Chasing One

32.8K 605 60
                                    

"Sandali!"

Napako ang mga paa ni Mandie nang marinig niya ang tinig ni Xandrei. Kinagat niya ang pang ibabang labi bago dahan dahang humarap. Pilit niyang kinontrol ang sarili na wag umiyak. Hindi ang pag iyak niya ang dapat makita nito. There's no reason to cry.

Karga pa rin nito si Chandra. Siya naman ay medyo na ngangalay na sa pagkakakarga niya kay Chase. "Sa anak mo yata ito." Sabay abot nito sa pares ng Captain America slippers. Niyuko niya ang paa ni Chase. Nahulog siguro sa paa nito.

Tinanggap niya iyon. "S-Salamat." Hindi niya gustong tagalan pa ang pag oobserba dito. Iba na ang Xandrei na nakikita niya. Wala na ang dating Xandrei na nakilala niya noon. Nakasama at Minahal. Minahal? Gusto niyang uyamin ang sarili. Kung mahal niya bakit niya sinaktan? Kung mahal niya bakit niya iniwan? Because that's the right thing to do.

Tumalikod na sila at inakay si Alas palabas ng lobby. Babalik nalang sila sa silid nila. Nasa kabilang building iyon. "Bye tita Mandie." Nagkunwaring di niya narinig si Chandra.

Masakit pala. Masakit na makitang nagbunga na ang pagtataboy na ginawa niya. Na nagbunga na ang lahat ng maling sakripisyong ginawa niya. "A-Ate.. Umiiyak ka ba?" Narinig niya si Alas. Nakatingala ito sa kanya. "Sorry kung sinabi ko kay Chase na wala na siyang daddy. Diba patay naman na si kuya Alec, yun kasi ang sabi ni Kuya sakin. Hindi ko naman iniinggit si Chase kasi may daddy pa ako."

Tumingala siya. You have no idea, brother. I wish you're old enough so I could tell you the whole story. "Forget about it, Alas. Ayokong mauulit 'yon."

"Okay." Sinama na niya ito. Pagbalik sa suite nila ay hinayaan niyang matulog ang dalawang bata. Agad siyang pumasok sa loob ng banyo at tumapat sa ilalim ng shower.

If she could only erase all the pain and heartache that she'd been through, gagawin niya. Dahil sa lahat ng bagay na gusto niyang maranasan ay yung mamanhid na. Because, she knew she wouldn't feel anything kung manhid na siya.

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang maglandas ang mga luha niya.

Pagkasara ng pintuan ng silid nila ni Alec ay dumeretso siya sa kusina. Kailangan niya ng mainit na tsaa. Week after they arrived here in LA ay dito na nila naisip na mamirmihan. Last week ikinasal sila ni Alec. It's a civil wedding. At sa mismong loob pa ng hospital suite nito. Stage four cancer ang tumama kay Alec. He just found out about his illness recently. Na pilit nitong itinago sa kanya. Hindi niya napansin ang mga bagay na 'yon and when he told her na may seminar ito sa Guam. He was lied to her. Dito sa LA totoong pumunta ang asawa niya. He was still hoping that the doctors here will give him a remedy.

Napahawak siya sa impis niyang tiyan. She's two weeks pregnant. Nagbunga ang isang gabing pagpapaubaya niya kay Xandrei. May dahilan na para lumaban siya sa buhay wag sumuko. Bitbit ang tsaa na nasa tasa ay lumabas siya ng bahay. Umupo siya sa garden chair at tiningala ang kalangitan. Hindi na niya naaabutan ang sunset.

Nasa ganoon siyang ayos ng may anino buhat sa mga halaman ang lumabas. "Who are you?" Bahagya siyang kinabahan. Hindi niya alam kung masamang tao ba yon o ano.

Lumabas ito sa mga halaman. Bahagya siyang naglakad paplapit. Nakahood ito at itim na kamiseta. Ang kamay nito ay nakasuot sa loob ng itim na jacket. Akma siyang tatakbo ng hawakn nito ang kamay niya. "Hel---."

"It's me."

Nanlaki ang mga mata niya. Nakapatong sa bibig niya ang kamay nito. Inalis nito ang hood sa ulo at doon niya ito nakilala ng husto. "Xandrei!"

Niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

Hinawakan nito ang braso niya. "Sinusundo na kita. Babalik na tayo sa isla. Doon na tayo titira.. Iwan na natin sila Mandie. Bumuo tayo doon ng pamilya."

Gusto niyang mapangiti. Sobrag saya niya nahanggang ditonay hinanap siya nito. Pero hindi na pwede ang imahinasyon nila. "M-May asawa na 'ko." A pain that she doesn't have to see was written through his dark eyes.

Mapait itong tumawa bago niyuko ang daliri niyang nasusuutan ng singsing. Bago tumingin sa mga mata niya. "Bakit siya?"

Hindi niya alam ang isasagot. "Kailangan ako ni Alec. Higit sa ano pa man kailangan niya ako ngayon. Sana maintidihan mo."

"Puta! Hindi ko maintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit nagpapakatanga ako sayo! Kung bakit habol ako ng habol sayo! Kung bakit pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na kaya mo akong ipaglaban." Napapikit siya sa biglaang pagsigaw nito. Tumulo ang mga luha niya. Alam niyang mangyayari ito sa oras na magkita sila. Pero nangyari na. "Ang sabi mo mahal mo ako. Ang sabi mo hindi mo na ako iiwan. Pero bakit nagpakasal ka pa rin sa kanya?"

Nakita niya ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha nito. If she could undo everything. Babalik siya sa oras kung saan una siyang nagkamali ng desisyon at doon siya maguumpisang muli. Pero kung babalikan niya iyon.. May mas masasaktan na. "K-Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita. Buuin mo ang mga pangarap mo kahit hindi mo ako kasama. May b-babae pa ring matatagpuan mo na higit pa kaysa sakin." para siyang lumalagok ng asido dahil sa nga sinabi niya

"Pero ikaw ang pangarap ko."

Binawi niya ang palad niya. "Kapag pinakawalan mo ako ngayon. Hinding hindi na ako hahabol sayo. Wala nang Xandrei na babalik sa buhay mo." at tila patalim iyon na tumarak sa dibdib niya.






To be continued...






-----

For those who are asking my FB name find me here. Aileen De Hitta medyo tamad akong mag accept agad ng FR pero kung may FR kana at di ko pa inaaccept.. PM me.. Dun nagrereply ako. Hihihi

Chasing your LoveWhere stories live. Discover now