10

3.9K 86 0
                                    

Jahaziel's POV

Andito na ko sa tapat ng bahay nina Ish para sunduin siya.

*ding dong*

May babaeng parang nasa mid 20's ang nagbukas ng pinto sakin. Para siya si Ish pero mas malala. Grabe yung pagka-conyo niya. Sakit sa tenga.

Panay pa nga ang tingin sakin. Pinagpapantasyahan pa yata ako nito. Sino ba kasi to?

"Si Ish po?" Tanong ko sakanya.

"Are you the hubby ba?" Tumango lang ako. Bigla siyang sumigaw.

"Ish! Your hubby is here na!"

"Pasok ka na. I'm her tita Amanda." Sabi niya sakin.

Pinapasok niya na ako kasi kumakain raw si Ish.


"Kaya nataba, kain ng kain." Bungad ko sakanya. No, dapat lang kumain siya ng marami kasi ang payat niya.

"Paki mo ba? Ang sarap kaya kumain. Ta'mo oh." Nilamutak nya na naman yung pancake nya.

"Nasabi na ba sayo?" 

"Oo na. Alam mo na ba kung san yung bahay?" 

"Ah hindi pa. Sabay nalang tayo. Teka lang."

Pinakuha ko dun sa driver yung gamit ni Ish. Ang dami dami naman ng gamit nito. Well ok lang naman. Since na lilipat na talaga sya ng bahay. Wala naman kasi siyang makakasama rito bukod don sa Tita niya at para masanay na rin daw kami.

"Buong kwarto mo na ba yung dala mo?"

"Hindi pa. Wala pa nga yung mga frames and bears ko. Hahabol ko nalang." sabi nya

"Ahh. Sige." Buong bahay pa yata ang balak niyang dalhin. Parang bata pa talaga sya. Pati mga stuffed toys ay dadalhin pa.

"Hey, I'm here pa oh. Hindi nyo me pinapansin guys." sabi nung tita niya.

"Ahh tita, he's Jaye. Yung asawa ko." pakilala sakin ni Ish sabay inom nung juice nya. Wow! Asawa. Kakilig naman.

"Ooh you're so gwapo. Ayi love mo ba si bebe Ishnelle ko?"

"Ahhh ehh.." ano bang dapat sabihin ko?

"Tita!" Sigaw ni Ish.

"Hehehe Sorry poooo! *bow* so you go go go na. I'm going to bantay this house. Goodbyeee."

Pinagtutulakan nya na kaming dalawa ni Ish palabas ng bahay -_- 

"Pagpasensyahan mo na yung tita Amanda ko ha? Ganun talaga yun." 

Pumasok na kami ng kotse.

"Ay teka wait!" Nagulat naman ako. Bigla bigla nalang kasi.

Lumabas sya agad tapos may kinuha sa bahay nila.

"Mauna na kayo. Susunod ako. Dadalhin ko kasi si Abe."

Huh? Sinong Abe? Tatanungin ko pa sana nung nawala na sya.

"Kuya Ed dito po tayo." Abot ko mun papel dun sa driver. Siya na magiging driver namin.

"Sige po, Sir."

Paglingon ko nakita ko si Ish sakay ng motor na costumize. Eh? Under age kaya sya. Ang gara ng motor ah. May nakalagay pa na 'Ish' sa unahan.

16 palang sya pero marunong ng mag motor. Major Turn On :") 

Di naman ako marunong mag motor, marunong naman ako magdrive kotse. Oh diba diba?

Dalawang village lang ang dadaanan galing sa bahay nina Ish bago makapunta sa bahay namin.

Nakasunod lang samin si Ish. Wala syang helmet. Lagot to kapag nahuli sya. Mas lagot kung tatanga tanga siya at maaksidente. Wag naman sana.

Tumigil na yung kotse.

"Andito na po tayo, sir."



Ishnelle's POV

Tumigil yung kotse ni Jaye sa isang malaking bahay kaya tumigil na rin ako. Dito na ata yun.


*Q*

DROOLS!!

Ang ganda nung bahay. Eto ba yung bahay namin? Parang pang dalawang pamilya yung pwedeng tumira dito eh. Dadalawa lang naman kami.

"Jaz, ang ganda *Q*" Sabi ko kay Jaye

Hindi na Jaye ang natawag ko. Jaz na. Hahaha ok na yun. New nickname nya. 

"Jaz? Oo nga. Atin ba talaga to?" Manghang mangha rin sya. Nakatingala kami kasi naman three story building po meaning tatlong palapag yung bahay.

Pumasok na kami. Excited na ko makita yung loob.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko.


"Anong Jaz?" Curious na tanong niya sakin.


"New petname mo. Cute diba?" Pumasok na ako sa loob to save myself from embarassment. Bigla na lang lumabas yun sa bibig ko. 


---

Married to a Pervert (Completed)Where stories live. Discover now