30

3.2K 67 0
                                    

Ishnelle's POV

Agad akong dumapa sa kama ko pagkarating ko ng bahay. Di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Una, nagagalit ako kasi magkasama sila. Pangalawa, naiinis ako kasi di man lang sya nagnag paalam. Pangatlo, ang babaeng kasama nya ay ang babaeng muntik na akong patayin. At ang panghuli, di ko alam. Di ko maipaliwanag. Magulo. May iba akong nararamdaman pero di ko alam.

3 years ago, ayaw ko sakanya. Napaka manyak at nakakainis. Pero habang tumatagal lalo konh napag iisip isip na mabait sya, sobra. Nawala yung "ayaw" kong tinatawag sakanya. Pero napaltan na kaya to ng gusto? Hindi. Hindi pwede. Naguguluhan na ako!

Bumbaba ako para maghapunan. Nakita ko siyang kadarating lang. Di ko sya pinansin at nilagpasan lang. Kumain na ako at dali daling inubos ang pagkain ko. Wala na akong balak pang makipag usap sakanya.

"Bakit di mo ko kinakausap?" tanong nya nung tumayo ako

"Ewan." Lumabas ako sa garden para magpahangin.

"Ano bang problema mo Ish?" sumunod pala sya

"Di ko alam." ako

"Anong di mo alam? Umayos ka nga." Hinila nya ko malapit sakanya

"Pake mo ba? Bakit nagkaroon ka ba ng paki nung di ka pumasok sa klase at ang malala pa dun kasama mo ang babaeng lumason sakin!?" Medyo tumaas na ang boses ko pero nararamdaman ko ng pipiyok ako. Pilit kong pigilan para di ako maiyak.

"P-pano mo nalaman?"

"Marami akong sources Jahaziel! Marami tayong kaibigan at maraming nakakaalam na asawa mo na ako at maraming nakakita ng pangyayareng iyon!" ako

Nararamdaman kong may tumulong luha sa mata ko. Kaya pinahid ko ito ng mga kamay ko.

"It's not what you think. Nag usap lang kami."

"Galit na galit ka sakanya dahil sa ginawa nya tapos ngayon kinausap mo na sya. So kamusta naman yun?" ako

"Sinabi nya lang sakin kung ano ba talaga ang kwento sa likod ng mga pangyayari na iyon. Ang kitid ng utak mo." sya

Wow. Another first time. Unang beses nya akong pinagsabihan ng ganon, na makitid ang utak ko. Kahit alam kong di ako kasing talino ng inaakala nya, hindi nya ako sinabihan ng ganon sa tanang buhay ko. Ngayon palang.

"Salamat ha? Oh di ako na makitid. Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko!"

Hindi ko na mapigilan ang bibig ko. May sarili na yatang utak ito.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Nag usap lang kami!"

"Hindi ka man lang nag paalam o nagsabi. Nag cutting ka pa!"

"Bakit ako magpapaalam? Hawak mo ba ang buhay ko?" Hindi ganito ang Jahaziel na kilala ko

"Anong silbi pa ng pagiging asawa mo kung ganto lang naman pala ako sayo?" Ewan ko ba kung bakit ko iyon nasabi

Natahimik kaming dalawa.

"Silbi? Ako nga lang yata ang nagmamahal saating dalawa! Tatlong taon. Tatlong taon na kitang minamahal! Wala akong inaasahang kapalit dahil hindi ko inisip na mamahalin mo rin ako! At ngayon iyan pa ang isinusumbat mo sakin?!"

Natulala ako sa sinabi nya. M-mahal nya ako? Ughh lalo na kong naguguluhan. Minsan nangfflirt kaya siya sa ibang babae.

"Ang manhid mo! Inaalam mo sana muna ang nangyari bago ka magkakaganyan!"

Papasok na si Jaz sa bahay. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko na alam.

"Nagseselos ako!! Kaya ako nagkakaganto."


---

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now