Chasing Twenty Nine

21K 517 17
                                    

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Naglalabasan na ang mga tao ng pumasok sila sa loob ng simbahan. Napakapit si Mandie sa braso ni Xandrei ng isa isang naglabasan ang mga tao habang nakasunod sa kabaong na buhat buhat ng mga kalalakihan. Nag iiyakan ang mga kaanak ng namatay at pati siya ay tila nasasaktan din sa sakit na nababasa niya sa bawat mga matang lumuluhang nakikita niya.

"A-Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya kay Xandrei ng pumasok sila sa loob ng simbahan.

Tumutugtog pa rin ang musika ng pangpatay habang naglalakad sila papalapit sa altar. Nagkalat pa rin ang mga puting bulaklak. "Xandrei, What are we doing here?" Tanong niyang muli.

But instead, he leave her in front of the altar. "Just wait here. May kakausapin lang ako." Binitiwan nito ang kamay niya kahit ayaw pa niya. Umalis ito sa harapan niya at pumunta sa kung saan.

Kanina ng sabihin nito na may pupuntahan sila ay hindi niya alam na dito sila sa simbahan pupunta. Pagbaba nila ng kotse kanina ay may itinanong agad ito sa kanya.

"Do you still remember this place?" Tanong ni xandrei habang inaalalayan siya pababa ng sasakyan.

Ngumiti siya. "Dito tayo unang nagsimba noong unang monthsary natin." She said.

Marami silang memories dito sa simbahang ito. Dito sila inabutan ng ulan at walang pagpilian kung di makisilong. Dito sila madalas pumunta kapag gusto nila ng katahimikan. Nilinga niya ang labas ng simbahan. "Dati batuhan pa ito at medyo madamo. Ngayon kongreto na at halatang namimintina na." Puna niya. Ang dati ay papasira nang arko ng simbahan ngayon ay maayos na ang may pintura pa.

"Bumabalik balik pa rin ako dito noon. Saka ang hirap kasi iwan ng lugar na ito. It has so many good and bad memories. Naalala mo? Dito ka nagtago noong nagtampo ka sakin dahil hindi ako nakapanuod ng play mo. Hanap ng hanap sayo sina tita amanda. But I'm glad I knew this place. Para kang ewan na iyak ng iyak habang tulo ang sipon mo"

Hinampas niya ito sa braso. "Ang kapal mo! Hindi kaya natulo ang sipon ko noon."

Tumawa ito. "Tulo kaya. Diba yung kwelyo ng blouse mo noon.. Grabe naninilaw na dahil sa sipon mo!" Na sinabayan pa nito ng halakhak.

Maya-maya'y natanaw niya si Xandrei. May kasama itong pari base sa damit na suot nito. Bigla ay naalala niya ang kasal nila. Excited na siya na maging misis nito. Hindi na siya makapaghintay na makasama ito. "Father, siya po si Mandie. Ang mapapangasawa ko."

Hinawakan ni Xandrei ang kamay niya pagkalapit sa kanya. Agad na nagmano siya sa pari. "Kamusta po kayo?"

"God bless you, hija." Ani nito. Pinagsalikop nito ang mga kamay habang nagpapalipat lipat sa kanilang dalawa ang mga mata. "Malaki ang utang na loob ng parokya ni San Jose sa iyo, Xandrei. Malaki ang naitulong mo para sa simbahan namin. At nang dahil din sayo, may magtatapos na kaming mga sekondarya ngayong darating na taon." Namamanghang tiningala niya ang binata. Umawang ang labi niya.

Hindi niya akalain na may magagawa itong ganito.

"Kapag may sarili na akong pera. Ipapagawa ko itong simbahan. Tutulungan ko silang ipatayo muli ito."

Gusto niyang maluha. Dati plano lang niya iyon. Ngayon tinupad nito. Tinapos nito ang dati ay plano lang niya kaya pala hindi niya agad nakilala ang simbahan. Kaya din pala pamilyar ang nararamdaman niya. "Kaya kung may maiitulong ako sa inyong dalawa ay sabihin niyo lang."

Doon siya tinignan ni Xandrei bago ngumiti sa kanya. Bumaling ito sa pari. "Magpapakasal na po kami. At kayo po sana ang gusto naming magkasal saming dalawa."

Sang ayon siya doon. Gagawin nilang memorable ang kasal nila. "Bweno kung ganoon, malugod kong tinatanggap ang inyong alok na ako ang magkasal sa inyo. Pero kailan niyo ba balak? Nang sa gayon ay maihanda natin itong simbahan para sa pag iisang dibdib niyong dalawa. May napili na ba kayong petsa."

Magsasalita sana siya ng maunahan siya ni Xandrei. "Opo Father."

Ngumiti ang pari. "Mabuti kung ganoon. Maaari ko bang malaman kung kailan?"

Hinigpitan ni Xandrei ang hawak sa kamay niya. "Ngayon po Father. Ngayon po namin bakak magpakasal."

Nalaglag ang panga niya. "Ikasal niyo na po kami ngayon Father."

"X-Xandrei..." Ngunit hindi niya kinakitaan ang pagaalinlangan ang mga mata nito.

"I can't wait for another hours, days, weeks and months to be with you. Gusto na kitang makasama ng habambuhay. Kayo ni Chase. I want to spend my whole life with you. Kaya nang sabihin kong papakasalan kita ano mang oras. I mean it. And Marrying you right now, is my greatest dream."

Napipi siya. Kanina lang ay may patay na minimisahan dito. Ngayon naman ay magmimisa ang pari para sa pag iisang dibdib nila. Ito yata ang tinatawag nilang, rush wedding.






To be continued...







------

Due to my tinatamad days. Napatambay na naman ako sa YouTube every vacant time ko. I am a avid viewer of Wild Flower. Super astig nun at ganda. Dahil sa Tight working schedule ko. Sa iwantv ko nalang siya napapanuod ng buo. Tapos itong, ika-anim na utos ay naiinvade parin ang Feed ko. Hihihi.. Kaya may napansin ako..

Ito palang si Rome(Gabby Conception) ay nagka-amnesia.. Parang si Arnaldo Ardiente(RK bagatsing). Natatawa ako.. Si Arnaldo nagkaamnesia after mabaril sa ulo. Si rome nagkaamnesia after mabagok ng ulo.. Nakakatawa lang.. Nauna pang makaalala si Arnaldo kahit naging critical un kondisyon niya at least paunti unti may flashback na sa kanya.. 'lanya si Rome nakita na lahat lahat si Emma pero wala pa ring maalala samantalang nabagok lang naman. Hihihi(please wag niyo po akong ibash.. Opinion lang po. Hihihi) I natatawa talaga ako.. Mas makatotohanan pa ang amnesia ni Arnaldo kaysa kay Rome.. Jusko!

Happy reading.
Ai:)

Chasing your LoveWhere stories live. Discover now