Chasing Sixteen

18.5K 582 70
                                    

"Manang Pinang mauna na ho kami ni Chase. Antok na antok na po kasi ang bata." Paalam niya kay Aling Pinang habang nagbabalot ito ng pagkain sa kusina. Alas siyete na ng gabi at kanina pa siya kinukulit ni Chase an umuwi na. Huling araw nila dito sa isla bukas. Sa susunod na araw ay babalik na sila ng Maynila.

Inabot nito sa kanya ang puting plastic bag. "Hayan, may binalot akong humba at biko. Gusto yan ni Ser. Ihain mo bukas ng umaga. Natitiyak kong kakainin niya 'yan."

Ngumiti siya. "Salamat po." Sa totoo lang, masarap magluto ng humba si Aling Pinang. Pinag aralan niya nga ang luto na 'yon. She tried to cook it in their house at sinabi mismo ng ama niya na masarap daw iyon.

Kinarga na niya si Chase. "Ang bigat mo na anak." Pero hindi na ito sumagot. Nagsumiksik nalang ito sa leeg niya.

"Antok na antok na kasi." Ani ni Aling Pinang na sinamahan sila sa labas. Nagkakantahan pa sa videoke ang mga bisita ni Mang Nestor. Hinanap ng mga mata niya si Xandrei. Pero wala ito doon. "Baka inihatid ni Ser si Chandra sa Resort. Duty kasi ni Marie ngayon." Sa Resort pala nagtatrabaho si Marie. Negosyong pag aari ni Xandrei. "Hindi makakatulog ang bata na 'yon kung di kasama si Marie. Siya mauna na kayo. Sasabihin ko na lamang kay Ser na umalis na kayo."

Tumango siya. Inihatid sila ng isa sa mga anak ni Manang Pinang. Pagdating sa Rest house ay dinala agad niya si Chase sa silid nila. Inihiga at hinayaan na niyang matulog. Pinalitan lang niya ito ng damit. At dahil di naman siya makatulog agad. Inabala nalang niya ang sarili sa panunuod ng TV. Kompleto na ang lugar. May kuryente, signal at internet. Parang hindi ka nalalayo sa siyudad.

Nagpalipat lipat siyabng channel hanggang sa unti unti ay napapahikab na siya. Pinatay niya ang TV at sinamahan na si Chase sa silid nila. Pasado alas diyes na at pahiga palang siya ng malalakas na kalabugan ang narinig niya mula sa labas. Napabalikwas siya ng bangon. Mabuti't hindi nagising si Chase. Dahan dahan siyang bumaba sa kama at isinuot ang tsinelas sa paa. Siniguro naman niya na hindi magigising si Chase.

Sinuot niya ang cardigan at isiniksik ang sarili doon. Nadampot naman niya ang flashlight sa bukana ng pasilyo paglabas niya. Bukas ang main door ng makarating siya ng salas. Agad na dinagundong ng takot ang dibdib niya. Hindi kaya pinasok sila ng mga magnanakaw? Pero impossible. Walang magnanakaw dito. Disiplinado ang mga tao sa isla kaya impossible. Binuhay niya ang flashlight at tinutukan ang paligid. Pero nagkalat ang gamit sa sahig.

"Oh my God!" Saka lang niya napansin ang malaking pares ng sapatos sa sahig. "X-Xandrei?" Doon niya nakita ang lalaking nakahiga pabalagbag sa upuan. "Jesus!" Nilapitan niya agad ito.

Amoy na amoy niya ang alak dito. Marahil ay bumalik ito sa party ni Mang Nestor. "Halika na ihahatid na kita sa kwarto mo."

Pero sobrang bigat nito at pakiramdam niya ay mababali ang mga buto niya. "Hmmm.. B-Bat umalish kayo agad? Ang hilig hilig mong umalish ng walang paalam." Natigilan siya. "Pagbalik ko don wala na kayo. Shiit. " Hianwakan nalang miay ito sa braso.

"Inaantok na kasi si Chase. Bawal siya mapuyat ng husto." Paliwanag niya. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nito. Lasing ito at hindi niya alam kung maalala pa nito iyon bukas.

Hinawakan na niya ito sa baywang ng maitayo niya. Pero sa gulat niya ay pumulupot sa kanya ang braso nito. Halos mapatid ang hininga niya ng sumiksik ito sa leeg niya. " Isha pang layash mo ng walang paalam itatali na kita sa baywang ko." Namilog ang mga mata niya. Kahit bulol bulol ito magsalita dahil sa kalasingan ay naintindihan niya 'yon.

Bahagya siyang gumalaw. Nadadarang siya sa init na nagmumula dito. "A-Ano bang sinasabi mo." Para siyang yelo na unti unting natutunaw dahil sa init na nagmumula dito. Lalo na ng maramdaman niya ang mainit nitong hininga doon.

Idinantay niya ang kamay sa balikat nito pero hidni niya ito maitulak lalo ng ng gumalaw ang dila nito sa balat niya. Oh my Jesus! Nanlaki ang mga mata niya ng tila sumisipsip ito ng kabibe na nakadikit sa balat niya. "X-Xandrei!"

Pero hinawakan lang nito ang batok niya. "Ssshh.. I'm just marking my territory."







To be continued...







------

Yayayay! Ang humba! Sabi na nga ba.hihihihi

Chasing your LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora