- 1 -

12.1K 224 1
                                    


Maluwag ang ngiti ni Alayna habang naglalakad sa pasilyo patungo sa opisina ni Skye. Ang tagal niyang hindi nasilayan ang guwapong mukha nito at miss na miss na niya iyon. Naging sobrang busy kasi niya nitong mga nakaraang Linggo dahil sa hinawakang proyekto ng grupo nila. Siya pa naman iyong tipo na hindi iniiwang naka-hang ang trabaho kaya tinapos niya muna ang mga kailangan niyang gawin bago siya sumugod doon.

Isa siyang art director ng creative department sa advertising company na pag-aari ng kanyang ama. Kung tutuusin, maaari siyang umupo sa isang mas mataas na posisyon dahil pag-aari naman ng ama niya ang kompanyang pinapasukan ngunit noon pa man ay hindi na talaga niya nagustuhan ang Padrino system. Para sa kanya, dapat pinaghihirapan ang lahat ng bagay bago ito makuha. Paano mo nga naman maa-appreciate iyon kapag nakuha mo na kung hindi ka naman nagsikap para doon. Isa pa, malaki ang respeto niya sa Creative Director nila at alam niyang ang mga taong may sapat na karanasan at kaalaman lamang sa field nila ang nararapat sa puwestong iyon, which makes her less qualified since iilang taon pa lang halos siyang nagtatrabaho sa kompanya.

Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng pasilyo ay hindi niya mapigilang humanga sa lalaking tinatangi niya. The building was huge not to mention too elegant. Isang tingin pa lamang ay mahihinuha na ang karangyaan doon. Na hindi basta bastang kompanya ang gumagamit niyon.

At sa edad na tatlumpu ay hawak na ni Skye ang kompanyang kinatutuntungan niya ngayon. He has put up a name in the business world as one of the richest man in the country. Malaking responsibilidad na din ang nakaatang sa balikat nito. Hindi basta-basta ang dami ng pamilyang binubuhay ng kompanyang iyon kaya naman hindi rin ganoon kadali ang trabaho nito ngunit kailanman ay hindi ito nagreklamo. Mas napalago pa nga nito ang mga negosyo ng pamilya nito. Kaya nga ba proud na proud siya dito.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya ito at ang isang babae sa harap ng pinto ng opisina nito. Napataas ang kilay niya ng makita ang eksena ng mga ito.

Bigla parang gusto niyang pumatay ng tao. They were kissing in front of his office! Ni hindi man lang pumasok sa opisina? Live show lang? Palibhasa opisina ng loko ang buong floor na ito eh.

Huminga siya ng malalim bago nagmartsa palapit sa mga ito. Nang ilang hakbang na lamang ang layo niya sa mga ito ay saka siya tumikhim. Live show ang gusto niyo ah? Sige pagbibigyan ko kayo.

Naghiwalay naman ang mga ito yun nga lang kumapit lang iyong babae sa braso ni Skye at tumingin lang sa kanya. Tumaas pa ng isang inch ang kilay niya. Talagang sinusubukan ng babaeng ito ang pasensya niya ah...

"Are you aware you're holding the wrong arm?"

"Who are you?" tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at pataas ulit. "Let me guess, ikaw ang self appointed girlfriend ni Skye, tama ba? You are that brat am I right?" saka ito ngumisi ng nakakaloko.

Ngayon pa lang ay pinag-iisipan na niya kung paano niya gagawing miserable ang buhay nito. How dare her kiss my Skye!

"And who are you? One of his playmates? Let me guess, isa ka ring starlet na naghahangad umangat sa buhay kaya nagpapagamit ka sa boyfriend ko, am I right?"

Nakita niyang namula ang mukha nito. Bull's eye! Lihim siyang napangisi.

"Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol sa spoiled brat na yan ha? I'm your girlfriend!" nagpupuyos na baling nito kay Skye.

"Who told you that I'm your boyfriend?" walang kaemo-emosyong sabi ni Skye.

"What are-----" pinakatitigan nito ang mukha ni Skye. "I hate you!" kasabay ng isang sampal na dumapo sa pisngi ng binata at ng pagwo-walk out nito.

Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now