03

6.5K 133 3
                                    

Jahaziel's POV


"ANONG KASAL!?!" Nanlaki pa yung mata ni Ish at napatayo pa sa sobrang shock.


Miski ako rin nagtataka kung bakit kami ikakasal. Pero dahil sa sinabi ni mama kanina di na ako masyado nagulat.


"Ma, Pa?" tiningnan ko sila. Gusto ko malaman kung anong kalokohan ba to.


"We'll talk about this later. Kain muna tayo. " sabi ni mama.


"Stop acting like a brat Ishnelle. Take your Seat." matigas na sabi ng papa nya kaya napatigil sya at naupo na lang.


Pumunta kami dun sa salas nila after kumain tapos mag uusap na raw kami about sa kasalang magaganap.



"Nung nasa college palang kami, nagkasundo kaming apat na ang mga anak namin ay magpapakasal pagtuntong nila 16 yrs old na." sabi ni tito Nero saamin.



Puta, 16 yrs old? Pwede ba yun? Okay pa ba sila? Di ko pa nga nalulubos ang pagka binata ko eh.


 

"At dahil ikaw ang naging anak namin baby princess, ikakasal ka kay Jaye. Whether you like it or yes. " sabi ni tita Faith sakanya.



"Ma! That's just the same. Parang wala naman akong choice." sabi ni crush.



"Exactly, anak." sabi ni Tito Nero sakanya.



"At baby boy, sa ayaw at sa gusto nyo rin ay ikakasal kayo sa lalong madaling panahon." sabi sakin ni papa.



Bakit parang nagmamadali sila? Ano bang meron?



"May kontrata na rin kami. Ito oh." may nilabas si mama na papel sa bag nya.

Puta? May pa-kontrata pa silang nalalaman. 




"Ma!! Ayoko dyan! Bahala kayo dyan!" akmang tatayo si Ish pero hinila ng mama't papa nya ang kamay nya.



"Tumigil ka Ish. Hindi ka aalis at tumahimik ka." matigas na sabi ni tito Nero



Feeling ko tuloy ang strict niya. Scary.



"Ikaw Jaye, pabor ka ba?" tanong sakin ni papa.



"Bahala kayo." cold kong sagot sabag kibit balikat.



Para naman hindi nila isipin na may gusto ako kay Ish, kahit meron naman talaga. Papakipot din ako. Baka sabihin nilang gustong gusto ko eh kahit oo naman talaga.



Andyan na si crush, hahanap pa ba ako ng iba? Bago ang encounter namin sa McDo, nakita ko na siya before. Nagandahan talaga ako sakanya kahit may pagka conyo siyang nakakainis sa tenga.


 

"Okay so settled na ito. Last week pa namin ito napaghandaan. So ayos na ang lahat. Kayong dalawa nalang." sabi ng mama ni crush.



Kinuha ni Ish yung papel tapos binasa.



"We, Faith and Nero Israel & Jamie and Janus Azcarraga agreed that our future son and daughter will get married when they reach the age of 16.



Agreed on January 8, 1999."



"Aish! Ano ba tong kalokohan nyo, ma? Ang baduy naman. Ke tanda tanda nyo na nagawa pa kayo ng ganto? Wala ba kaming freedom magmahal ng kung sinong gusto namin? " sabi ni ish.



"Hoy bata ka! Bagets pa rin kami kahit dati pa no. Forever young!" sabi ni Tita Faith nang tumatawa. 



Hahaha oo nga di halata na matanda na sila kahit nasa late 30's at mid 40's na sila. Maagang nag sipag ang mga ito ha.



"Bukas na bukas din lilipad tayo papuntang Pennsylvania para dun kayo ikakasal." Sabi ni Tito Nero.



Yan na yung last na narinig ko sakanila bago kami umuwi. Wala na akong pinapakinggan sa mga sinasabi nila. Sabi na basta dun daw pwede magpakasal ng 16 yrs old pa. At marami pang iba.



Nakatingin lang kasi ako kay Ish. Sobrang ganda nya. Taena, hulog na hulog na yata ako?



Kalma Jaye. Baka maging bato pa.

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now