San lupalop ba naman ako maghahanap nun? Dati pakwan na hugis puso raw. Nakakapagod pala ang asawang nagbubuntis. Kung di ko lang mahal to eh.

"Ate meron po ba kayong apple na kulay green at red? Yung magkasama po. Hindi hiwalay."

"Iho, nagpapatawa ka ba? Walang ganyan." Sabi ko na nga ba. Pinaglalaruan lang ako ni Faye. At pinapahirapan. Pero di ako susuko.

"Sige po, salamat." Wala na suko na ko. Sa huli pinagdikit ko nalang yung apple na kulay red at green gamit ang mighty bond. Alam ko namang di nya to kakainin eh.

"Oh eto na." Abot ko sakanya nung apple.

"Wala talaga kasing ganun kaya yan nalang." Sabi ko at yumuko

"Hahahaha funny. Buti naisip mo to." Nakangiti sya. Para san ba ang ngiti na yan?

"Ano pang gusto mo?" tanong ko.

"Ah oo, pagawa naman ako ng orange juice."

Agad naman akong nagpunta sa kusina nila. Ayaw nya kasi sumama sakin sa bahay namin. Pinagtimpla ko sya. With love yun.

"Ayoko na ng orange juice!! Mango shake pala!" Arghh napipikon na ko. Hanggang kelan ba sya magiging ganyan?

In the end, ako ang uminom ng orange juice at gumawa ng mango shake. Buti naman at ininom nya na.

Ganyan sya ng ilang araw at linggo. Patuloy nya akong pinapahirapan.

Alas diez na ng gabi ah. Pagod ako. Sino bang tumatawag na to? Tiningnan ko ang phone ko.

"Jaye. Tulungan mo ako. May sumusunod sakin. Natatakot ako." Umiiyak ba sya?

Gabing gabi na ano bang gingawa nya sa labas?! Nagising naman ako sa sinabi nyang iyon.

"Asan ka?!"

"Andito sa Maryville. Nasa eskinita ako."

"Anak ng! Dyan ka lang!" Nagdrive agad ako papunta ng Maryville. Ano bang ginagawa nya dito? Eh wala naman kaming kakilala dito. Ughh yung babaeng yun.

"Fayeeee!" Sigaw ko

Hinanap ko sya ng hinanap. Lagot ako kay tito Nero pag may nangyaring masama sakanya.

Inabot na ko ng madaling araw kakahanap sakanya. Nagpag desisyonan kong pumunta sa bahay nila.

"Oh iho. Bakit ganya ang itsura mo?" pinagbuksan ako ni tita ng pinto

Ang laki na raw ng eyebags ko. Ang gulo ng buhok.

Hinihingal pa ko kaya di muna ako nakapagsalita.

"Si Faye po nawawala." Sabi ko. Mukhang naguluhan naman si tita

"Huh? Nawawala?" Tanong ni tita

"Ma??" Bumaba si Faye sa hagdan nila.

Nanlaki ang mata ko at napalitan ng galit at inis ang muka ko nang makita ko syang bumababa ng hagdan at ok naman pala

All this time, naghanap ako sa wala?! Niloko nya lang ako?!

"Anong ginagawa mo dito Jaye?" Parang wala lang nangyare. Tsk

"Ikaw ang ano ang ginawa mo! Sawang sawa na ko Ish! Sawa na!" Tumaas yung boses ko. Lumabas na rin si tito Nero sa kwarto nila.

"Magdamag akong nandun sa Maryville! Sabi mo andun ka at may sumusunod sayo! Alas diez ng gabi gumising ako para lang sundan ka dun. Puyat ako at pagod! Pero ano? Hinanap pa rin kita kasi sabi mo nandun ka!" Halos maglupasay na ko sa sahig nila at lumuluha. Nanghihina na ako.

"Jaye.."

"Tapos nandito ka lang pala? Natakot ako kasi baka kung anong nangyare sayo! Nag alala ako. Pero niloloko mo lang pala ako Ano pa bang gusto mo?! Sinusunod ko naman ang mga gusto mo. Hindi ako nagrereklamo. Iniintindi kita pero sana rin intindihin mo ako. Napapagod din ako!"

"Humingi ako ng maayos sayo ng chance pero pinapahirapan mo lang ako. Iba ka na." Pinunasan ko ang luha ko. Hinawakan ko na ang door knob at handa ng umalis

"Magpapahinga lang ako at hahabulin kita ulit."



Ishnelle's POV

Ano ba tong nagawa ko?

"I'm so disappointed in you Ish." Sabi ni papa

Naiyak nalang din ako.

"Maayos na lumapit sayo ang tao pero pinapahirapan mo lang." Patuloy nya

"Sumusobra na yata ang ginagawa mo. Ayusin mo yan anak. Hindi ganyan ang kilala kong Ishnelle Faye." Sabi ni mama at umalis din. Galit sina mama at papa. Ganun din si Jaye. Ang sama ko na ba talaga?

Mahal ko si Jaye. Gusto ko lang naman malaman kung gano nya ko kamahal at kung kaya nya ba ang mga pinapagawa ko. Pero sobra na ba talaga? Sumusuko na ba sya?

Siguro it's time na ako naman ang humingi ng tawad.

----

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now