Chasing Twenty Three

18.4K 542 70
                                    

"Sandali!"

Muling napaharap si Mandie kay Marie. Nakasuot ito ng maong na pantalon at hakab sa mahahabang biyas nito. Ang pang itaas naman nito ay kulay Mint green na polo shirt at may nakalagay na salitang staff sa gawing may dibdib. Humakbang ito ng kaunti papalapit sa kanya. Ilang pulgada lang ang pagitan nila.

Dumaas sa ilong niya ang halimuyak na nagmumula dito. Mukhang mamahaling pabango. "Nasa itaas si Andrei. Hindi mo ba siya pupuntahan?" Tanong nito.

Hindi agad siya nakasagot. She refrain from calling her Ma'am since she's not her boss. "H-Hindi na. Itetext ko nalang siya. T-Tungkol lang naman sa school napapasukan ni Chase ang sasabihin ko." She don't know why she had to explain. Na pwede namang hindi.

Tumango ito. "Napapasaya ng anak mo si Andrei. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganoon kasaya." Nakangiti ang mga mata nito. "Samantalang dati, parang palaging bulkan yan na sasabog ano mang oras." Tumingala pa ito na parang inaalala ang noon.

Nagkaroon ng bara sa lalamunan niya. Naiinggit siya. Naiinggit siya dahil parang sobrang malapit sila. "N-Naging ka---."

"Iniisip mo bang naging kami?" She frankly asked. Natigilan siya dahil doon. Pilit niyang iniisip kung paano nito nasabi iyon. At kung paano nito nahulaan ang gusto niyang itanong. Gusto niyang malaman ang sagot. Gusto niyang malaman kung may dapat pa ba siyang ipaglaban at habulin. "Malungkot si Andrei. Hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang idinulot ng pang iiwan mo sa kanya. Alam mo bang hindi maayos ang relasyon nilang mag ama?"

Doon siya napatitig dito. Kahit minsan ay hindi niya nalaman na may namamagitang hindi pagkakaunawaan kay Tito Abel at kay Xandrei.  "Gusto ng Daddy niya na ikaw ang makatuluyan niya. Kaya lang, sabi niya may nagawa daw siyang mali sayo nine years ago." Saka niya naalala ang nangyari noon. Kung paano niya ito iniwan habang hindi ito pinakikinggan. "Pagkatapos, ng anim na taon ay nagkita naman kayo ulit. Yun nga daw.. May iba kana. Kaya pinilit niyang bawiin ka. Pero hindi naman siya nagtagumpay. Dahil three years ago, ay iniwan mo siya ulit."

Lumalabo ang mga mata niya. Kita niya ang katotohanan sa lahat ng sinasabi nito. Ang bawat katotohanang sumusugat sa kanya at nagpapadugo ng puso niya. Kita niya sa mga mata nito ang bawat patalim na siyang tumutusok sa kanya at nagpapamulat ng bawat maling nagawa niya. "S-Sinabi niya sayo?" Nakuha lang niyang itanong.

Tumango ito. "Three years ago, umuwi siya sa isla. Hindi naman kami talaga malapit sa isa't isa. Pero ng mga panahon na 'yon naging sandalan namin ang isa't isa. Walang gabi na hindi niya sinasabi kung gaano daw siya kagago at katanga. Pakiramdam niya katapusan na ng buhay niya pero palagi kong sinasabi sa kanya na imbes na tignan niya ang lahat ng maling nangyari sa buhay niya ay tignan niya kung gaani kaganda ang bukas na pwedeng dumating sa kanya. Alam mo bang matagal bago siya bumalik? Para siyang baliw na pinapanuod ka sa malayo. Para siyang nasisiraan ng ulo. Ganoon nga yata talaga ang pag ibig---nakakabaliw. Pero ng makita niyang mukhang masaya kana sa buhay mo. He let go his feelings. Sabi niya pa nga noon, tanga talaga ako. Lahat ng tao may posibolidad na maging baliw at tanga. Sa nakita ko naman sa kanya mukhang nakabangon na siya mula sa paghihirap niya. Mukhang okay na siya."

Mapait siyang ngumiti. "Pero bumalik ako." Tuluyan na siyang napaluha.

"Hindi mahirap mahalin si Andrei. Hindi siya mahirap pakisamahan. Sa punto ng buhay ko noon, si Andrei ang nagbigay ng bagong pag asa sakin. Tinulungan niya akong makatapos ng commerce. Binigyan ng trabaho. Hindi siya mahirap alagaan. Dahil siya pa ang mag aalaga sayo. Siya pa ang pupuno sa lahat ng pagkukulang mo. Lahat ng babae sa mundo ay nanaisin magkaroon ng isang Andrei sa buhay nila. Lalaking ibibigay ang lahat at hindi magtitira para sa sarili niya. Kaya nagtataka ako kung bakit nagawa mo pa rin siyang saktan. Nagtataka ako kung bakit nagawa mo pa rin siyang iwan na kung tutuusin ay ikaw na ang pinakamaswerteng babae sa mundo."

"Dahil may dahilan ako." Tumulo ang luha niya. Tila nagmamarka sa dibdib niya ang lahat ng panunumbat nito. "H-Hindi ko naman siya sinasadyang saktan."

Hindi niya mabasa ang iniisip nito. Bawat tingin nito s akanya ay makahulugan. "Ama si Andrei kaya masakit na malaman niya na may anak siya pero hindi naman niya nakasama. Mahirap malayo sa isang anak, sana alam mo 'yon." Muling sabi nito. Nakita niya ang pagpatak ng luha nito. "Masaya na siya noon kay Chandra. Naging mabuti siyang ama. Pero hindi ko alam na mas sasaya pa pala siya ng malaman niyang may anak kayo."

"B-Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?" Hindi na niya napigilang maiyak sa harapan nito.

"Para ipaunawa sayo kung ano ang sinayang mo." Deretsong pahayag nito.

Lumunok siya bago pinawi ang mga luha. Sinalubong niya ang mga tingin nito. "Sinasabi mo ba 'yan para sumuko ako at iwan siya?"

Naglapat ang labi nito. Matagal na tumitig sa kanya bago muling nagsalita. "Kapag ba sinabi kong iwan at layuan mo na siya, gagawin mo?"






To be continued...

Chasing your LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora