Chasing Twenty Five

21.4K 594 52
                                    

Hello to @FebbieAnn23 (I can't find you.) Pero para sayo ito. Salamuch para sa pagsuporta kay Cain. Lab lab lab.. *mwaahh

A/N: Unedited
-----
Chasing Twenty Five

Dinampot ni Xandrei ang hinubad na coat at ang susi ng sasakyan. Nakapatong iyon sa isang concrete counter sa isang maluwag na silid. Kaaalis lang ni Marie. Nalukungkot siya para sa kaibigan niya. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang pulisya tungkol sa pagkawala ni Adrian.

May hinala sila na sadyang kinidnap ang bata. Timatanong naman niya si Marie kung alam nito kung saan posibleng makita ang ama ni Adrian pero mariin nitong sinasabi na hindi nito alam kung saan makikita ang lalaki. Iniwan ito ng boyfriend nito matapos siyang mabuntis. Kung sino mang iresponsableng lalaki 'yon gusto niyang basagin ang mukha at sabihin isa siyang talunang gago.

Pero gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para matulungan si Marie. Ito lang ang kaisa isang taong dumamay sa kanya noong mga panahong akala niya'y tapos na ang buhay niya. Na wala na siyang halaga. Pinawi na niya sa isip iyon. Tapos na ang kabatana na 'yon ng buhay niya.

Pagkadampot sa susi ay bumaling siya sa pinto para magulat lang ng makita Si Mandie doon. "Mandie!"

Namumugto ang mga mata nito at alam niyang galing iyon sa pag iyak. Ang ilong nitong namumula ay ganoon din. Muli niyang ibinaba sa bato ang susing hawak at ang hinubad na coat. Pero hindi pa siya nakakahakbang papalapit dito ng bigla itong tumakbo at niyakap siya. Sandali siyang naestatwa. Sasabihin ba ng lahat na tanga pa rin siya kung aaminin niya na kahit minsan ay hinding hindi ito nawala sa isip niya? Si Mandie ang babaing kahit isang segundo ay hindi niya nakalimutan. Nagagalit marahil ang puso, nagtatampo at naghihinanakit pero aaminin niya. Mahal pa rin niya ito.

Love is selfless. Nakakatanga nga daw sabi ng iba. "I'm sorry..." Then she sobbed. Kusang humaplos sa likod nito ang palad niya. Hindi niya na gustong maramdaman pero unti unting natunaw ang yelong nakabalot sa puso't pagkatao niya unang araw palang ng muli niya itong makita. He never dream anything except for having her in his arms again. "Hindi ko gustong saktan ka. Ayoko. I'm sorry, Xandrei."

Nangilid ang luha niya. Mahal niya si Mandie. Mahal na mahal pero bakit ang nakaraan sa pagitan nila ay pilit paring namamagitan sa pag ibig niya dito? Nanatili itong nakayakap sa kanya. "S-Si Alec... M-Magkaibigan lang kami. Pinakasalan ko siya dahil nakiusap ang Mama niya. Baka kasi sa paraang 'yon ay umasa pa siya na hahaba pa ang buhay niya. H-Hindi ko gustong gawin pero alam kong doon siya magiging masaya." Tumiim ang bagang niya. Kahit sabihin nito an ginawa lang niya iyon para makatulong sa iba. Paano ang nasaktan niya? Kailangan ba bago ka makagawa ng mabuti sa iba ay makasakit ka muna? "A-Akala ko tama amg desisyon ko. Akala ko makakabuti para sa lahat. I'm sorry... Hindi ko rin sinasadyang ilayo si Chase sayo. Bago namatay si Alec, alam na ni Chase na iba ang papa niya. Tinulungan akong magpaliwanag ni Alec sa bata." Umangat ang dalawang kamay niya payakap dito.

Bakit ang dali niyang manlambot at mawalan ng reserbasyon pagdating dito? Saka niya naalala si Alec noon. Hindi sinasadyang nagkita sila sa isang ospital sa LA.

"I'm sorry for stealing her from you. Hindi ko gusto 'yon. The moment you took her the day of our wedding. Alam ko na ang sagot sa lahat. She never loved me. Alam kong ikaw ang mahal niya. Hindi siya sasama sayo kung hindi ikaw ang mahal niya. I'm sorry if she had to marry me instead of running with you. Wag kang magalit sa kanya. I promise, sa susunod na paglubog ng araw, malalaman na niya ang daan pabalik sayo."

He was in the wheelchair that time. Thin and pale. Through the private investigator, he'd discovered about his condition. Pinilit niyang unawain ang lahat. Sa isang banda naisip niya. Baka nga talagang inakala lang ni Mandie na tama ang lahat. Pero nasaktan siya. Umasa siya. Pero ano pa nga ba ang pwede niyang isumbat ngayon? Mandie is here now. Asking for his forgiveness. Asking for a second chance. But then, they have Chase. They have a little man who's eager to have a brand new house designed by his favorite architect.

"You love Mama. So when will you ask her to get married?" Tanong ni Chase habang isinusuot niya dito ang pantulog nito.

"Do you think your mama loves me too?" He asked. Tumango ito.

"Yes Papa, sometimes I saw her crying inside the bathroom and she will call your name. Forgive her Papa. Mama said she made a big mistake that's why you hadn't forgive her."

Patuloy lang si Mandie sa pag iyak. Tumingala siya para mawala ang luha niya. Saka siya huminga ng malalim. Hindi habang panahon ay kikimkimin niya ang sama ng loob sa maling nagawa nito. Dahil sa umpisa palang ay may nagawa din siya dito. Pero napatawad na siya nito. Matatanda na sila, hindi na mahalaga kung kailan at bakit sila nagkamali ang importante na ngayon ay kung paano nila gagawing tama ang lahat. He loved Mandie but he also love their Child. Naging mabuting ina ito sa anak nila at para sa kanya sapat na 'yon para makabawi ito. "Pinapatawad na kita."

Naramdaman niya ang pagkalas nito sa kanya. Agad niyang nasalubong ang luhaan nitong mga mata. "X-Xandrei..."

Pagak siyang natawa. "Tanga ako eh. Tangang tanga sayo na kahit iwan mo ng ilang beses ay heto pa rin. Babalik at babalik sayo."

Umakyat ang palad nito sa mukha niya at hinaplos 'yon. "Patawarin mo ako kung naduwag ako. Sorry dahil sa dami ng kasalanan ko sayo ay----."

"I don't want to hear anything. Just kiss me." Then he leaned down to capture her lips. Pwede pa nilang pag usapan ang lahat ng 'yon sa mga susunod na araw. But now, they will just enjoy the moment while kissing under the sunset.





To be continued...






--------

SpoilingUpdate: Visit Hermosa Señoritas 2: Mhelanie para malaman kung nasaan nga ba si Adrian. Hindi ko na isusurprise kasi alam kong may nakahula na sa inyo ng twist.

Adrian/Sean Medina Jr. Will be the hero in my upcoming novel titled, The Two Good Mother's Son.

And abangan ang kwento ni Marie.

Salamuch po.
Ai:)

Chasing your LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu