08

4.4K 94 0
                                    

Ishnelle's POV

Hi Pinaaaas! I'm back! =)))))

Ang haba ng tulog ko. Halos buong byahe yata ako natulog. Binawi ko lang kasi napuyat ako kaka-overthink kagabi.

Pero omg :") pag gising ko nasa balikat ako ni Jaye.

Eh? Ba't ako nagblush? Argh wala ituu! 

"Oh ito na yung mga maleta mo. Osya, uwi na ko. Mag iingat ka." Di nya man lang ba ako ihahatid samin? Anong klaseng asawa sya?!

Uh-oh! Ano bang sinasabi kong asawa? Eww.

"Oh? Ba't ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Meron." Di ako prepared dun ah. Kiniss niya ako bigla sa cheeks. Nagbblush ba ako? 

"Nagpara na ko ng taxi para sayo. Byee." Umalis na siya at sumakay sa taxi niya.

Namemesmerize pa rin ako hanggang ngayon. Kiniss nya ko sa cheeks.

*dug dug* Eto na naman yung pisiting yawang pusong to!

Ano ba yan? Abnormal na yung heart rate ko. Papacheck up na ko.


Jahaziel's POV

Nakauwi rin ng Pinas. Ang tagal ng byahe. Nakakapagod. Agad akong sinalubong nung maid namin.

"Welcome back, Sir." bati nung maid

"Bumalik na rin ba sina mama?" Tanong ko sakanila. 

"Wala pa po si Ma'am, pero si Sir po nasa study room po." 

"Ah sige salamat. Pakidala nalang nyan sa kwarto ko." Pinuntahan ko si papa sa study room nya.

"Hi, Pa. I'm back." Bati ko.

"Kita ko nga." sabi ni papa ng di natingin sakin. Busy sya sa laptop kung ano man ginagawa niya.

"Ay pa, nagtext sakin si Ma. Sabi may sasabihin ka raw?"


Naalala ko kasi nagtext pala sakin si papa bago kami umalis ng Penny.

"Oo nga pala! Teka." Tumayo sya tapos may kinuha dun sa isang shelf.

"Oh eto." Inabot nya sakin yung isang pirasong papel tapos keys.

"#27 Block4 South Hills." Binasa ko yung nakasulat dun sa papel.

"Dyan kayo titira ni Ishnelle." Simpleng sabi nya.

"What!? Titira kami sa isang bahay?"

Di ako tutol ha seems like pabor nga sakin pero bakit? *smirk* Under age pa kami pero pagbubukurin na kami agad. 

"You should learn how to be independent. Saka nasa kasunduan namin ito. Kami na mismo ang bumili ng bahay at lupa na iyan sa pangalan nyo ng asawa mo ngayon."

"Pa, para namang ang tanda ko na. Wag mo ng sabihing asawa ko. Pwede namang ni Ishnelle eh."

"Fine. Tapos itong keys, hindi yan sa kotse. Under age ka pa. Sa bahay yan. Tapos si Nanay Louisa ang makakasama nyo para bantayan at mag alaga sainyo. Tiga luto at kung ano ano dahil hindi naman kayo marunong. Pero dapat mag aral din kayo ha?"

"Eh kelan kami lilipat?"

"Kayo bahala. Baka nga gusto mo ngayon na eh. At isa pa. Dahil nag request si Faith, magkakaron kayo ng driver. Ayaw daw kasi pagurin si Ish. Tutal di pa naman kayo pwede magmaneho."

"Ahh sige ok lang. Wait, malalaman ba ng iba na mag asawa na kami?"

"It's up sainyong dalawa. Kayo na magdesisyon. Pero ang napag usapan ay napag usapan. Malinaw ba yun Jahaziel?"

Jahaziel daw. Seryoso si papa. Inaano ko ba siya? Wala naman nga akong reklamo eh.

"Opo pa. Maaasahan nyo ko. Kahit alam kong masarap ako, titiisin ko."

"Gago kang bata ka!" Sabay bato nung crample paper sakin.

Kinuha ko na yung papel at keys tapos nag ayos ng gamit.

Oyeah living with my Ishnelle baby!

Anla! Pano ang allowance namin? Ang pera na gagastusin!? Naman eh!

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now