02

8.2K 141 0
                                    

Ishnelle's POV

Nakakaasar! Bakit yun pa ang naging anak nina Tita Jamie!? Of all people?! Napakamalas ko naman yata.

That Pervert!

"Arghh! I hate that guy." dabog ko habang nasa kitchen.

"Oh bakit Ish? Nag aalburuto ka dyan." nagtatakang tanong sakin ni mama. Naghahanda sya ng food para sa mga bisita namin. Wala namang okasyon pero may pagbisita.

"Kasi naman ma! Yung pervert na yun yung anak nina Tita jamie! What a luck!" I said sarcastically.

"Huh? Pervert? Bakit?" takang taka naman si mama.

Eh dahil close kami, shinare ko na sakanya. Para naman mabawasan tong inis ko ngayon.

"Kasi ma, habang nag aano ako sumilip sya sa bathroom!"

"Huh? Anong nag aano?" gulong gulo na ata si mama

"Basta yung nag aano ma. Yung sa CR."

"Huh? Sabihin mo na kasi Ish. Pabitin eh."

"Habang nagpo-poop ako!!"

"Ahh yun lang... Ano!? Nagtatae ka!? What a shame anak! Hahahahahahahahahahaha!" tawa ni mama

"Grabe ma! Kinseng tawa pa ma. -_- " sarcastic kong sabi

"Ah sorry naman anak. Nakakatawa lang kasi. Sure ka bang sinisilipan ka? Sa lahat naman ng gagawin, yung pag tatae mo pa. Baka naman aksidente lang."

"Oo ma! Sure kasi binubuksan nya yung CR sa Mcdo tapos sumilip sya. Argh nakakahiya kaya nakakainis." sabi ko

"Bata pa kayo nun diba?"

"Ma naman! Fresh na fresh pa yun. It was just last year? Mag tatapos na kami ng highschool ngayon tapos freshman college na. Tandang tanda ko pa yun ma." pag dadrama ko sakanya.

Nakakahiya talaga yun tapos feeling ko mabaho pa yung poop ko non kasi sira yung tyan ko non. Hays.

"Hahaha nakakatawa naman ang encounter nyo anak. Kaibiganin mo nalang. Baka aksidente lang naman yun. Be friends with him ok?"

"Ayoko, ma." matigas kong sabi.

"Isa Ish! Be friends ha?" Nagseryoso na ang mukha ni mama. Kung kanina patawa tawa lang sya, ngayon seryoso na talaga. Grabe, ang moody ni mama.

Nako here goes mom's Isa. Kapag sinabi nya yan, you should do what she said. Kundi run for your lives!

"Yeah, whatever." sabi ko at nagpunta na sa dinning area kasi tinawag na rin ako.

Kumain na kami, nang labag sa loob ko. Kasama yung Jaye na yun tapos sina Tita Jamie at Tito Janus. Katapat ko si Jaye at pangisi-ngisi pa sya. Annoying talaga.

"Magkakilala na pala ang mga anak natin mare."

Ma! Ano ba yan si mama. Baka ilaglag ako.

"Yes po."

"NO!"

Sabay naming sabi. Epal talaga nitong lalaking to. Pa-yes yes pa sya dyan e I don't know him naman talaga eh.

"Ano ba talaga?" Sabi ni Tito Janus.

"Magkakilala na yang dalawa. Ito kasing si Ish may bad memory ata kay Jaye." Sabi ni mama habang kumakain. Pinipigilan pa ang tawa. My mom is so mean.

"Mama atin lang yun diba?!" I glared at her para malaman nyang wag nya akong ilaglag.

Sanay na si mama sa matang ko iyan kasi siya rin naman ganyan eh. Like mother, like daughter nga diba.

"Sorry Tita Faith for that. Aksidente lang po yun. Sorry na rin Ish. Past is past." sabi nung pervert na yun tapos nagsmile pa sya. Sus baka fake lang yang smile na yan. Sobrang pretensious

"Ewan ko sayo." sabi ko at inirapan siya.

"Magbati na kayo. Ayii." Omg, I did not expect that from my dad. Sobrang firm nyang tao tapos maga-ayii siya. What is happening on Earth?!

"Friends?" nakangising sabi ni Jaye habang nakaextend pa yung kamay nya. Did he really think na makikipag shake hands ako sakanya?

Tiningnan ko lang yung kamay nya.

"Ish." mariing sabi ni mama.

"Yea yea. friends!" sabi ko ng nakafake smile at inabot ang kamay nya.

I rolled my eyes. "Whatever." mahinang sabi ko.

Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay nya yung tipong madudurog. Tapos nagsmile akong fake ulit.

"Ayan friends na sila. Tara pag usapan na ang kasal." Nagtawanan ang mga parents namin, while I am in shock!

"ANONG KASAL!?!" Napatayo pa ako sa sobrang shock. And this guy is just smirking?!

O___O

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now