Chasing Three

20K 526 38
                                    

"Si Daddy?"

Mabilis niyang sinalubong si JV pagkalabas niya ng elevator. Nagmamadaling lumabas ng suite nila ang ama niya. She knows what he was capable of doing. "Kasama na niya si Mom at JD. Umalis na sila."

Nakahinga siya ng maluwag. "Si C-Chase?"

"Nasa kotse ko. Kasama si Alas." Sabi nito. Bumuga siya ng hangin dahil sa sinabi nito. Humabol ang mga bata sa ama nila ng galit na galit na lumabas ito. "Ate ano bang nangyayari? Bakit ganoon ang inakto ji Daddy kanina? At bakit nandito si Kuya Xandrei? Bakit siya sinapak ni Dad?"

Nanlaki ang mga mata niya. "S-Sinaktan ni Dad si X-Xandrei?"

Tumango si JV. "Yeah, nakita niya si Kuya sa Lobby. May mga kausap na lalaki si Xandrei kanina ng sumugod si Dad at binugbog siya."

Natuptop niya ang bibig. Oh God! Hindi ba alam ng ama niya na pwede itong kasuhan ng lalaki? "Ate ano? Pati ba ikaw hindi rin magsasalita?" Halatang gulong gulo na rin ito.

"Sa bahay ko nalang ipapaliwanag sayo ang lahat. Ngayon ang gawin mo, iuwi mo na muna ang mga bata. Wag mo silang palalabasin. Lalo na si Chase. Ayokong makita muna siya ng---I mean ayokong kung saan saan siya magpunta." Bilin niya saka siya lumakad patungong Lobby. She need to find out what his dad really did to Xandrei. At kung ano ang sinabi ng ama niya.

Pagdating sa Reception Area ay agad siyang lumapit doon. "Excuse me." Bumaling ang tisay na babaing may logo ng resort sa dibdib.

"Yes Ma'am? How may I help you?" Nakangiting tanong nito na bumungad sa kanya.

Lumunok muna siya ng dalawang beses. "S-Si Xan---I mean si Mr Sandoval. Saan ko siya pwedeng makita?"

Nag isip ang babae bago siya tinignan sa kabuua. Ng mukha. "Ah si Sir X. I'm sorry ma'am hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo. Busy na tao po si Sir."

"But I have to see him. May importante akong sasabihin sa kanya." She insisted. But the receptionist said No.

"I'm sorry, Ma'am. Hindi po ako pwedeng magbigay ng information unless you have an appointment to Sir X. Protocol po namin 'yon dito." Okay she get it. Kailangan nalang niyang mag isip kung saan niya ito mahahagilap. "Kaano ano po ba niya kayo?"

"Ah..." Kaano ano nga ba? Ex-Lovers? Ex-girlfriend? Ina ng anak niya. Pathetic reason. Sinong maniniwala sa kanya? Xandrei is a very prominent Man. Pagtatawanan siya ng mga taong makakarinig sa sasabihin niya. "Please, Miss I have to see him. Kilala niya ako. Just call him and tell my name." ganyan ka ka-confident na hindi ka niya itataboy pagkatapos mo siyang iwan at ipagtabuyan noon?  Tila iniinis siya ng kabilang bahagi ng isip niya.

Umiling ang babae. "I'm sorry talaga ma'am. Baka kasi masesante ako kapag ginawa ko 'yan. Mahirap pong maghanap ng trabaho sa---."

"No need, Cathy. I know her. " Tila siya nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa biglaang pag freeze niya matapos marinig ang tinig ng lalaking hinahanap niya.

"Sir X!" Doon na siya napalingon. Muntik na niyang mahigit ang hininga dahil ga-dangkal lang ang layo nito sa kanya kung kaya't kitang kita niya ang nag aapoy nitong mga mata at nangangalit na panga.

"X-Xan---Mr Sandoval." Kusa niyang iniatras ang mga paa pero bumangga lang ang likod niya sa Reception Desk.

"Tama ka. You have to see me. And explain everything to me. " Dumaloy sa bawat himaymay ng ugat niya ang bawat salitang sinabi nito. Tinignan niya ang kabuuan ng mukha nito. May band-aid sa gilid ng mata nito at namamaga ang pisngi. Putok din ang labi nito.

Lumunok siyang muli. Mukhang totoo nga ang sinabi ng kapatid niya na binugbog ng ama niya ang lalaki. "Alam mo bang kaya kong kasuhan ang ama mo dahil sa ginawa niya? Destruction of human property --one. Nagkalat pa ang ama mo dito kanina. Pwede ko siyang ipakulong. And two---for humiliating me in front of my businessman guests. Telling me that I am a kidnapper and rapists. Really Mandie? Did I rape you? " Tila asido ang pangalan niya sa dila nito. Asidong gusto nitong isuka.

Nahihiyang nilingon niya ang paligid. Ang ilan sa mga nagchecheck-in na guests ay nakatingin sa kanila. May kalakasan kasi ang tinig ni Xandrei. Kaya nakakahatak ito ng atensyon. "W-Wag dito, please.. I can explain everything to you. W-Wag lang dito."

Tumigas ang anyo nito at tumindig ng deretso. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Hindi ka pa rin nagbabago."

Nag iwas siya ng tingin. Maya maya'y may kinuha ito sa loob ng coat nito bago iniabot sa kanya. Key card? "Penthouse suite ko. Itanong mo mamaya sa staff ko at sasamahan ka. Pagdating doon. Gusto kong maghubad ka." Nanlaki ang mga mata niya. "Hubarin mo sa harapan ko ang lahat ng kasinungalingan mo at sabihin mo sakin ang totoo." Nagbabaga ang mga mata nito. Inabot ng takot ang dibdib niya.  Hindi na niya makita sa mga mata nito ang liwanag na dati ay kumikinang sa tuwing kausap siya. Nababahiran na ng maiitim na ulap ang mga mata nito. Ito ba ang epekto ng ginawa niya?

Pikit matang sumagot siya. Hindi man niya nagawa ang tama noon. Baka sa ganitong paraan ay magawa niya. "D-Darating ako."

"Good. At wag mo akong paghintayin. Sawang sawa na akong maghintay. " Nanunuot sa bawat ugat niya ang mga maririin nitong salita. Tila mga punyal iyon na sumusugat sa kanya. Kusa itong lumayo sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag ng humakbang na ito palayo.

Pero hindi pa man ito lubusang nakakalayo ng muli itong magsalita kahit nakatalikod na sa kanya. "Kukunin ko na ang anak ko."

Doon na tumulo ang pinipigil niyang luha. Tuluyan na itong nawala sa paningin niya pero naiwan ang huli nitong mga salita.

"Kukunin ko na ang anak ko."

Matigas at may diin. Mahigpit siyang napakapit sa gilid ng desk upang di mabuwal. Si Chase ang buhay niya. Si Chase ang kabuuan niya. Sinong Ina ang papayag na mawala sa kanya ang anak niya? Mamatay siya kapag kinuha si Chase sa kanya. Madudurog siya. Mawawasak siya.






To be continued...






--------

AiSaid: Guys, Hindi ko gustong ipagtanggol si Mandie o Si Xandrei o sino man sa mga karakter na naririto. Karapatan niyong magbigay ng opinyon at kung ano ano. Pero gusto ko lang sabihin na sinadya kong likhain ang mga karakter na gaya nila. Lahat sila ay hindi perpekto. Walang perpektong tao sa kwentong ito. And I simply explain to all of you guys, na maunawaan niyo ako.. Char😂😂😂 pagbigyan niyo ako.. Nagdadrama ako.. But seriously, super naooverwhelmed ako sa mga nababasa kong inis, galit at poot para kay Mandie.. Shookt! May ganun na kayong feels.. Hihihi.. Salamuch sa walang sawang pagbasa.

Sabi ni Xandrei, maghubad ka! Bakit feeling ko may magluluto na naman ng humba? 😂😂😂

Happy reading
Ai

Chasing your LoveWhere stories live. Discover now