17

3.6K 76 0
                                    

Ishnelle's POV

Nasa rooftop kami ngayon. Tambay daw muna kami. Iyak kasi ako ng iyak kanina.

"Ay Jaz nagamit ko na yung mga materials ko dun sa sumabog. Meron ka pa ba?" tanong ko

Sympre di ko na yun magagawa ng walang materials.

"Ah eh. Wala na rin nga ako. Bili na lang tayo." sabi nya

"Sige. Si Abe nalang gamitin natin ha?" suggest ko para mas mabilis kami

"Ikaw bahala. Sa Festival Mall nalang tayo bumili." Sabi niya sakin at nagpaalam na kay Nay Louisa. Hinanda ko na rin yung motor at helmet. Malapit lang naman yung mall dito. 

"Oh helmet." Abot ko sakanya. Medyo nag aalangan pa siyang kunin yon. "Kumapit ka baka maiwan kaluluwa mo." 

Pinaandar ko na yung motor nang mabilis. Naramdaman kong yumakap siya sa bewang ko dahil kung hindi, mahuhulog talaga siya. Halos paliparin ko na yung motor eh. 

"Waahhhhh dahan dahan naman Ish!!" Sigaw ni Jaz na hinigpitan pa yung kapit sa bewang ko. 

Lalo ko tuloy binilisan para maasar siya. Payback time.

Nakarating na kami sa parking lot ng Festival pero hindi pa siya bumababa ng motor. Nafrozen yata yung body niya. Tinawanan ko lang siya. 

"Ang bakla mo naman. Mahina pa nga yun eh." Sabi ko. 

"Muntik mo na kong pataying babaeng ka!" Sabi ni Jaz habang bumababa na sa motor ko.

Pumasok na kami tapos nagpunta ng Ace Hardware.

"Ano pa bang kailangan?" ako

"Ah meron ng bulb, electrical wires, batt, electrical tape." Jaz

"Ah yung pamplug?" ako

"Oo nga pala. Teka." Jaz

Ayan tapos na kami bumili.

"Uwi na ba tayo?" Jaz

"Ayoko pa. Tara quantum." Alok ko sakanya.

Minsan nalang ako mapag Quantum eh. Di na raw kasi ako bata. Dala dala nya yung binili namin habang sya naman hila hila ko.

Binigyan niya akong 20 tokens tapos naglaro kami doon sa basketball.

"Oh padamihan tayo ha?" Panghahamon ko sakanya. 

"Pag nanalo ako, kiss mo ko." Nagpout pa talaga siya!

"Heh! Di ka mananalo sakin. Kapag ako ang nanalo, ikaw gagawa ng project ko." Panghahamon ko ulit sakanya.

Maalam naman ako ng basketball. Natatalo ko nga si papa nung highschool ako kapag naglalaro kami. Shoot lang ako ng shoot kahit may di pumapasok na iba.

Yung score nya 50 na ako 45 palang. Hala baka matalo ako. Kiss pa yun. No way Highway!

Last one minute na.

"Pano ba yan? Talo ka. Kiss mo na ko."

Nakakainis! Natalo ako ng one point! 69 sya 68 ako. Argh ang daya!

"Ayoko nga!" Reklamo ko at nagpunta na sa ibang games. 

"Oy, ang usapan ay usapan." Seryoso nyang sabi.

"Ehhhhh manyak ka talaga!" Dabog ko sakanya.

"Kiss lang manyak na? Asawa naman kita diba? Kaya dali na." Jaz na nakanguso na

"Pikit ka" Sabi ko.

"Yan ang gusto ko sayo. Oh." Tapos pumikit nga sya. Ang cute nya kapag nakapikit. omg nasabi ko ba yun? Lol.

Tumingin pa ako sa kaliwa at kanan baka kasi may makakita. Kiniss ko siya sa cheeks. Pero nagulat ako ng ikiss back niya ako sa lips. Nagpanik ako bigla at tumakbo palayo sakanya. Andito na ako sa games na boxing. Naglagay ako ng token tapos lumabas yung pangit na nilalang kaya sinuntok ko sya. May gloves naman.

"Ang lakas mo pala sumuntok Honey." Nagulat ako kasi nagback hug siya sakin. Shemay!

"Argh! Bitaw nga Jaz ikaw ang susuntukin ko dyan." Hinarap ko sakanya yung kamao ko na may malaking gloves.

"Sorry na honey." Sabay taas nung dalawa nyang kamay.

Nagpatuloy lang ako sa paglalaro. Tapos hinila nya ako papalabas ng quantum.

"Ano ba. Naglalaro pa ako eh!" Reklamo ko sakanya nang nakacross arms.

"Gutom na ko. Tara kain tayo." Alok niya sakin habang naglalakad. 

"Sige. Gutom na rin ako eh." Nagtingin tingin ako ng mga kainan. Andami kasing choices eh.

"Basta pagkain game na game." Bulong ni Jaz pero narinig ko naman!

"Rinig ko yun ah!" 

Dinala nya ko sa Mang Inasal.

"Oh ayan, unli rice yan. Baka kasi kulangin ka." Sabi niya sakin at nagpunta na sa cashier para mag order. 

Inaasar na naman ako >_< pero totoo nga kukulangin ako nito.

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa magburp ako. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. 

"Ang baboy mo Ish!"

"Sorry poo busog lang ^_^v" nagpeace sign pa ako.

Hm? Desert kaya?

Pumunta ako sa counter at bumili ng halo halo nila. Sulit na rin kasi madami tapos ang sarap pa. Dalawa binili ko para na rin sakanya. 

"Oh." Nakasmile pa ako nung inabot ko sakanya. Bakit good mood ako ngayon? Naalala ko na naman tuloy yung kiss. Para akong bata. Napailing na lang ako. 

"Thanks Ish." Ngumiti rin siya sakin. 


---

Married to a Pervert (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon