11

4.1K 91 2
                                    

Ishnelle's POV

Garahe palang astig na. Automatic yung garahe, may pinipindot lang. Tapos may sarili ding carwash sa loob. Tipid to. Di na kailangang mag pa Car Wash sa ibang lugar.

Pagpasok mo sa bahay, a big WOW *Q* Lalo akong nagdrool. Ang ganda at laki nung chandelier sa kisame tapos parang diamond pa sya. Parang lang naman. Ang lawak ng salas. Ang lambot din nung sofa.

"Ya ya ya!" Para akong batang nagtatatalon sa sofa.

"Masisira yung sofa sa bigat mo eh." Asar naman to si Jaz. Oo Jaz na tawag ko sakanya. Dahil nga sa madulas kong bibig kung ano anong sinasabi. Tsaka galing rin yun sa name nyang Jahaziel.

"Che!" Epal talaga to forever.

Sosyalin ah. Plasma TV. Kitchen naman ang next destination ko.

"Ang gara! Lupet." yan lang ang nasabi ko. Sobrang hightech. Hindi kasi ganito sa bahay so manghang mangha talaga ako. Two-storey lang yung bahay namin pero alam mong pangmayaman. Pero itong bahay na to, parang pinaghandaan talaga nina Mama. Ang galing ng technology.

Automatic yung stove at kitchen appliances. Ma-aalien ata ako nito kapag ako yung gumamit. Sabagay di nga ako marunong maluto eh.

Kompletos rekados na rin. May plato, kutsara tinidor, mangkok at kung ano ano pa na makikita mo sa kusina.

Ref! oha oha

Ten tenenen!!! My favorite part of the kitchen. 

"Pagkain na naman tsk."

"Ano ba. Maglibot ka rin lang!" Inis na sabi ko kay Jaz. Kung nasaan ako eh andun din.

Pagbukas ko ng ref, omg cookies *-* favorite ko to! Kumuha ako ng isa para tikman.

Sarap!

Ang laki rin ng powder room sa first floor. Baka di na kami magkakitaan dito ni Jaz sa sobrang laki ng bahay. Umakyat na ako sa second floor. 


So ang hirap mag isa isa. Sa first floor andun yung salas, kitchen at dining area, at powder room. Sa labas naman andun yung garahe, may garden din na pagka laki laki. Meron ding kubo kubo sa rooftop, siguro pag gusto mo mag chill dun ka nalang.

Sa second floor naman andun yung mga kwarto. May limang kwarto dun. Isa sakin at isa para kay Jaz. Good thing magkahiwalay kami. Tapos may isang room na pambata. Ang advance naman nila. 16 palang kami tapos anak agad?! Meron ding guest room. Tapos kwarto pang isa. Di ko alam kung para kanino.

Sa third floor naman nahahati sa tatlo. Ang sosyal. May maliit na pool yung tama lang para sa adult. Tapos may Movie Area pa. Isang kwarto sya. Sa loob nun, may ref. Ang gara ah. Tapos yung last part is rooftop. Dun sa rooftop may chairs and tables din.

"Ang gara, Jaz!!" Sigaw ko. Nakakatuwa lang kasi na our parents put an effort to buy us a nice house. 

"Oo nga, astig. Nakita mo na yung kwarto mo?" Tanong niya sakin.

"Ah di pa eh. Teka puntahan ko lang."

Dali dali naman akong pumasok. Oha oha nice. Black and white na motif. Ang ganda. Fave ko yun eh. Tapos sa walls may mga nakaframe na pictures ko. May walk in closet din. Basta maganda sya.

Ang lambot pa ng kama.

"Ish? Yung mga maleta nasa baba na."

"Ah sige teka."

Kinuha na namin yung gamit at nag ayos na.

Wala na kaming ibang ginawa kundi mag ayos ng gamit, at maglibot.

Andito kami ni Jaz sa rooftop. Hanep talaga tong bahay na to. Merong pwedeng higaan yung rooftop. Astig.

"Gusto ko yung kwarto ko ang ganda. Share ko lang." Nagsshare lang ako. Bakit kupalin na naman ako.

"Ah ako rin. Alam talaga nila yung gusto natin." 

"Di ko pa nakikita kwarto mo." Curious lang ako.

Ano kayang itsura nun?

"Next time, babe. Pero ang galing nila, mas magara pa tong bahay natin kesa sa mga bahay nila."

"Babe?!" Tinawanan niya lang ako.

"Pero oo nga eh. Ang hihigh tech. Mama-mangyan pa yata ako eh." Biro ko sakanya.

"Ay oo nga pala. May kasama daw tayo dito. Si Nanay Louisa. Medyo may katandaan na pero mabait naman. "

"Ahh ok yan. Di kasi ako maalam magluto."

"Magpa turo ka kaya. Para naman sariling luto mo na yung kakainin mo."

"Sinasabi mo bang matakaw ako?" 

"Wala akong sinasabi. Pano pala allowance natin?"

"Sabi sakin Papa, aactivate daw ATM ko. Sa pasukan 5000 per month tapos ngayong summer 3000 lang daw. Ikaw?"

"Di ko alam dun. Magbibigay naman ata yun. Eh yung motor mo?"

"Ah yun. Grade 6 palang ako nasakin na yun. She's Abe. If you're asking if how come, pinayagan ako ni papa. Oh no pala. Pinilit ko pala sya." Tawa kong sabi.

"San ka natuto magmotor?" I am happy na hindi niya ako kinukupal at nag kkwentuhan lang kami like friends.

Friends?! Sure ka dyan, girl?

"Sa childhood friend ko. Basta long story. Tara kain na tayo. I'm hungry." Nakakapagod magkwento eh. Mahabang salaysayin pa yun.

"Gutom na naman." Sabi niya sakin at tinawanan ako.

---

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now