course I am. It's my party, remember?" pagkatapos ay bahagyang pinaningkit nito ang mga mata at tinignan siya.

"W-what?"

"Na-late lang ako ng sandali, naabutan na kitang may kasamang ibang lalaki?"

"Hindi ko kasalanan 'yon noh! Siya ang lumapit. Kasalanan ko bang ganito ako kaganda at naakit siya sakin?" pabirong sagot niya rito.

"Yeah, I think so too." Nakangiting sabi na nito bago inabot ang dalawang kamay niya at inilapat iyon sa mga balikat nito.

"Naniniwala ka nang wala akong kasalanan?" tanong niya rito.

"Not that." Inilapat nito ang mga kamay sa beywang niya at hinapit siyang palapit dito. Her heart started racing. Ngunit hindi pa ito nakuntento. Inilapit nito ang labi sa tainga niya. "I think you're really pretty tonight."

"M-mabuti naman at sumang-ayon ka. Sasakalin talaga kita kapag nilait mo ang ayos ko!"

Pinipilit niyang pakalmahin ang nagwawalang dibdib sa pamamagitan ng pagbibiro ngunit maging ang pagtawa nito sa sinabi niya ay nagpatindi lamang sa kaba niya. She could feel his breath on her neck at ramdam din niya ang pagtatayuan ng mga balahibo niya.

They started swaying with the music. Small movements. Malamang na hindi sila mukhang nagsasayaw sa ayos nilang iyon. Ngunit mukha namang hindi sila nag-iisa dahil may ilang ding gaya nila sa dance floor na iyon.

"You're really cute." Sabi nito.

"K-kanina pretty, ngayon cute na lang? Ano ba talaga?" Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahapit nito sa beywang niya. Isinubsob din nito ang mukha sa buhok niya "Ahm... Skye, we're supposed to be dancing."

"We are..."

"No we're not. You're h-hugging me."

"I am?"

"I-i think so.."

"Then maybe I am." Bahagya siya nitong inilayo. Kasunod niyon ay ang paglapat ng mga labi nito sa noo niya. "I missed you, Alayna."

Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now